Chapter 3

346 147 12
                                    








I got off from my bed and start my morning routine. Like what I have said yesterday pupunta kami ni kuya sa mall. I'm wearing my striped summer dress while I paired it with leather gladiator flat sandal. I tied my long jet black hair in a messy bun kinuha ko na din ang aking Marc Jacobs na perfume para magpabango.



Nagpaalam muna kami ni kuya kina mommy at daddy mahirap na baka mapagalitan na naman ako at mabuti nga mukhang good mood si dad pinahiram niya si kuya nang kotse. Sumakay ako sa front seat while si kuya ang magdadrive.

Nandito na kami sa mall at marami rami ang tao ngayon kung sabagay wala pa naman binabalita na huwag munang lumabas sa bahay maybe next week pa I guess. Kumuha si kuya nang basket since konti lang naman ang bibilhin namin hindi kami nagcart we only need to buy our needs not our wants.

Kumuha ako nang safeguard, sanitizer at iba pang bath essentials. Nahanap ko si kuya at kita ko ang dalawang alcohol na binitbit niya. Kuya paid sa lahat nang binili namin.We decided na sa Mcdo nalang kami magtake nang lunch since nandito naman sa first floor.

Si Kuya ang umorder sa food namin. He place the food on the table then we started to eat. "So little sis, what are your plans this incoming grade 11?" Aniya. "Hmm hindi pa ako sure kuya eh maybe STEM gusto ko maging engineer gusto ko sundin ang yapak ni daddy." Komportable kong sabi.

"That's good basta huwag ka munang magkaroon nang boyfriend ha baby girl ka pa yari ka talaga sakin." sabi ni kuya. Natawa lang ako at inubos ang inumin ko.

While I was drinking may nahagilap ang mata ko ofcourse si Mr. Masungit slash Mr. Mahangin naman. What a small world nga naman. May kausap siyang lalaki mukhang importante talaga ang pinag-uusapan nila then his eyes met mine.

Halos natapon ko ang aking inumin mula sa aking kamay sa pagkataranta shit ang clumsy ko naman. Tinulungan agad ako ni kuya. He handed me a tissue at nung bumalik ang tingin ko kay Mr. Mahangin matalim ang titig niya sa aming dalawa umigting ang kanyang panga at patuloy ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa amin ni kuya.

We are here at the parking lot. Gusto ko nang umuwi. I can't take this feeling anymore. I'm always embarassed at sa harapan pa niya. Nung na sa bahay na kami pumunta ako sa kwarto at nagbihis.

Hindi ko parin nakakalimutan ang mukha niya kanina his furrowed eyebrows, the way his eyes bore at kuya and me. Bakit naman siya magagalit? Hay nako ewan ko sa kanya. I'm just wasting my time kakaisip sa kanya.

Bumaba ako sa hagdan at tumungo sa kitchen. Gagawa nalang ako nang dalgona coffee since it was a trend na these days at higit sa lahat para makalimutan ko ang pagmumukha nung supladong lalaki na yun.

I gather the ingredients and follow the instructions nung nasa youtube. Walang mixer si lola kaya ginamit ko nalang ang tinidor to beat the mixture.

It took me 20 minutes kaya huminto ako nang mapansin na sticky na yung texture niya. Kung sana lang tumulong si kuya dito para mas maging madali. Ang sakit na nang kamay ko tuloy. Nung natapos na ang lahat I took out my phone and take a photo so that I can post it sa instagram. Kinuha na ni kuya ang sa kanya alam ko na matakaw talaga yun at sabi pa niya na masarap raw. Okay lang love ko naman si kuya.

Pumunta ako sa kwarto nina mom and dad para makatikim rin sila sa ginawa ko. "Mom, dalgona coffee po ako ang gumawa niyan." sabay abot ko kay mom. "Ilagay mo lang diyan mamaya ko pa yan iinumin. May ginagawa pa ako." Aniya habang may tinatype sa laptop.

See? they don't even appreciate it sayang lang ang effort ko. Pumunta kaya ako dun sa may lake at hindi umuwi para mag-alala naman sila mom at dad pero joke lang makita ko na naman siya. It will only give me nightmare.

I remember magkatabi pala ang tunutuluyan namin tsk mukhang pinaglalapit talaga kami nang tadhana chos Lord binabawi ko na po ang sinasabi ko huhu sana starting tomorrow hindi ko na makita ang pagmumukha niya.

We are done eating our dinner sa baba kaya nandito na naman ako sa aking kwarto. I need to prepare na para matulog and I need to freshen myself up because nakakastress ang araw na ito. I turned my lights off tsaka natulog na.

Fighting Against The OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon