Akala ko, everything will go uphill after that. Sabi nga ni Mex, "I'll bloom if I drop that shit." But it got difficult . . . and difficult . . . and extremely difficult.
Sinusubukan kong magpaka-busy. Kuha ng raket dito at doon. Aral lang nang aral para sa masters, turo nang turo para walang maisip. Hindi na ako nag-apartment—dorm na lang para may kasama ako. Para hindi ako mag-isa.
Pero hindi nawawala ang araw na kinukuwestiyon ko kung ano bang nagawa kong mali. Siya lang naman ang minahal ko, lumalayo nga ako kay Khalil as much as possible, sumasama ako sa mga lakad niya, inintindi ko siya sa lahat ng oras kahit ang ibig sabihin n'on ay ang masaktan ako, binigay ko lahat ng makakaya ko para suportahan siya . . . kaya bakit?
Bakit may mga tulad niya?
Marami na akong nabasa at napanood. Tungkol sa mga "good girl" na nahuhulog para sa mga "bad guys"—'yong mga naghahari-harian, mga fuck boy, mga hyperobssessive. And it's always a happy ending when the "bad guy" realizes how important the "good girl" is. And everybody wants that, right? To see the "bad guy" change when he starts losing the girl or when he's faced with competition. And then poof—he's now kind and sweet and loving and he'll do anything to protect the girl at all costs. Voila, character development.
Pero siguro kaya nga "fiction." Baka dapat "fantasy." Because they happen rarely in real life. Nearly impossible. Once a person makes lying a habit and luck is on their side, it'll be too hard to unlearn it. It'll take too long to unlearn it.
And people should be warned.
O baka lang talaga sinira ni Achilles ang pagtingin ko sa mga tao.
And this is the long-term effect of his poison—living with a lot of doubt in my heart . . . even on people with good intentions.
But who am I to know which are good, right?
There. There's the doubt.
Nagkaro'n din ako ng kakaibang takot t'wing tumitingin sa salamin, kaya iniiwasan ko. Parang automatic, bigla ko siyang naaalala. Imbes na sarili ko ang nakikita ko sa salamin, si Achilles ang nakikita ko—lahat ng mga nangyari sa 'min . . . pati kagaguhan niya.
Hinding-hindi ko makakalimutan nang bigla na lang ako dinala sa ospital dahil nakita ako ng mga roommate ko na iyak nang iyak, hindi makahinga, parang naninigas. Nang tinanong ako ng doktor kung anong nangyari, ang nasabi ko lang, "Tumingin po ako sa salamin . . . at naiyak po ako."
Everything . . . was never the same. I had to go to therapy. I had to drink pills to stabilize myself. I had to stay away from social media. Hindi na rin ako makatulog nang maayos tulad dati. Paikot-ikot lang ako sa kama, at siguro limang oras na lang ang tulog ko kada araw. And of course, it took a toll on me. Naging suki ako ng infirmary dahil sa low-blood pressure ko.
Ang hirap . . . sobrang hirap.
Kahit lumipas ang mga araw na pinaliligiran naman ako ng mga taong nagmamahal sa 'kin . . . kahit lumipas ang isang taon na inulanan ako ng samot-saring mga award at pera . . .
Aanhin ko lahat ng 'yon kung ginagawa ko lang ang mga 'to para makalimot? Para hindi ko siya maisip?
Paulit-ulit kong sinasabi na dapat ko 'tong gawin dahil mahal ko ang sarili ko, dahil gusto kong bumangon . . . but it's easier to say it than do it. Ang hirap pala. Gusto kong makita niya na kaya ko muling mabuhay na wala siya. Gusto kong ipamukha sa kanya na kaya kong magmahal ulit.
BINABASA MO ANG
All That Poison
ChickLitWalang balak magpa-distract si Ivy, isang chemistry instructor sa isang kolehiyo at isang masters student, para mas mabilis niyang marating ang mga gusto niya sa buhay, maski kay Achilles, isa sa mga estudyante niyang sinasadya siyang akitin. Nang a...