Nalulungkot ako dahil, una sa lahat, wala si Achilles sa campus. Desidido na nga talaga siyang hindi mag-aral at maghanap muna ng trabaho hanggang sa makuha niya kung anong gusto niyang kurso. Ayoko siyang madaliin dahil nakikita ko kung gaano na siya nape-pressure . . . kahit natapos na ulit ang isang pang semestre.
Basta kapag pakiramdam ko nauubusan siya ng lakas, mamamasyal kami sa mall o kaya yayayain ko siya mag-beach—Batangas o Zambales, yung malalapit lang sa Metro Manila kahit papaano.
Isang araw pagkatapos namin umuwi galing sa beach, naabutan ko si Khalil at Mex na nag-uusap sa kuwarto. Nagulat nga ako dahil parang ngayon ko na lang ulit nakita si Khalil sa faculty room namin.
"O, pinaguusapan niyo?" nakangiti ko pang tanong.
Nakita ko silang nagtinginan. "Wow, himala, kinakausap mo na kami," sabi ni Mex.
"Hala siya, sinasabi mo diyan?" pabiro kong sagot.
"Simula nang naging kayo ni Achilles, lagi ka na lang wala. Yung totoo, kumusta masters mo?"
Nagbuntonghininga ako. "Alam mo naman sitwasyon, di ba?" sagot ko sa kanya. Medyo hindi ako kumportable na pinaguusapan namin ni Mex yung sitwasyon ni Achilles na may ibang nasa kuwarto.
"Hindi ka ba tumitingin sa email?" tanong ni Khalil.
Sa tanong niya, kinabahan ako. Napatingin ako sa email ko, at do'n ko nakitang may message pala si Dr. Mojica, yung adviser ko. Napamura na lang ako nang nakita kong may na-miss akong consultation.
"Nagsabi lang si Dr. Mojica sa 'kin," sabi ni Khalil.
"Sa'n ka ba nagpunta?" dugtong ni Mex.
"W-wala. Pupunta na lang ako kay ma'am. Magso-sorry na lang ako."
Lalabas na sana ako nang pinto nang nakaramdam ako ng tapik sa may balikat ko mula kay Khalil. "Ivy, let me know if you need help."
Ngumiti lang ako at tumango.
***
Natapos ang isang linggo, at ewan, parang palaki nang palaki yung eyebags ko dahil sa puyat at pagdodoble-kayod. Kailangan kasi. Kundi walang pambayad ng credit card at utility bills na biglang nagsitaasan. Kasalanan ko rin naman 'yon. Gastos kasi ako nang gastos.
Pumunta ako sa banko para mag-withdraw, pero sarado yung mga pinakamalapit. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa nakakita ako ng banko, at do'n ko nakasalubong si Khalil. Doon ko napagtanto na magwi-withdraw rin pala siya.
"Uy!" sabi ko sa kanya. "Ginagawa mo rito on a weekend?"
"Magwi-withdraw?"
"Ay, pilosopo talaga tayo?" joke ko. "I mean, dito sa area."
Natawa siya bago niya sinabing, "May imi-meet ako sa malapit. E biglang sabi two na lang daw ng hapon."
"Ah . . . I see." Tapos tumalikod na ako. Medyo awkward dahil yung huli naming pagkikita ay hindi masyadong okey.
"Ivy . . ." bigla niyang tawag sa 'kin. Lumingon naman ako. "I don't want to come off as an intruder but . . . here, water."
Nag-abot sa 'kin ng isang bote ng tubig si Khalil. Napangiti ako. "Halata bang dehydrated ako?" biro ko pa.
"Medyo," sagot niya. "Mukha kang hindi pa nagbe-breakfast, actually."
"How did you know?" joke ko pa ulit kahit totoo.
BINABASA MO ANG
All That Poison
ChickLitWalang balak magpa-distract si Ivy, isang chemistry instructor sa isang kolehiyo at isang masters student, para mas mabilis niyang marating ang mga gusto niya sa buhay, maski kay Achilles, isa sa mga estudyante niyang sinasadya siyang akitin. Nang a...