Chapter 3: Dixon Rivera

2 0 0
                                    

Medyo busy kami ngayon. Hindi namin inaasahan na marami na ang pupunta sa shop kaya heto at nagkandaugaga kami sa pagserve. Pati si Ms. Kara ay tumulong na rin.

"Bless, pakihatid sa table 5." Agad kong tinanggap ang mocha coffee kay Ms. Kara.

"Here's your coffee sir." Nag-angat ito ng tingin at nagulat ako. Dane? Ngunit kung si Dane ito, siguradong nagsalita na ito.

"Hmm. Order ako ng isang slice ng mocha cake." Hindi si Dane ito pero magkamukha sila. Napailing akong kumuha ng mocha cake. Pagkabalik sa pwesto ay nakangiti na itong nakatingin sa akin. Anong problema nito?

"Ito na po sir."

"I'm Dixon. Dixon Rivera." Naglahad ito ng kamay. Ayoko namang maging bastos kaya tinanggap ko ito. Naguguluhan pa rin ako kung bakit nagpakilala ito. Kung hindi ito si Dane, baka kapatid niya ito. Magkaiba sila ni Dane, kung si Dane ay parang badboy kung ngumiti ito naman ay parang inosente. Well, looks can be deceiving. Kinuha ko ang aking kamay at akmang tatalikod na ng magsalita ito.

"Hindi ka man lang magpapakilala?" Humarap ulit ako rito. Nandyan pa rin ang inosenteng ngiti nito.

"Ahmm. Bawal ho sa oras ng trabaho iyon." Tumango lang ito at ngumiti ng malapad. Ang weird. Nagmamadali akong bumalik sa aking pwesto.

Ang nakangising si Glaiza naman ang bumungad sa akin. Hindi ko ito pinansin.

"Ikaw ah. Type mo pala ang may inosenteng ngiti." Humagalpak ito ng tawa kaya naiinis ko itong tiningnan. tsk.

"Hindi ko siya type at never akong magkakaroon ng type. Period. Dyan ka na nga." Tumatawa pa rin ito. Bwiset.

Maaga kaming magsasara dahil may importanteng lakad si Ms. Kara. Palalabas na kami ng shop. Nakakapagod ang araw na ito. Bigla akong siniko ni Glaiza. Binigyan ko ito ng isang masamang tingin.

"Mr. Innocent is waiting for you." Sinundan ko ang direksyon na ininguso niya.

"Napaka assumera mo." Ngumisi lang ito sa akin.

"Enjoy your date Ms. Bitter." Bulong nito sa akin sabay takbo. Tsk.

Dire-diretso akong naglakad. Walang lingon-lingon.

"Hi." Nakangiti ito. Tumingin ako sa likod ko, wala namang tao. Nababaliw na yata to eh. Akmang lalagpasan ko ito ng magsalita ulit ito.

"Hey Bless."

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Ah. Sinabi nong kaibigan mo." Kumakamot sa batok na sabi nito.

"Wala akong kaibigan. Kasamahan ko lang siya sa trabaho."

"Anong kailangan mo?" Mas mabuti nang straight to the point.

"Ah. Mag-offer sana ako ng free ride. Kung okay lang?" Hindi ako makapaniwalang tumingin rito. Hinintay niya ako para lang don? Walang kwenta.

"Hindi okay sa akin. Makakauwi ka na dahil uuwi na ako." Ngumiti lang ito sa akin.

"Nirerespeto kita kaya cge sa susunod nalang. Kitakits bukas." Agad itong pumasok sa sasakyan. Bukas? Wag niyang sabihin na babalik na naman siya? Urghhhh. Umalis ako bilang kargador para maiwasan si Dane Rivera at ngayon? Pinaglalaruan ba ako ng mga Rivera? Nakabwiset. Hindi umandar ang kotse. Trip nito?  Nagsimula na akong maglakad at napapansin kong nasa likod ko ang kotse nong Dixon. Trip ng lalaking toh? Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang hindi na ako makatiis, hinarap ko ito. Tumigil ito sa pag-usad. Bumukas ang bintana nito at sumilip ito.

"May problema ba?"

"Ikaw! Ikaw ang problema." Napakunot noo ito.

"Anong trip mo ah? Ba't moko sinusundan?"

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon