Sa kada Huwebes na pagtatrabaho ko bilang kargador nakilala ko si Dane. Siya pala ang boss na sinasabi ni Ms. Betty. Dane is a gentleman, mabait, maalalahanin, kumbaga perfect na pero syempre joke lang yon kasi ang totoo, sobrang nakakainis siya, nakakabadtrip, basta naiinis ako sa kaniya. Hindi Sir ang tinatawag ko sa kaniya dahil sa kagustuhan niya. Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako sa nangyayari at sa mangyayari.
"Ang lalim ng iniisip ah." Sinamaan ko ito ng tingin. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Mamahaling damit, mamahaling pantalon, mamahaling sapatos, necklace na mukhang mamahalin. Umiwas ako ng tingin.
" Okay ka lang?" May bahid ng pag-aalala ang boses niya but NO! Ang mga mayayaman ay tuso.
" Don't act like you care." Akmang tatayo na ako ng bigla niya akong hinila. Napapitlag ako ng mahawakan nito ang braso ko. Agad kong binawi ang braso ko at tumingin tingin sa mga taong namimili sa palengke. Wala si Shake at ang kapatid niya sa bahay dahil makipagkita raw ang mga ito sa kaibigan nila sa kalye kaya heto ako at nagpapahinga muna.
"I like you." Halos mabingi ako sa salitang binitawan nito. Never. Never in my life that I imagine na darating ang araw na may magtatapat sa akin. I never wanted to be noticed by boys because I never wanted to fall in love but here I am hearing a confession from a rich guy. Natawa ako. Kita ko ang pagkabigla nito.
"Why are you laughing? I'm serious." Mas lalo akong natawa. Kita kong malapit na itong mapikon kaya huminto ako at tinitigan siya.
" You don't like me, you're just curious about me. Like and curiosity is not the same, always remember that." Nagmamadali akong tumayo at mabilis na naglakad. Hindi na ulit ako magkakargador doon. I will quit that kind of job kahit na iyon lamang ang trabaho ko. Mag-aapply ako ng ibang trabaho. Ayoko ng ganito. Ayoko ng napapansin ako. Ayoko ng may taong nahuhumaling sa akin.
"Hindi ako ang nagpangalan sayo dahil kahit kailan hindi ka naging blessing sa buhay ko."
"Walang magmamahal sayo dahil bunga ka ng isang nakakarindi at maduming pangyayari."
"Walang magmamahal sayo. Wala!"
Napaupo ako sa isang bench. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Noon pa man, marami na akong natanggap na salita, mga maanghang na salita mula mismo sa aking ina. Lahat ng iyon isinawalang bahala ko dahil alam kong nagsasabi lang siya ng totoo. Sino nga ba ang magmamahal sa akin? Mamahalin nila ako sa una ngunit kapag nalaman nila ang nakaraan ko, I'm very sure iiwan din nila ako. Iyan ang rason kung bakit kahit kailan hindi ko ginustong ma in-love at hindi ko iyong gugustuhin habang buhay. I never believe in a 'happily ever after' , I never believe in love because loving is just a weakness. A weakness that I never wish and imagine. Matagal na akong mahina kaya ayoko nang dagdagan ang kahinaan ko.
- - -
Sa mga sumunod na araw ay ginugol ko ang aking oras sa paghahanap ng trabaho.
"Ate, wala po ba talaga?" Tiningnan ako nito at saka bumuntong hininga. Nasa isang simpleng coffee shop ako, medyo malapit lang ito sa kalye kung saan ako nakatira. Ayos dahil hindi na ako maglalakad ng mga kalahating oras. Tahimik akong nagdadasal na sana'y matanggap ako. Paubos na ang bigas na binili ko nong nakaraan kaya kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Sina Shake ay kinuha ng kanilang mga magulang nong isang araw. Nagsisisi ang mga ito at nakonsensya kaya agad na hinanap ang mga anak. Siguro mas mabuti na rin yon bago ako mapalapit ng tuluyan sa mga ito.
"Okay cge. Marunong ka naman magserve hindi ba?" Kahit papaano ay nakapagtapos naman ako ng elementarya kaya may konting kaalaman ako at mahilig din akong magbasa ng libro.
"Opo! Opo!" Halos magtatalon ako sa tuwa.
"Maaari ka nang magsimula bukas, alas singko ng umaga kami magbubukas kaya kailangan wala pang alas singko ay nandito ka na. Bukas ko na ibibigay ang uniporme mo." Naluluha ako sa saya kasi sa wakas natanggap na ako.
BINABASA MO ANG
Langit at Lupa
General FictionMost of us love a fairytail kind lovestory. We dream to have our prince charming, a knight and shining armor, an unending love and most of all we dream to have a ' happily ever after'. But for Bless Santiago, loving someone sucks. She never dream of...