'Thank you Lord. Thankyou dahil sa kabila ng aking mga naranasan, nandito pa rin ako, humihinga. Nakakatawa nga eh, bakit hindi niyo na lang ako kunin? Total, wala namang patutunguhan ang buhay ko.'
Nag-sign of the cross ako at saka tumayo. Umupo muna ako at pinanonood ang mga taong umuupo sa harapan.
Nasa simbahan ako ngayon, matagal na nong huli akong pumunta rito. Hindi ako ang klase sa tao na palasimba ngunit naniniwala ako sa Panginoon. Siguro sa dami ng mga mapapait na karanasan ko sa buhay minsan na akong napapatanong, 'May Panginoon ba talaga?' pero sa ilang beses nang pagkalugmok ko at sa ilang beses na pagbangon ko napaisip din ako na may Panginoon naman talaga.
Lumabas ako sa simbahan at nagtungo sa likod nito. Balita ko kasi may isang fountain dito na maghuhulog ka ng isang piso at hihiling.
Maganda ang fountain, rainbow ang kulay nito. Talagang mahahalata mo na inaalagaan at taon-taon kinukulayan. Tumingin ako sa paligid at nakikita ng ilang magkasintahan, masayang nagtatawanan.
"Babe, anong winish mo?" Naglalambing na wika ng isang magandang babae. Ang ganda naman niya.
"Secret lang." Inakbayan siya ng kaniyang nobyo at ginulo ang buhok nito kaya napanguso ito. Nag-aasaran ang mga itong umalis.
Humarap ako sa fountain at pinakatitigan ito.
Bata pa lang ako, namulat na ako sa katotohanang walang kwenta ang pag-ibig. Kahinaan lang ito sa buhay kaya mula noon ay hindi na ako nangarap na maranasan ang pakiramdam na iyon. Hindi ako nagawang mahalin ng aking sariling ina. Hindi ako nagawang mahalin ng mga taong nasa paligid ko. Inaabuso at tinatraydor nila ako. Wala akong naging kaibigan. Wala akong naging takbuhan. Kahit isang simpleng pagmamahal at pagpapahalaga, hindi ko kailanman naranasan.
Napabuntong hininga ako. Ano bang ginagawa ko rito? Wala naman akong hihilingin. Nagsimula na akong humakbang.
"Araaaay!" Napaigik ako. Ano yong tumama sa ulo ko? Bwiset. Malas ka talaga kahit kailan Bless.
"Hala. Sorry Miss. Sorry talaga." Wait! Parang familiar sa akin ang boses na yon. No! No! Nagsimula akong maglakad. Ayokong e-confirm ang iniisip ko.
"Miss. Galit ka ba? Sorry talaga." Bakit ba ako sinusundan nito? Jusq.
"Ah hindi. Okay lang." Naramdaman kong tumigil ito sa pagsunod sa akin. Salamat naman. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa paglalakad. Wait!! Bakit parang may sumusunod pa rin.
"Bless." Napatigil ako sa paglalakad. Hala. Nabosesan niya ba ako? Jusq. Wala akong balak kausapin ang isang to. Napapitlag ako ng hawakan nito ang balikat ko at pinaharap sa kaniya. Hinawi ko ang kamay niya at dumistansya.
" May kailangan ka, Mr. Rivera?" Yes, Dane Rivera again. Ngumisi ito.
"Kain tayo. Libre ko." Akmang aakbayan ako nito nang mabilis akong lumayo. Kumunot ang noo nito saka natatawang tumingin sa akin.
"Ow. Easy Ms. Santiago, hindi ako nangangain." Mabilis ako nitong hinawakan sa braso at hinila. Whatda.
Hindi na ako nakapalag nang dalhin ako nito sa tapat ng isang may nakatayong bubuyog sa entrance. Tsk.
"Welcome to Jollibee." Masigla ang mukha nitong tumingin sa akin.
"Halika na." At wala na naman akong nagawa nang hilahin ako nito papasok. Ano bang trip nito? Sa pagkakaalam ko hindi kami close. FC.
_
"Kumain ka pa." Napabusangot ako sa sinabi nito. Nagbibiro ba siya? Halos pang-limang tao ang magkakasya sa inorder niya at dalawa lang naman kami so paano namin uubusin toh? Tsk. Iba talaga pag mayaman. Nagsasayang lang ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Langit at Lupa
General FictionMost of us love a fairytail kind lovestory. We dream to have our prince charming, a knight and shining armor, an unending love and most of all we dream to have a ' happily ever after'. But for Bless Santiago, loving someone sucks. She never dream of...