Chapter 4: Confusion

0 0 0
                                    

Dalawang araw na simula nong matanggal ako. Siguro kung isang ordinaryong tao akong nawalan ng trabaho, magmumukmok na ako at iiyak sa gilid pero hindi ako isang ordinaryong tao lamang. Marami na akong napagdaanan na mas higit pa nito kaya siguro nasanay na lang din ako sa bawat kabiguan. Parang ito na ang buhay na nakagisnan ko. Maaaring ngayon, nalalasap ko ang ginhawa pero bukas o sa makalawa babagsak na naman ako sa putik. Sa putik kung saan ako nagsimula at kung saan talaga ako nababagay. Pero I believe that everything happens for a reason. Siguro hindi ko alam ang rason pero alam kong sa bawat rason na iyon, ginagawa ako nitong mas matapang at matatag sa buhay. Sanay sa hirap. Sanay sa kabiguan. Sanay na magisa.

Naglalakad ako sa isang parke ngayon. To relax? Maybe. Iyon lang naman ang maaari kong gawin para maibsan ang panghihinayang. Maaaring sa susunod na araw, maghahanap na ulit ako ng panibagong trabaho. Minsan naisip ko, saan patungo ang buhay ko? Ano ba ang kinabukasan na naghihintay sa akin? Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pangarap ko sa buhay. Kumakain ako para mabuhay. Matutulog at gigising. Magtatrabaho para may pangkain. Iyon lang. Hindi ako katulad ng iba na gustong mag-aral para may makuhang magandang trabaho.

Napatingin ako sa mga estudyanteng may binubully na schoolmate yata nila base sa unipormeng suot nila. Lumapit ako.

"Ano bang ginawa mo para makapasok sa paaralan namin?!!"

"Siguro, you seduce our dean."

"Pokpok ka siguro." Tiningnan ko qng lang binubully nila. Magandang babae ito. Siguro kung titingnan mo ito sa mukha, masasabi mong anak mayaman ito. Pero kung bababa ang tingin mo, mapapansin mo ang sobrang luma nitong school shoes at hindi plantsado ang suot nitong palda. Nagpapaapi ito? Tsk.

"Wala kayong karapatan na tapakan ang pagkatao niya." Wala akong balak na makialam ngunit masyado nang marami ang nanonood. Ayokong maranasan ng babaeng ito ang hiyang minsan kong naranasan. Ni walang tumulong sa akin.

"Anak ka ng isang rapist."

"Marumi. Walang kwenta."

"Anak ng rapist."

Tiningnan ko ang mga taong nakapalibot sa amin. Walang gustong tumulong. Natawa ako ng mapakla. Sino nga ba ang gustong tumulong sa anak ng isang rapist?

"Sino ka para pagsabihan kami?" Tinulungan kong tumayo ang babae. Tinago ko ito sa aking likod.

"Hindi kayo Diyos para husgahan siya." Tinaasan ako ng kilay ng babaeng hanggang balikat ang buhok.

"Eh ano naman sayo? Kaano-ano mo ba yan? Kapatid mo?"

"Baka pareho silang pukpok."  Tumatawa sila. Napakuyom ako ng kamao.

"Mga edukada nga kayo pero wala kayong mga respeto." Hinila ko ang babae at iniwan ang mga nakangangang manonood at ang tatlong iyon. Umupo kami sa tagong parte ng park.

"Salamat." Unang beses, unang beses kong nakatanggap ng isang 'salamat'

"Hindi mo kailangang magpasalamat, ginawa ko lang ang dapat." Ngumiti ito sa akin.

"I'm Yvonne Rivera." Napatingin ako sa kaniya.

"Rivera?" Natawa ito sa tanong ko.

"If you're asking kung kaano-ano ko si Doña Isabela Rivera. We're not related. Anak ako sa labas ng asawa niya." Gulat akong tumingin sa kaniya. Wala itong galit sa mga mata. Totoo ang sayang nakikita ko sa mga mata nito. Napaiwas ako ng tingin. Bakit ganoon? Bakit nakakaya nila ang lahat? Bakit kaya pa rin nilang maging totoong masaya sa kabila ng lahat?

"I'm Bless Santiago."

"Santiago?" Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Oo, bakit?" Ewan ko kung bakit pero bigla akong kinabahan.

"Para kasing narinig ko na ang apelyidong iyan. Saan nga ba?" Seryoso itong nag-iisip.

"Aha! Alam ko na. Cristine Santiago."

"Paano mo nakilala ang nanay ko?" Mas nadagdagan ang kaba ko. Bakit parang may pakiramdaman akong huwag nalang pakinggan ang sasabihin nito.

"Ha? Pero bakit Santiago ang apelyido mo? Dba dapat Dela Peña?" Dela Peña ang apelyido ni Kuya Patrick, asawa ni nanay ngayon. Natahimik ako sa tanong nito.

"Mahabang storya." Kahit kailan wala pa akong nakwentuhan sa maduming storya ng buhay ko kaya hangga't maaari ayokong may magtanong ng tungkol dito.

"Sa pagkakaalam ko, walang anak sa pagkadalaga si Ms. Christine. Hays ang gulo." Sobrang naguguluhan ako. Ibig sabihin ba, hindi ko pa talaga lubos na kilala ang buong pagkatao ko? Sino ba talaga ako?




***

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ako matahimik. Kung hindi lang siguro naduwag, nalaman ko na ang totoong pagkatao at buhay ni Christine Santiago. Bakit kilala siya ni Yvonne? Anong koneksyon ng nanay ko sa mga Rivera?

Marami akong tanong pero hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung handa ba akong tanggapin ang bawat sagot. Napabuntong hininga ako. Sobrang nalilito na ako. Hindi ko na alam kung ano ang aking iisipin.





**********

Ano pa ba ang hindi nalalaman ni Bless sa kaniyang buhay?

May kailangan pa ba siyang malaman?

Abangaaaaan...






Thank you. Thank you talaga sa lahat ng nagbabasa sa storya ng buhay ni BLESS SANTIAGO kung meron man.🤗😘

Vote and comment your opinion about the story.❣️

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon