Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising. Alam kong nasa bahay ako ni Mex—sila lang naman ng dalawa ng kapatid niya ang nakatira do'n—pero nakakahiya pa rin. Naramdaman ko ang alak sa sistema ko na gustong-gusto lumabas kaya pumunta ako sa banyo para magsuka.
Akala ko mamamatay na ako—parang gano'n na nga lang din ang gusto kong mangyari. Nanlamig ang pawis ko at do'n nawalan ulit ng malay.
Narinig kong nagsisisigaw si Mex nang nakita niya ako sa banyo, kalat-kalat ang suka at tubig sa paligid ko. Nang magising ako, naramdaman ko na naman ang pagsusuka.
Pinilit kong lumabas si Mex sa banyo para malinis ko ang sarili kong kalat.
Paglabas ko, nando'n si Khalil, natutulog sa sofa nila.
"Dito ko na pinatulog," sabi ni Mex. "Baka kung anong mangyari kung nag-drive pa siya at mukhang hinang-hina na rin kagabi."
"Thank you, Mex."
"Nakuwento niya. At . . . siguro naman wala na talaga kayo."
"Magpapa-party ka?"
"Alam mong gusto ko," pag-amin niya. "Pero gugustuhin ko ba talaga ngayon kung kailan para kang namatayan diyan?"
"I honestly thought . . . he could change."
"For a moment, I also did." Sabay kaming nagbuntonghininga. "So ibig sabihin, hindi rin ako immune sa mga tulad niya," dagdag ni Mex. "Because by the way you were acting last month, everything seemed okay."
"Wala namang immune, e," sagot ko. "We're smart people, Mex. At kahit sino naman, hindi prepared sa ganito. He was just . . . so good at lying."
"Sana mailagay niya 'yon sa resume niya. Hayop." Tapos nagbuntonghininga siya ulit. "He's a heavy load. Ikaka-bloom mo talaga after dropping that shit."
Sumandal ako sa balikat ni Mex habang umiinom ng tubig, hinihintay hanggang sa magising si Khalil. "May extra sim card ka pala diyan? Papalitan ko na number ko."
"Wala. Pero I suggest, tanggalin mo na para wala na siyang way para ma-contact ka."
True enough, nang tiningnan ko ang cell phone ko, may mga missed call mula sa iba't ibang number. Napairap na lang ako. Ano pa ba ang gusto niya?
"Ang kapal ng mukha. I'm sure, lahat ng number na 'yan, siya," komento ni Mex habang nakasara ang mga palad, gigil na gigil.
"Pero anong sense pa ba?"
"Siguro dahil maraming beses mo na siya napatawad. Baka akala niya, mapapatawad mo pa siya."
"I forgave him because I saw some light. I really do believe in change—iyon ang turo sa 'tin as teachers, right? Na lahat puwede magbago, na dapat tingnan lahat ng anggulo." May tumulo na namang luha. Ayaw ko nang umiyak, pero hindi talaga maiiwasan. "But I was so into this philosophy that I forgot . . . that there are people who are given the chance to change . . . but never wanted to change in the first place."
Niyakap ako ni Mex at hinimas-himas ang braso. Lalo lang tuloy ako napaiyak. "Tama 'yan, Ivy."
Tiningnan ko ulit ang cell phone ko at nag-clear ng calls. Nag-airplane mode muna ako at saka naki-connect sa Wi-Fi nina Mex. Do'n ko lang nakita na may message si Douglas at marami pa akong message requests na natanggap mula sa iba't ibang tao.
BINABASA MO ANG
All That Poison
ChickLitWalang balak magpa-distract si Ivy, isang chemistry instructor sa isang kolehiyo at isang masters student, para mas mabilis niyang marating ang mga gusto niya sa buhay, maski kay Achilles, isa sa mga estudyante niyang sinasadya siyang akitin. Nang a...