" Maam, hindi po ba talaga ako pwede? Kahit taga hugas nalang?" I'm really desperate to get a job. At heto ako ngayon, nasa harap ng isang karenderya.
"Wala talaga ineng eh, pasensya na." Agad akong umalis doon dahil kanina pa ako pinagtitinginan. Tsk. Anong problema nila? Parang ngayon lang sila nakakita ng isang taong nag-apply ng trabaho.
Kanina pa ako paikot-ikot, nagbabakasakaling makahanap ng matino na trabaho. At heto, wala akong napala. Pinangalanan akong Bless ngunit ako yata ang pinakamalas sa lahat ng malas, sana'y naging malas nalang ang pangalan ko. Napailing iling ako at saka bumuntong hininga. Sigurado akong gutom na ang mga bata ngayon. Kung bakit ba naman kasi, naisipan ko pang dalhin sila sa bahay ko. Oo nga pala wala silang pamilya. So sino pa ba ang dapat magdamayan at at magtulungan, syempre kaming mga ka uri. Kinapa ko ang aking pitaka at binilang ang laman nito.
" Isa. Dalawa......... Okay! Singkwenta pesos nalang ito." Napatingin ako sa bakery na nasa tapat ko. Mukhang wala akong choice kundi mag tinapay nalang ngayong tanghalian.
Napabuga ako ng hangin habang hinihingal na tumigil sa lilim ng isang puno. Nakabili nga ako nang tinapay ngunit heto naman ako't mamamatay sa uhaw. Ang akala ko'y malapit lang ngunit mukhang akala ko lang iyon dahil mga kalahating oras na yata akong naglalakad. Hindi ako makakauwi kung tutunganga lang ako rito kaya mas mabuting magpatuloy sa paglalakad.
Tsk. Ang hirap maging mahirap. Ngunit kailangan mong tanggapin ang nakatadhana para sayo. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil utang ko lang naman sa Diyos ang buhay ko. Well, sana nga hindi nalang ako nabuhay nang sa ganoon, hindi ko mararanasan ang hirap ng buhay. Ano kayang ginagawa ng mga mayayaman ngayon? Pa chill chill? Namamasyal? Tsk. Kaya ayoko sa kanila eh. Masyado chillax sa buhay samantalang kami halos gumapang na sa pagtatrabaho.
Sa di kalayuan ay natanaw ko na ang maliit kung bahay, kung bahay ba ang tawag dito. Ang bubong ay gawa sa pinagtagpi-tagping yero na napulot, ang pader ay mga pinagtagpi-tagping malalapad na kahoy at ang kusina ay nasa gilid lamang nito, natatabunan ng isang may butas butas na yero.
"Ate B!" Isang malakas na sigaw ng pitong taong gulang na batang babae ang bumungad sa akin.
"Oh heto na ang tanghalian. Yan lang ang nakayanan ko." Nagningning ang mata nito saka tinawag ang nakababatang kapatid. Dalawa silang pinatuloy ko dahil masyado pa silang bata para magpalabuy-laboy sa kalsada. Noon paman ay namimigay ako ng pagkain sa mga batang kalye lalo na kapag may pera ako. Ngayon lang ako nagdala ng mga bata sa bahay dahil wala akong pinagkakatiwalaan. Naawa kasi ako nong nagkwento ang dalawa na pinalayas sila. Naranasan ko ring mapalayas kaya alam ko ang pakiramdam nito kaya naisipan kong kupkupin ang mga ito.
"Ang saraaaap ate."
" Oo nga."
Napangiti ako sa komento nila. Iba talaga kapag lumaki ka sa hirap, kahit ang pinakacheap na pagkain ay pinupuri mo na.
"Ate, ano ang pangarap mo?" Napatigil ako sa ginagawang pag-aayos ng higaan dahil sa tanong ni Shake, ang panganay. Ano nga ba ang pangarap ko? Hindi ko alam. Ang alam ko binubuhay ko ang sarili ko.
"Ikaw ba?"
"Pangarap kong maging isang sikat na modelo balang araw. Iyong rarampa ka at higit sa lahat may pera na akong pambili ng pagkain."
"Ah. So gusto mo maging mayaman?" Tumango ito. Pera. Yaman. Halos lahat ng tao ay hinahangad ito. Pero ako? Hindi. Hindi ko kailanman pinangarap na maging isang mayaman o magkaroon ng maraming pera. Sapat na siguro na makakain ako ng kanin tatlong beses isang araw. Hindi ko pa naranasang makakain ng kanin tatlong beses sa isang araw, ganoon ako kahirap. Ganoon ang buhay ko noon pa. Kahit noong nasa poder pa ako ng aking ina, iyon ang isa sa mga parusa niya. Parusang dapat ay sa taong nanggahasa sa kaniya ngunit ako, ako na siyang bunga ang sumalo sa lahat ng iyon. Sa umaga, tubig o minsa'y kape lang ang ibinibigay nito sa akin, hindi ako hinahayaang pumunta sa kusina para makasalo ang bago niyang pamilya. Sa tanghali lang ako nakakatikim ng kanin ngunit mga sampung kutsara lang, walang labis at walang kulang. Kung gabi ay tinapay lang at kung minsa'y wala. Nakakatulugan ko ang gutom noon. Kaya simula noon, umusbong ang galit ko sa kaniya, sa kanila ng pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Langit at Lupa
General FictionMost of us love a fairytail kind lovestory. We dream to have our prince charming, a knight and shining armor, an unending love and most of all we dream to have a ' happily ever after'. But for Bless Santiago, loving someone sucks. She never dream of...