CHAPTER 02: Chartí

33 7 22
                                    

Jairem

"Okay class you need to pass the Article 7 tomorrow." Announce ni Sir Kim samin.

Syempre lahat nang classmate ko biglang nag reklamo ng marinig nila ang sinabi ng Prof namin. Hindi sila papayag na pasahan na agad bukas, mahirap maging Journalism student lalo na at graduating na kami. Lahat ng professor namin tinatambakan kami ng sandamakmak na gawain, na para bang huling araw na namin sa mundo. Habang tinititigan ko sila na nagkakagulo, naisip ko na naman iyong tungkol sa libro. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nawala iyong nakasulat sa likod ng libro.

"Ryevost! Tulala ka na naman diyan." gulat sakin ni Adam habang nakaakbay sakin.

"Bakit na naman ba? Papatulong ka na naman sakin no? Alam ko na iyang mga galawan mo." sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko.

"Please, help me Ryevost! Nagmamakaawa ako wala akong maipapasa bukas."

"Manahimik ka diyan. Iyong akin nga hindi pa tapos."

"Bakit kasi ang dami dami nilang pinagagawa? Bawal na ba tayong magpahinga?" Naiinis nyang sabi.

"Bahala ka diyan." Sabay tayo sa inuupuan ko at lumabas sa classroom namin.  

Pupunta ako sa library dahil kailangan ko maghanap ng libro para sa susunod na subject namin. Nang bigla kong nakasalubong si Dahlia, nakakunot ang kanyang noo na parang bang galit na galit sa mundo.

"Dahlia! What happened?"

"Nothing." Sabay alis sa harapan ko.

Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad. May kaaway na naman siguro iyon. Nahihirapan pa rin kasi siya mag-adjust dahil hindi siya marunong magsalita ng tagalog. Iniisip ko nga paano ko siya naging kaibigan e. Ang hirap niya kausap nakakadugo ng utak. HAHAHAHAHA.  

Nang makarating ako sa library, wala masyadong estudyante, medyo creepy kasi itong library namin. Napakalaki tapos meron daw nagpapakitang mga multo, kaya hindi masyado pinupuntahan. Actually dalawa ang library ng school namin, iyong isa ay nandoon banda sa cafeteria. Mas pinupuntanan iyon kaysa rito. Mas gusto ko rito kasi mas tahimik, at maraming librong pagpipilian. Hindi rin naman ako naniniwala sa mga multo. Magpakita muna sila sakin para maniwala ako.

Habang patuloy ako sa paglalakad, may nakita akong isang estudyante, nakatingin sa bintana at may hawak na libro. Sa tuwing napunta ako sa library, lagi ko siyang nakikita sa puwestong iyon at hawak lagi iyong libro. Gusto ko man siya lapitan at kausapin pero bigla nalang siya nawawala. Para bang bula, hindi naman ako natatakot pero ang creepy niya kasi. 

Nang makarating sa tapat ng napakalaking bookshelves, hinanap ko agad yung librong kailangan ko. Ganito lagi ang sistema namin, kapag ang subject ay History. Buti na nga lang, graduating na kami kasi napaka-boring ng subject na iyan.  

Habang hinahanap ko iyong libro. May biglang pulang papel na lumipad papunta sakin, bumagsak ito sa paahan ko. Dinampot ko ito at tumingin muna sa paligid, at baka may tao ngunit wala akong nakita. Nang buksan ko ang papel may nakasulat.

This world, or condition existence for more ethereal, has been variously called spirit world.

Iyon ang nakasulat sa papel.

"Spirit world?" Ulit na basa ko.

Biglang lumakas ang hangin na tila bang may bagyo. Lumipad ang papel na hawak ko papunta sa bintana, at tuluyang lumipad palabas. Natulala ako sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noong nakasulat. Ang tanging natandaan ko lang ay ang salitang "Spirit world."

Spirited AwayWhere stories live. Discover now