CHAPTER 6: Naz
""Fall in love today!" books I read all say. But you and me aren't really like a thing, so I'll read all a million ways,"
----------
Teka-
Frozen na sticky note toh, ah... Pucha. Kailangan na ng lalaking yun ng tulong. Malala na sakit niya.
You looked bummed earlier so I figured it wasn't the right time to tell you that I lost your ballpen. But I found out that you didn't came to work today. So instead I bought a whole pack of pen... Hoping that it'll cheer you up a little and also to replace the pen that I'd borrowed.
No matter what happened, don't forget to smile a little! 😊
Bakit parang naririnig ko yung boses niya habang binabasa ko toh? Ganun na ba kami kaclose? Saka... Iisang ballpen lang naman yung nawala niya, bakit ang rami naman ata ng pinalit ng adik na yun?
Makatulog na nga lang. Sumasakit lalo yung ulo ko, eh. Bukas na lang ng umaga ako magthathank you o kung ano man...
----------
"Morning! Aga niyong tatlo, ah!" Pagbati sa amin ni Jedu,
"Excited kasi sila." Hindi morning person si Marga. Maaaring maaga siyang gumising pero hindi siya morning person. Huwag mo siyang gagalitin kapag wala siya sa mood. Baka kasi ikaw na yung hindi magising sa susunod na umaga. "I mean- Kahit naman maaga tayong pumasok ganun pa rin naman yung oras ng uwian natin, diba? Kaya bakit niyo kailangan na magising ng 4:00 ng umaga tapos magmadaling pumunta sa school?! ANO BANG KAIBAHAN NUN?!"
Sabi ko sa inyo, eh.
"Na-excite lang. Ito naman~" Nagmadaling umupo si Sey sa upuan namin. "Sorry na Margie,"
"San ba kayo pupunta?"
"Dadalawin namin sina Kath,"
"Ahhh... Ok. Pakibati na lang din ako, ha?" Tumungo na lang ako bilang sagot kay Jedu nung nakaupo na ako puwesto ko.
"Hi Tim!" May narinig akong boses ng isang pusang gala na handa nang atakihin ang isang dagang walang kaaalam-alam. "Hi Francine?"
And then he waddled away, waddled, waddled~
"Psst! Tranferee," Pagtapik ko sa kaniya nung nakaupo na siya sa harapan ni Sey. "Huh?" Gulat siyang napalingon sa akin "Thank you sa mga ballpen saka sa... Frozen na sticky note." Nakangiti kong binulong yung huling bahagi para walang makarinig,
"Y-yeah... Y-you're welcome."
"Oh? Bakit parang nagulat ka ata?"
"It's just... You should smile more. It suits you."
Bakit parang pamilyar yung nakakasilaw niyang ngiti? Inosente, totoo, pangmabait... Nakita ko na talaga, eh.
"Ace. Anong trip mo? Hindi naman tayo ganun close, pero bakit mo ako pinapaisip ng ganito?"
Biglang nanahimik yung buong room. Napatingin silang lahat sa akin.
Shet- Nasabi ko ata ng malakas yun, ah.
"Uhmm... W-what?" Tulalang tinanong ako ni Transferee. "He he he." Dahan dahan akong nagtago sa ilalim ng lamesa ng upuan namin.
Pucha, Klaire. Umagang-umaga!
BINABASA MO ANG
Polaroid
Teen FictionSomeone told me that anything can happen in a blink of an eye. That a simple picture can make an unforgotten memory. That captured memory could last forever... That is if it doesn't fade, This isn't my story, it doesn't have any happy ending either...