CHAPTER 4: Tacenda
"Cause you had a bad day. You're taking one down, you sing a sad song just to turn it around."
----------
Wait...
Bakit parang narinig ko na noon yung apelyido niya? Leyton... Leyton... Ughh! Bakit di ko maaalala?! Pamilyar talaga, eh!
Parang...
Ay- Ok... Lipton pala yun. So... Uhmm... Nauuhaw na ako. *This story isn't sponsored (._.)
"Ehem." Narinig kong umubo ng pasadya si Kirsten. Napatagal ata yung titig ko kay Lipton este- Art. Tinataasan na niya ako ng kilay, eh.
"A-ano... Uhmm... T-tara na! Gabi na, eh."
"Ate Klaire! Di po diyan yung daan." Napatigil ako sa paglalakad nung sinigawan ako ni Tantan "Sabi ko nga. Mauna na kayo." Sabay lingon sa kanila ni Art,
Bwiset na ice tea na yan.
----------
"So... You're saying, that you never had a boyfriend before?" Tumungo na lang ako kay Kirsten habang naglalakad "Eh ikaw?" Tanong ko sa kaniya pabalik "Nagkaroon ka na?"
"Ng Boyfriend?"
Hindi, ng menstruation. Nagkaroon ka na ngayong buwan?
"Sadly, I can't. You see... I'm still waiting for someone." Napatawa nang mahina yung lalaking nasa harapan namin "Yeah, right." Sarcastic niyang binanggit habang bitbit pa rin yung natutulog na bata sa likod niya "What? It's true naman, ah. I am waiting for someone," Dahan dahang napaharap sa amin si Art,
"Not that."
"Excuse me?" Napatigil si Kirsten sa paglalakad.
"Nevermind."
"Hey! Art!"
"Let's go. It's getting late." Bumalik na si Art sa paglalakad habang kinukulit pa rin siya ni Kirsten.
The more na tumititig ako sa kanila... Parang... Mas nagiging pamilyar. Narinig ko na yung boses ni Art, eh. Tapos parang nakita ko na rin siya sa kung saan. Putek, lalo akong napapaisip, hindi kakayanin ng utak ko yung ganitong storage.
"Klaire, can you help me here?" Napatigil ako sa pag-iisip nung tinawag ako ni Kirsten "H-ha? Ah... Ano...?" Pagpapanic ko habang napatitig sa dalawang kabote "Klaire, are you sure you're ok? You've been spacing out lately." Nag-aalalang tinanong ako ni Kirsten "Y-yun ba?... Nagugutom na kasi ako, eh."
"Nagugutom? Ah! What if we eat first before we continue our journey, huh? I saw a street vendor near us earlier."
"Ano, Kirsten-"
"Ep! Don't worry, it's my treat. Consider this as a celebration of a new friendship being formed.... Kinda like our friendsary except... A year late."
"A-ah... K-kasi..." Napatingin ako sa mga mata ni Kirsten na nagpupuppy dog eyes "Sige na nga."
"Yey! Now let us go. Come on!" Sineniyasan niya kami ni Art na sumunod sa kaniya. "Well, this is a long night." Mahina na nagreklamo si Art bago nagsimulang maglakad,
Aye...
----------
"Ate Klaire! Ramihan mo pa yung sauce!!!" Pagpipimilit ng bagong gising na Tan-tan "Parang kani-kanina lang ang sarap ng tulog mo ah. Tapos ngayon na naka-amoy ka ng pagkain, bigla kang nagising." Tinaasan ko siya ng kilay habang buhat buhat pa rin siya ni Art sa likod niya "Ginising ako ni kuya Art, eh. Diba kuya Art?"
BINABASA MO ANG
Polaroid
Teen FictionSomeone told me that anything can happen in a blink of an eye. That a simple picture can make an unforgotten memory. That captured memory could last forever... That is if it doesn't fade, This isn't my story, it doesn't have any happy ending either...