Chapter 11: Brodifacoum

1.8K 109 217
                                    

Pero mukhang hanggang do'n na lang ulit 'yon. Sana laging may okasyon, para laging masaya.

A week after that, sunod-sunod ang pagkawala na naman niya ng gana. Hindi ko sukat akalain na puwede pala 'yon. Parang no'ng birthday ko lang, paulit-ulit siyang nagso-sorry at paulit-ulit niya akong hinahalikan at parang perpekto na ulit ang buhay. Tapos ngayon, heto na naman.

Wala na naman kaming oras ni Achilles sa isa't isa.

Sinusubukan ko pa rin naman siyang intindihin. Minsan, dumadaan ang araw na wala siyang message, at sasabihin niya na napagod kasi siya sa trabaho kaya nakakatulog siya agad at hindi nakakapagpaload.

Gano'n na lang ba ako kadaling kalimutan? Na maski-good morning—kahit iyon na lang, kahit isang text lang—hindi niya maibigay? Demanding na ba ako kapag gano'n?

Hindi ko na alam kung ganito ba dapat ang pag-ibig.

Ito ang hirap sa mga abstract concepts, e. Napaka-subjective. Kaya wala akong mapagtanungan kung ano nga ba ang tamang pag-ibig, and I know I have to define it on my own. For some people, love is about accepting imperfections, about understanding, about forgiving over and over. At sa mga nagsasabing "you can only love others if you have loved yourself," napaisip ako kung paulit-ulit din ba nilang pinapatawad ang sarili nila, kung naiintindihan nila at natatanggap din ba nila ang bawat pagkakamali nila.

Para sa iba, love is pursuing infinite possibilities. Sa iba, love is knowing your limits. Para sa iba, love is staying for him. Sa iba, love is setting him free. Teka, sinong him ba ang tinutukoy ko rito?

Kaya hindi ako nag-humanities, e.

Kinuha ko na lang ang cell phone ko at inalis ang mga 'to sa isipan ko. Nakasandal ako sa office chair, nag-i-i-scroll lang sa Messenger at naglilinis ng inbox, nang bigla kong napindot ang "Ignore Messages" kaysa "Delete."

"H-hala!" sabi ko. "Saan napunta 'yon?"

"Alin?" tanong ni Mex na kararating lang.

"May napindot ako, 'ignore messages.' Mayro'n palang n'on? Saan mapupunta?"

"Ay, boomer ka, mumsh?" Natatawang sabi ni Mex habang papalapit sa 'kin. Tinuro niya sa 'kin kung paano pumunta sa filtered messages. Nagulat ako dahil mayro'n palang gano'n, at iba pa pala 'yon sa message requests.

"Ano ba 'tong Facebook. Kung ano-ano pinaglalalagay," komento ko.

"Pero helpful 'yan, mumsh," sagot niya habang pabalik sa table niya. "At least for me. Diyan ko nilalagay 'yong mga message ng mga students kong nagtatanong ng mga kakasabi ko lang sa class."

Natawa ako at bumalik sa paglilinis ng inbox. Ang natira na lang, 'yong group chat namin sa pamilya, kay Mex, at sa kanya. Napatingin ako sa mga chat namin ni Achilles. Ang sweet namin noon, anong nangyari? tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na ulit si Mex.

"Ano, 'musta pagda-drugs?" tanong niya sa 'kin habang sumisipsip ng lollipop. "Sarap? Kaadik ano? Pero inaatake na utak mo. Chem teacher ka, mumsh. Ba't di mo ma-apply in real life 'yang mga tinuturo mo?"

"Mex, 'wag ngayon. Puyat ako. Tinapos ko 'yong last content na pinapasulat ni Dr. Dimatera. Sa wakas, I'm done with it."

"E, kailan pa? Ano pa bang nagpapa-stay sa 'yo diyan? Sex?"

All That PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon