CHAPTER 07: Agàpe

17 4 16
                                    

Jairem

Dati naniniwala ako sa kasabihang, "love doesn't exist," pero nagbago lahat iyon dahil sa isang babae. Isang babaeng nagpumilit pumasok sa buhay ko, pero dahil sa ginawa niya nabuksan ang puso ko.

Masaya na akong mag-isa, hindi pinakikialaman ng ibang tao. Kumbaga, may sarili akong mundo. Hindi sa ayoko sa tao pero ayokong makisalamuha sa kanila. Gusto ko ng tahimik na buhay. May mga kaibigan naman ako pero mabibilang sa daliri. Minsan hindi ko pa sila kinakausap o hindi ako nasama sa gala. Masaya na ako sa ganitong buhay, kahit iniisip ng ibang tao na baliw ako o ano man. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Maria Margarette Kate Amelia Olivia.

"Jairem Ryevost Mendoza!" Announce ng teacher namin. 

"Present." Sagot ko

Balik eskwela na ulit kami pagkatapos ng mahabang bakasyon. Sana hindi na lang natapos ang bakasyon dahil ayoko pa pumasok. Napakaingay ng mga classmate ko halatang miss nila ang isa't-isa kahit nagkikita naman ng bakasyon. Ito ako ngayon, nakaupo sa sulok pinagmamasdan ang mga classmate kong parang mga nakawala sa kural, mga hindi napapagod sa kakakwento. Paulit-ulit lang din naman ang mga pinag-uusapan.

"Manahimik nga kayo! Napakaingay niyo!" Sigaw ng classroom president namin. 

Ang president/Rank 1 sa klase namin, na walang ibang ginawa kundi sumigaw para sawayin ang mga animal naming kaklase. Hindi ko nga alam kung paano niya na hahandle yung mga kaklase namin. Minsan nakikita kong lumabas na ang mga ugat niya sa noo sa galit samin. Nakakatawa ang itsura. Pero kakaiba siyang babae. Matalino, mabait, masipag, jolly, maganda at higit sa lahat napaka-friendly niyang tao. Sya si Maria Margarette Kate Amelia Olivia. Kasing ganda niya ang pangalan niya. At kasing haba din ng pangalan niya, ang pasensya niya sa mga kaklase namin.

"Second sem na hindi pa rin kayo nagbabago. Mga hinayupak talaga kayo!" Sigaw niya.

"OO NGA!" Sigaw ng mga classmate kong mga animal, na may halong pang-aasar.

"Tigilan niyo ako! Makakatikim talaga kayo sakin!"

Hindi na sumagot ang mga kaklase ko. Tumahimik na sila dahil galit na si Margarette. Si Margarette lang ang kaya magpatahimik sa buong klase. May super power ata iyong babaeng iyon.

"Okay class, dahil kakabalik niyo lang. Hindi muna ako magtuturo. I-group ko muna kayo para sa gagawin niyong activity, na ipapasa niyo sakin sa friday."

Nagsimula na si ma'am na i-group kami, by row lang ang ginawa niya. So, may apat na group lang.

"Okay, group 1 tumayo at pumili ng leader." Si Ma'am.

"Okay, next group."

Third group ako.

"Okay, third group tumayo at pumili ng leader."

Tumayo kaming lahat. Nagsisigawan ang lahat. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko naman tinitinganan mga kagrupo ko. Nang may sumigaw ng--

"Ang suwerte naman ng group 3. Kasama nila si Margarette!" Sigaw ng mga kaklse ko.

Bigla akong napatingin sa mga ka-grupo ko. Tama nga sila, kasama namin si Margarette. Ngayon ko lang siya naging ka-group. At ayoko rin naman siyang nakakasama dahil natatakot ako saknya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spirited AwayWhere stories live. Discover now