18

17 3 0
                                    


HINDI KO KAYA

Nakatingin sa blankong paligid
Mga larawan ng nakaraan
Pilit na kinalimutan
Muling nagsibalikan

Akala ko kaya ko na
Yun pala hindi pa
Kasi, Kasi ikaw parin!
Ikaw parin hanggang ngayon.

Pilit kong kalimutan lahat
Lahat ng mga ala -ala natin.
Pero kahit sarili nagpapaalala
Sa kung paano at ano tayo dati.

Ngumingiti man
Nasasaktan parin
Sa bawat araw, ikaw parin
Sa bawat araw, naaalala ka.

Mga masasayang ala -ala
Muling nagsibalikan
Matagal na simula nung
Tayo ay huling nagtatawanan.

Masakit parin
Yung mga ala -alang 'di na natin
Mababalikan pa
Kahit pilit mang kalimutan.

Kahit ano pa ang gawin
Kahit iwasan man
Ganun parin
Hindi ko parin kaya.

Kasi ikaw parin
Hanggang ngayon.
Kahit ilang libo pa ang dumating
Ikaw parin at hindi ko kaya 'yon.

May 11, 2020

-CUFWAUSLC

Poems For The WreckedWhere stories live. Discover now