CHAPTER 1: Yugen
"Maybe we're perfect strangers. Maybe it's not forever. Maybe the night will change us. Maybe we'll stay together. Maybe we'll walk away."
----------
"Hoy, Klaire. Crush mo?"
"Hindi."
"Bakit ka titig ng titig?"
"Kasi parang nakita ko na siya."
"Saan?"
"Ewan ko. Hindi ko na maalala."
"Saan ka kaya makakakita ng ganiyang kagwapo na lalaki?"
"Sa anime."
"Tigilan mo ako sa kaka-anime mo, ah! At baka masampal kita ng wala sa oras."
"Seryoso nga!"
"Shh!! Ang ingay mo! Baka marinig tayo!" Sabay takip ng kamay ni Sey sa bibig ko. Bakit ba naman kasi sa lahat ng pwede pagtaguan sa likod pa kami ng nagtitinda ng isda sa palengke? "Pwede ba? Wala namang mangyayari kung makita tayo niyan, eh." Mahina kong binulong habang tinatanggal yung kamay niya mukha ko "Hanapin na lang natin sina Ralph..."
"Teka- Meron siyang kasama!! Teh! Ang ganda!!"
Hindi na ako tumingin. Wala naman akong mapapala kung lilingon pa ako sa kaniya... Este- Sa kanila pala. Gusto ko na lang hanapin sina Ralph para makauwi na kami. Saan-saan ba naman kasi sila nagpupumunta ni Marga? Hahanap lang ng pajama, eh. Nakaabot pa kami sa 'Wet and Dry Market'. Pwede namang sa ukay-ukay na lang kami maghanap, kahit na nakakairita na yung mga love story na kung saan-saang lupalok ng radyo nila nahahalukay. Wala ba silang ibang channel? Imposible namang wala silang MOR sa radyong ginagamit nila, diba?
"Hala- Baka girlfriend niya? Ano ba yan?! Taken na siya. Sayang~" Nakasilip pa rin si Sey sa lamesang punong-puno ng mga isdang hindi ko alam kung buhay pa o hindi. May gumagalaw pa kasi, eh. "Sey!! Umalis na tayo!! Hanapin na natin sina Ralph!" Panghihila ko sa kaliwang braso niya "Alam mo? Katunog mo na si Kimberly. Papa's girl ka na rin?" Tinaasan niya ako ng kilay "What? Hindi, noh. Gusto ko lang umuwi kasi nga baka nakakalimutan mo... 'Mag-isa sina Paul at Kimberly sa dorm'. Baka kasi pagkabalik natin, nag-umpisa na pala yung World War 3 at gumuguho na yung dorm natin." Totoo naman, eh. Parang aso't pusa yung dalawa, what more kung mag-isa lang sila dun sa dorm namin... Nakakatakot, wag na lang isipin.
"Wait. 1 minute pa,"
1 minute ka diyan?!
Hindi na ako nakapaghintay. Tumayo na ako sa pinagtataguan namin. "Hoy! Saan ka pupunta?" Narinig kong pasigaw na bumulong si Sey "Tatapusin ko na toh. Para makauwi na tayo." Diretso akong lumakad sa lalaking kanina pa naming tinitignan- Ay! Si Sey lang pala. Huminga ako ng malalim tapos kinalabit siya. Dahan dahan siyang lumingon sa akin.
Parang nakita ko na talaga siya, eh.
"Hi!"
No response. Tinitigan lang niya ako... ABORT MISSION!!! I REPEAT- ABORT MISSION!!
"Okay... So ganito. Nakita mo yung babaeng yun." Sabay turo sa nagtatagong Sey. Kaya napalingon dun si Kuya Boy. "Hindi siya aalis hangga't hindi ka rin aalis. Bakit? Wag mo nang itanong kasi wala ring kwenta yung sagot. In short, pwede po bang umalis na po kayo ng girlfriend niyo para po sumama na po sa akin yung babaitang yun at makauwi na rin po kami. Dali na po, para sa ikakatahimik nating lahat." Nagmamadali at nanginginig kong sinabi. Narinig kong tumawa ng mahina yung babaeng kasama ni Kuya Boy, kaya napatingin ako sa kaniya. "I'm sorry if we've bothered you and your friend. But don't worry though, we'll leave already and... uhmm... I'm not his girlfriend. So don't get the wrong idea." Tapos sumenyas siya sa katabi niya,
BINABASA MO ANG
Polaroid
Teen FictionSomeone told me that anything can happen in a blink of an eye. That a simple picture can make an unforgotten memory. That captured memory could last forever... That is if it doesn't fade, This isn't my story, it doesn't have any happy ending either...