Nakakita kami ng work niya umpisa ng December. No'ng una, ayaw niya, dahil kumpara daw sa mga in-a-apply-an niyang office jobs, sobrang baba ng sahod. Assistant siya sa isang kaibigan kong pharmacist sa isang drug store, na siya namang tumulong sa 'min na mag-process ng papers niya. Siyempre, masaya ako kahit papaano na natulungan ko si Achilles. Medyo sa Makati nga lang din siya nagwo-work, kaya hindi kami nagkikita t'wing weekdays. Which is better, para maumpisahan niya ang mag-ipon. Napagdesisyunan namin na Linggo na lang kami magkita dahil iyon pareho ang free time namin. May pasok kasi siya t'wing Sabado. Six days a week, eight hours a day.
"Saan mo gusto, love, for Christmas?" tanong niya sa 'kin. Nang magkita kami sa unang sahod niya, just a few days before Christmas. Pumayag ako na ilibre niya ako sa Ramen Nagi dahil nagpumilit siya, para naman daw ma-i-celebrate namin ang munting "win" sa buhay niya.
"I'm going home sa twenty-fourth," sagot ko matapos kong sumubo. "Why?"
Sumimangot siya. "Hindi ba tayo lalabas para mag-celebrate ng Christmas?"
"Love, kung gagastusin at gagastusin mo lang 'yang sahod mo up to the last cent, how can we pay your mom?"
"Simula nang nalaman mo 'yon, ayaw mo nang lumabas. Wala na tayong out-of-town dates."
"Ackee, how can I even plan for one? I'm busy, and you have a debt—"
"Sige na." Tapos tumahimik siya at bumulong ng, "Minsan na nga lang, e."
Nagbuntonghininga ako. "Ano bang priority natin? Can we set our priorities first?"
"Isang beses sa isang taon lang ang Pasko."
"But there are other Christmases we can spend together once we're done paying your mom," sagot ko. "At kailangan maging stable ka muna."
"Puwede namang mag-umpisang mag-ipon sa January na."
"No, we have to start now—"
"Kaya nga gusto ko magtrabaho, e. Para makalabas-labas ulit tayo tulad ng dati."
"I thought it was because you didn't like your course. Speaking of that, kailan ka na ba babalik sa pag-aaral—"
"Ayaw ko na. Nawalan na ako ng gana kumain."
"Achilles naman!" sabi ko sa kanya. "But my priority is your debt to your mom. And then we'll save for school fees so you can go back to studying."
"Hindi mo ba ako maintindihan, Ivy? Ano naman kung mag-celebrate man lang tayo once a year? Ang dami-daming problema! Hindi ba puwedeng kahit once in a while, mag-chill lang? Gusto ko rin namang maging in control sa sinasahod ko."
Doon ako natahimik. Was I super controlling of his own money? Pera niya nga naman. Pero hindi ba, dapat na rin akong mag-interfere dahil nakikita ko na improperly managed ang pera niya?
"You have serious financial issues, love."
"E, bakit hindi mo pa ako hiwalayan?"
Natameme ako. Bakit ganito agad? Kamakailan lang 'yong huli naming away, away ulit? Hindi na nga ako nagbi-bring up ng tungkol do'n kahit mamamatay na ako sa pagkabahala gabi-gabi dahil gusto ko siyang isama sa future ko, tapos ito na naman?
Huminga ako nang malalim. Hindi ako nagsalita.
"I'm sorry," bigla niyang sinabi. Effective talaga kapag hindi sinasabayan ang galit ng galit. "Gusto ko lang umalis dito kahit ngayon lang. E di, ganito na lang. Gagawa ako ng isa pang account, tapos ita-transfer ko kaagad fifty percent ng sahod ko do'n."
BINABASA MO ANG
All That Poison
ChickLitWalang balak magpa-distract si Ivy, isang chemistry instructor sa isang kolehiyo at isang masters student, para mas mabilis niyang marating ang mga gusto niya sa buhay, maski kay Achilles, isa sa mga estudyante niyang sinasadya siyang akitin. Nang a...