Chapter 3

16 0 0
                                        


"Pot,tara sa gym!"nagulat ako sa biglang pagkaladkad sa akin paglabas ko ng room.Ni hindi ko pa naisusukbit ng maayos 'yong bag sa balikat ko.

"Ano ba!Teka nga muna!"pero patuloy lamang ang paghila niya sa'kin at parang walang naririnig."Sandali!"

Sa sobrang inis ko ay tinulak ko siya kaya muntik nang masubsob sa semento 'yong mukha kung hindi lang kaagad naitukod 'yong mga kamay niya.Buti na lang at nabitiwan niya ako kaya hindi ako nasama sa kanya.

"S-shit!Bakit nanunulak ka?"busangot ang mukhang humarap sa akin si Drev.Oo,si Drev.

Si Drev na asymptomatic 'kuno' pero ang totoo ay torpe lang talaga.Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya naman imbes na magsalita ay tumalikod ulit siya at pinulot 'yong bag niyang tumilapon.

"Ano'ng meron at nanghihila ka na lang bigla?"napakamot siya sa ulo at mahinang napamura.

"Eh,si Kyllan kasi napaaway.Nando'n sa gym,bugbog sarado,"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Bago pa siya muling magsalita ay tumakbo na ako patungo sa gym.

Ano na naman ba ang pumasok sa ulo ng lalaking 'yon at napaaway na naman?Takaw gulo talaga kahit kailan!Ang talino sana hindi naman ginagamit ang utak!Well,sa klase lang!

Hapong-hapo ako nang marating ang gym.Papasok na sana ako nang makasalubong ko siya sa Entrance pa lang.Kasama pa niya si Nite.Isa pang takaw gulo 'to eh!

Sa kanilang tatlo,si Nite talaga 'yong halos araw-araw ay nakikipag-away.Mukhang naging daily routine na niya 'yon eh.Iyong mga magulang niya ay wala namang pakialam.

"Potassium Chlorine!"lumapit ako sa kanila at in-inspeksyon kung may mga pasa ba siya sa mukha pero gano'n na lang ang pagtataka ko nang wala naman akong nakita kahit isa.

"Bakit ka nandito?Time na ah?Ano?Magka-cut ka?"sunod-sunod na tanong niya pero mas nakapokus ang atensyon ko kay Drev na tatawa-tawa habang papalapit sa aming puwesto.

"Ayiii.Concern si bebe kay Potassium Chlorine eh!"mas lalong sumama ang tingin ko kay Drev at halos gusto ko siyang suntukin sa pagmumukha niya.

Kainis!Kapag nasa harap naman ni Bia ay ang tahimik niya!Palibhasa pa-mysterious para pansinin ng crush niya!

"Lamang lupa!"naagaw ang atensyon ko nang marinig ang sinabi ni Kyllan.Nang lingunin ko siya ay halos magsalubong na ang makakapal na kilay niya."Bakit ka nandito?"

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nandito kaya muli kong nilingon si Drev at akmang lalapitan sana siya pero nahawakan ako ni Kyllan at hinila pabalik sa tabi niya.

"Ano?Hindi ka sasagot?"napanguso ako at tumingin nang masama kay Drev na tuluyan nang nakalapit sa'min.

"Siya kasi,"turo ko kay Drev na tumatawa pa rin."Ang sabi niya bugbog sarado ka raw."

Napailing siya sa sinabi ko habang si Nite ay natawa nang malakas.

"Ano naman ang sinabi mo sa lamang lupa na 'to, Drev?"tanong niya kay Drev nang nakakunot ang noo.

"Hindi niya naman kasi ako pinatapos eh.Ang sasabihin ko dapat 'bugbog sarado—'yong kalaban' pero mas mabilis pa kay flash na nawala sa harap ko."may nakakalokong ngisi pa siya habang nagpapaliwanag.Sa inis ko ay tumalikod na lamang ako at mabilis na tumakbo pabalik sa classroom.

Mabilis na natapos ang isang linggo at nagsimula na naman ang panibago.Pagdating ng Lunes ay sabay kaming pumasok ni Kyllan.Alas-singko pa lang ay naghihintay na siya sa akin sa labas ng bahay namin.

Sa daan papunta sa school ay panay ang reklamo niya dahil sa pagiging kilos pagong ko raw.Hindi na lang ako umangal kasi baka mag-away na naman kami.Mahirap na.Baka hindi na naman ako pakokopyahin sa math.May quiz pa naman kami mamaya at siya na lang ang pag asa ko.

Nang makarating sa school ay tunog kaagad ng bell ang narinig namin.Kaya tumakbo na kami papunta sa room.Mula sa gate kasi ay malayo pa ang room namin.Malapit 'yon sa building ng Spec. Sci.

Nang marating namin ang classroom ay nabungaran namin ang mga kaklase naming pakalat-kalat.Wala sa tamang arrangement ang mga upuan at puno ng kung ano-anong nakasulat ang blackboard.

Si Kyllan ay kaagad lumapit kina Nite at Drev na nakaupo sa labas at may seryosong pinag-uusapan.Ako naman ay dumiretso sa upuan ko at sumubsob sa desk.

Maingay ang mga kaklase ko.Naririnig ko pa ang mga hiyaw nila dahil walang klase.May program do'n sa covered court.Program yata ng English Club.May nakikita kasi akong mga estudyanteng naka-costume ng Iba't-ibang movie characters.

Nang dumating ang lunch break ay mabilis na nag-evaporate ang mga kaklase ko.Tamad akong tumayo at kamot-ulong inilibot ang paningin sa paligid.

Nagkalat ang mga upuan,pati ang mga basura nilang nasa upuan lang nila iniwan.Hindi talaga uso sa kanila ang basurahan 'no?

Nasa akto akong nagwawalis nang pumasok si Kyllan kasama sina Drev at Nite.Oh?Akala ko ba umuwi na ang mga 'to?

"Bakit mag-isa ka lang?"kunot noong tanong ni Kyllan.

"Umalis na sila eh.Iniwan ako,"muli akong bumalik sa pagwawalis at pagkatapos do'n ay inayos ko naman ang mga upuan.Tinulungan naman ako kaagad ng tatlo.

Si Drev ang nagsarado ng mga bintana at pumatay ng mga ilaw at electric fan.Si Nite naman ang nagbura ng mga nakasulat sa board.Habang si Kyllan ay tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga upuan.Mabilis kaming natapos at nang makalabas ng classroom ay kaagad na napahiwalay ang dalawa kaya naiwan kami ni Kyllan.

"Uuwi ka pa?"tanong niya sa gitna ng katahimikan.Sandali ko siyang nilingon at muling binalik ang atensyon sa nilalakaran.

"Oo eh.Nakalimutan ko 'yong lunch box ko."

"Sama ka na lang sa'kin."

"Saan?"

"Sa bahay.Mom invited you,actually."napataas ang kilay ko sa sinabi niya.Ano 'to?Meet the parents na?Hindi pa naman kami ah!Naninigurado,Kyllan?

Mukhang nabasa niya yata ang iniisip ko kaya muli siyang nagsalita.

"Wag kang mag-assume.Hindi kita type."

Love Between CrimesWhere stories live. Discover now