Chapter 1: Late
Tok tok tok...
•
•
•
•
•
•
•
"Anak gising na malelate ka nanaman niyan 6:00 na mag-aantay ka pa ng masasakyan" sigaw ng mama ko pagkatapos kumatok sa pintuan ko.
Nagmadali ako na kalkalin ang uniform ko sa may aparador at dali-dali kong plinansiyahan ang aking polo. Di ko na isinamang plansiyahin ang aking pants (slacks) dahil rin sa isusuot ko rin naman at nagmamadali na ako. Di rin naman importante kung naka plantsya ang pants.
Pagkatapos kong plantsiyahin ay dumiretsyo ako sa banyo para maligo, magsipilyo maglagay ng deodorant at pabango. Mga 10 minutes akong nasa banyo at yun na ang pinakamabilis kong kilos dahil bagong gising lang ako at wala pang gaanong enerhiya.
Lumabas na kaagad ako para makapag almusal at para makaalis na. Baka kasi pagalitan na ako ng guro namin kasi lagi na akong nahuhuli sa pagpasok.
Pagkatapos ko kumain ay kinuha ko na ang bag ko sa kuwarto ko at saka na umalis.
"Ma, mauna na po ako baka pagalitan na ako pag na late uli." pasigaw kong pagkasabi kay mama ako dahil nasa kuwarto ako at nasa kusina siya.
"Kunin mo nalang baon mo sa tatay mo, nandiyan siya sa labas." aniya
Lumabas ba ako at pinuntahan ko ang tatay ko na nagwawalis at nagkakape para kunin yung baon ko.
"Tay, alis na po ako."
"Ahh sige, mag ingat ka at galingan mo sa pag-aaral mo." Bilin sa akin ng tatay ko.
"Yung baon ko po. Hehehe" mahinang pagkasabi ko sa aking tatay dahil wala pa akong baon at yun talaga pakay ko.
"Nga pala. Eto sangdaan, sobra na yan"
"Sige tay mauna na ako. Baka mahuli po kasi ako sa klase mapagalitan pa ako."
"Ingat ka nak."
Nagmadali ako sa paglalakad sa kanto. Agad naman ako nakarating doon dahil malapit lang ang bahay namin palabas sa aming baranggay.
Pagdating ko ng kanto ay tinignan ko kung anong oras na para matansiya ko kung aabot ba ako na makarating bago mag 7am para hindi masabi ni Sir Guevarra na baka inaabuso ko ang kanyang kabaitan dahil sa nagpala-late ako lagi.
"6:30am" iyan ang nakasaad sa orasan.
"Shit, 6:30 na."
"Aabot ba ako sa school bago 7:00?"
"Bakit ba kasi ang tagal ng mga jeep!?"
Iyan ang nasasabi ko dahil sa nagmamadali na talaga ako. Pahirapan kasi ang pagsakay dito. Matagal kasi dumating mga jeep. Minsan puno pa kaya maghihintay na nanaman ng panibago. Ayoko naman sumakay ng tricycle dahil mahal ang bayad, saka ako lang mag-isa. May kasabay naman ako dito sa kanto, pero mukhang hindi sila papayag. P100 kasi sinisingil ng mga driver. Tatlo lang kami kaya kung tag 25, bale 75 lang. Ayaw naman namin na mas mataas bayad ng isa.
YOU ARE READING
INFATUATED (on going)
De TodoNaisulat itong story na ito dulot ng covid19. Naka lock down kasi kaya nakakainip at walang magawa ang author kasi walang load. Walang pangFB, YT, IG, at kahit ano pang pampilipas oras kaya eto nalang nagawa ng author. Di rin marunong gumawa ng stor...