CHAPTER 2: Nonversation
"A smile and I'm hoping they come to accept me with a "welcome aboard!","
----------
Huh?
Kamukha niya si Timothee Chalamet! I mean may hawig lang siya ng kaunti... Pero goddamnit! Kamukha niya siya!
"Oh! Tama na ang bulungan niyong mga slapsoil. Sige na, introduce yourself." Matigas na inutos ni Miss Liwag kay 'transferee'. Nakangiti siyang tumayo sa harapan,
"Hi! My name's Ace Nashton Harlen. I grew up in Germanym but I was born here in the Philippines. I'm a big fan of books and enjoy listening to music on my spare time. I hope to have a wonderful year and get to know each and every one of you." Sabay palakpakan ng buong klase.
Teka- Ganito ba kami nung nakaraang first day ng school? Hindi naman, ah. Actually nga, walang may pake kung anong pinagsasabi namin sa harapan, eh. So bakit ang babait nila ngayon? Ahh... Oo nga pala. Meron tayong tinatawag na 'First impressions'.
Biglang may nagtaas ng kamay sa harapan.
Siya ang pinuno ng hukbo ng mga pusang uhaw sa atensyon, half sister ni Zeus sa rami ng kalandian niya sa isang araw at siyang nagtaas ng kamay kahit na hindi naman kinakailangan at walang may pakealam. Siya si... *insert drum roll
Princess Francine Velasquez... Literal po siyang prinsesa, if you know what I mean.
"So, what made you move out from Germany? Because I'm pretty sure, guys like you don't usually transfer from another country that far only to end up in a common college here in the Philippines." MAAYOS niyang tinanong si transferee "Actually, my family lives here. So... Yeah! That's my answer." Tapos ngumiti siya.
KAMUKHA NIYA TALAGA SI TIMOTHEE CHALAMET!
"Hala teh! May itsura- Ay hindi. Ang gwapo!" Sabay palihim na kinurot ako ni Sey sa balikat.
In the loving memory of my shoulder... *Who can say where the road goes, Where the day flows, only time~
"Shhh!!" Pagpapatahimik sa amin ni Marga "KJ na naman si Marga," Reklamo ni Sey
"Nagsasalita na kasi si ma'am! Baka mapagalitan pa tayo."
"Opo..."
"Oh, tahimik na! Ang iingay niyo. Mr. Harlen, you may take your seat." Pagturo ni Miss Liwag sa bakanteng upuan sa harap ni Sey. At sa mismong oras na yun, naramdaman ko ulit yung takot. Yung takot na nagising ka sa gitna ng gabi kasi napagdesisyunan mong umihi. Tapos nagkorteng white lady yung damit mong nakasabit sa kabinet, kaya pinigilan mo na lang. Yun yung takot.
"Oh my god, teh!"
Nagslowmo lahat. Alam mo yung scene sa Matrix? Yung sinapak ni Keanu Reeves si Red Skull? Parang ganun... Ay hindi- MISMONG GANUN yung hampas ni Sey sa likod ko.
"Ow!!" Napatingin sa akin lahat, pati na rin yung transferring paupo na harap ni Sey. Tumawa na lang ako... Kahit masakit, kahit ang awkward. Tinawa ko na lang lahat. "Okay... Since everything's done. We'll start the attendance!" Umubo ng pasadya si Miss. Liwag, para na rin siguro sa ikakapayapa naming lahat.
"Elisha Coching?"
"Present."
"Sydney Carrilo?"
"Present po."
"Lyndsey Barrios?"
"Present po."
BINABASA MO ANG
Polaroid
Teen FictionSomeone told me that anything can happen in a blink of an eye. That a simple picture can make an unforgotten memory. That captured memory could last forever... That is if it doesn't fade, This isn't my story, it doesn't have any happy ending either...