CHAPTER 05: Ravkà

16 6 11
                                    

Jairem

Ngayong araw ang camping namin. Nasa labas ako ngayon ng school dahil hinihintay ko si Dahlia na dumating. Dito rin kasi ang meeting place sa school namin. Kaming mga graduating student lang ang magka-camping kaya medyo konti lang kami. Dapat masaya ako dahil magka-camping kami. Pero dahil sa mga nangyari, hindi ako makapag-focus. Ayokong magkwento sa iba dahil baka isipin nilang baliw na ako.

Sino ba na naman kasing tao ang maniniwala sakin? Kung iisipin ko, wala dahil imposibleng mangyari iyon. Pero iyong nangyari sa store namin, iyong papel na pula at iyong panghuli, nang makausap ko si Aiden. Kung iisipin ko para bang may pinahihiwatig ang mga pangyayaring iyon.

"Tulala ka na naman Ryevost!" gulat sakin ni Adam. 

"Oh?" 

"Sino na naman ba iniisip mo? Si Dahlia? Ayieeee!" Pang-aasar niya.

"Manahimik ka nga diyan!"

"Bakit? Lagi ka kasing tulala hindi namin malaman kung ano nangyayari sayo." 

"Ah wala siguro pagod lang ako."

"Pagod daw! May naikwento kaya sakin si Dahlia tungkol sa librong pinakita mo sa kanya, pero wala naman daw nakasulat." 

"Totoo kasi ang sinasabi ko! Nakasulat pa nga doon iyong lugar kung saan tayo magka-camping ngayon."

"Fierda? Ngayon ko lang din mapupuntahan ang lugar na iyon. Hindi ko nga alam na totoo pala talaga iyon. Sa pagkakaalam ko, base na rin sa mga naririnig kong kwento. About sa lugar na iyon, it is a magical forest, doon daw nakatira iyong mga multo. HAHAHAHAHA."

"Magical forest? Multo?" 

"Oo sabi nila, madaming kwento tungkol sa lugar na iyon. Pero ang pinakanagustuhan ko iyong tungkol sa five spirits."

Bigla ako nagulat sa sinabi ni Adam. Narinig ko na naman iyong salitang five spirits na nabasa ko sa librong nakita ko sa store namin.

"Tama ba ang pagkakarinig ko tungkol sa five spitits?"  

"Yes, Hindi mo ba alam iyong kwentong iyon? Iyong totoo Ryevost? Dumaan ka ba sa pagkabata? HAHAHAHAHA."

"Hindi ko alam ang kwentong iyon. Nabasa ko lang iyon sa librong nakita ko sa store namin. Iyong nakwento sayo ni Dahlia."

"Ewan ko sayo Ryevost. Minsan iniisip ko talagang may sakit ka sa utak eh. Payo ko sayo tigilan mo na yang pag-aadik masama yan sa utak kaya kung anu-ano nakikita mo eh." Habang tumatawa.

Tuluyan na akong iniwan ni Adam dahil ayaw niya daw makipag-usap sa baliw. Wala parin kasi si Dahlia, na-traffic daw siya. Pumunta muna ako sa convenience store para bumili ng makakain. Habang naglalakad ako naalala ko ang napag-usapan namin ni Aiden.

"Matagal na kitang kilala dahil sikat ka sa school natin tsaka lagi pa kitang nakikita sa library." Si Aiden.

"Ah ganoon ba? Akala ko kasi matagal mo na akong kilala." 

"Nah." Habang nakangiti sakin. 

"Sige mauna na ako. Salamat ulit!"

Maglalakad na sana ako nang biglang nagsalita ulit si Aiden.

"Diba may camping kayo. Sa Fierda, tama ba ako?" 

"Oo, bakit mo pala natanong?" 

"Ah wala lang narinig ko lang kasi sa mga students, na sa Fierda kayo magka-camping."

Spirited AwayWhere stories live. Discover now