The hardest challenge is to be yourself in a world where everyone is trying to make you be someone else.
-E.E. Cummings
...
Prologue
"A-anakkkkk…" isang malakas na sigaw na mayroon kasamang pagkagulat at takot ang umalingaw-ngaw sa loob ng kwartong iyon. Napalitan ng hinagpis ang kanina lang na masayang tahanan.
…
"Girl, bago na naman ang cellphone mo?" tanong na may kasamang inggit na sabi ni Jai sa kaklase niyang si Cheska.
"Oo, inggit ka? E, Iphone 11 Pro-Max lang naman ito at hulaan mo kung magkano ito?" pagmamalaki pang sabi ni Cheska sabay tanong sa kaklase niyang si Jai kung magkano ang hula nito sa presyo ng bago niyang cellphone.
"50k?"
"Girl, yuck! Dinner lang namin iyon sa singapore. My gosh! Actually, mura lang ito, 95, 990 pesos lang naman." sagot niya rito saka muli siyang nagselfie gamit ang bago niyang phone.
"10 pesos nalang ninety six thousand na. Hindi ko talaga magets ang mga mayayaman, bakit hindi sila makuntento sa kung anong mayroon sila?" masamang titig pa ni Cory sa kaklase nilang si Cheska.
"Ano ka ba, huwag mo na nga lang silang pansinin. Baka mapag-initan pa nila tayo niyan, e." suway pa ni Daisy kay Cory at tinignan niya rin ang mga ito, pagkatapos inaayos nito ang kaniyang gamit at nakita niya ang kaniyang lumang cellphone na android type.
Nang napansin ni Jai na nakatingin si Daisy sa kanila ng minutong iyon at sinabi niya ito kay Cheska.
"Girl, ang sama ng tingin ng mga hampaslupa sa bago mong cellphone. Ingat ka baka madekwat iyan ng mga anak ng kriminal." giit pa ni Jai kay Cheska. Napatingin din ito sa dalawa at napansin nga niya na ang sama ng titig ni Cory sa kaniya. Bigla siyang ngumiti at lumapit rito, nagtaka naman si Jai kung bakit bigla siyang iniwan nito at tila para bang palapit ito doon sa dalawang kaklase nilang sina Cory at Daisy.
"Daisy, palapit na ang anak ni Sanatas." sabi pa ni Cory saka siya biglang tumayo at hinarap si Cheska.
"Anong kailangan mo?" maangas na tanong ni Cory kay Cheska habang nakataas ang kilay nito.
"Kailangan? Hmmm, wala. Baka kayo, may kailangan sa akin?" ngiting tanong ni Cheska sa dalawa. Kung tignan ng dalaga ang dalawa mula ulo hanggang talampakan nito ay sa loob-loob niya ay nandidiri siya.
"Kami? May kailangan sa iyo? Hoy! Hindi pa katapusan ng mundo para mangyari iyon at kahit magunaw pa ang mundo, hinding-hindi kami lalapit sa isang matapobreng katulad mo." galit na sabi ni Cory kay Cheska, tapos lumapit na rin si Jai kasi naramdaman nito na tila nagkakainitan na ang dalawa.
"Opps. Chill ka lang, chill nga lang ako oh. And besides, saan galing ang galit? Bakit parang may kasalanan ako sa inyo? May nagawa ba akong kasalanan, Daisy?" itinuon ni Cheska ang tingin nito kay Daisy pero humarang si Cory sa kaniya.
"Umalis ka nalang, Cheska. Wala kaming panahon sa katulad mo."
"Oh, really? I just want to inform you na itong tinatapakan mong lupa ay pagmamay-ari ko. Don't you remember who i am? Cheska Maxine Pascual Olivares? Nasa Olivares Academy ka Cory, and for all you know, sampid lang kayo sa paaralan ko. Kaya huwag kang umasta na parang mataas ka kaysa akin. Alamin mo ang lugar mo girl, hmmm. Jai, taga saan nga ulit sila?" taas kilay pang tanong niya sa kaklase niyang si Jai.
"Smokey Mountain!" mabilis na sagot ni Jai.
"Yeah right, doon sa bundok ng basura kayo nababagay. At isa pa, ano bang klaseng pabango iyan?" inamoy naman ni Cory ang kaniyang sarili at okay naman ang kaniyang amoy.
"Amoy mahirap!" dagdag pa nito saka siya tumalikod at tumawa ng malakas. Gugustuhin sanang sugurin ni Cory si Cheska pero pinigilan lang siya ni Daisy.
"Kumalma ka nga!" sabi pa ni Daisy sa kaniya habang hawak ng dalawang kamay niya ang braso ni Cory saka nagpumiglas ito ay huminga ng malalim at saka uminom ng tubig na inabot ni Daisy galing sa loob ng kaniyang bag.
"Paano ako kakalma, Daisy? Nakita mo naman kung paano nila tayo tratuhin. Paano nila tayo hamakin. Bakit, ginusto ba nating maging mahirap tayo? Hindi naman diba? Kung may choice lang ako, Daisy mas gugustuhin ko naman siguro ang marangyang buhay. Sino ba naman ang may normal na pag-iisip na gugustuhing manirahan sa bundok ng basura? Sige, iharap mo sasampalin ko."
Saka tinuro ni Daisy ang sarili niya. Doon nalang napangiti at kumalma si Cory saka niya ito pinaupo sa bench.
"Tama ka rin naman at may point din naman si Cheska. Sila nga naman talaga ang may-ari nito and the least na magagawa natin is pakisamahan sila."
"Bakit ba kasi tayo pinanganak na mahirap e." nasisipa pa sa hangin si Cory ng minutong iyon.
"Kaya nga tayo nandito, Cory para mabago natin ang mga buhay natin. Okay, mag-aaral tayo ng mabuti. Magtatapos, at kapag nakapagtapos tayo, makakahanap na tayo ng maganda at maayos na trabaho. Kaunting ipon, makakaalis na rin tayo sa bundok ng mga basura." positibong sabi pa ni Daisy ng minutong iyon.
"Hehe, goodluck nalang sa iyo. Sa tingin ko, hindi ako tatagal sa paaralang ito. Sa sama ng mga ugali ng mga putang-inang mga mayayaman na iyan. Nakakagigil sila." inis na inis na sabi ni Cory.
"Bibig mo, Cory. May makarinig sa iyo."
"Bakit hindi ka nalang maging thankful na sa dami rami ng pu-pwedeng makapag-aral dito ay dalawa tayong napili."
"Oo, na. Alam mo, iyang sobrang kabaitan mo ang magpapahamak sa iyo. Lumaban ka naman, Daisy." giit pa ni Cory sa kaniya.
"Lumalaban naman ako, Cory. Pero, hindi nga lang dahas ang gamit ko, kundi utak." ngiting sagot nito sa kaibigan. Saka na sila nagtawanang dalawa habang pinagsasaluhan ang banana cue na dala ni Cory na siyang pinaghatian nila bilang lunch nila.
BINABASA MO ANG
The Viral Girl (Completed)
FanfictionThe Story is inspired by the Film John Denver Trending. All Rights Reserved 2020