The Viral Girl 4
Habang naglalakad ang dalawa sa hallway ay hindi parin maalis-alis ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa lalo na kay Daisy.
May isang estudyante na Grade 9 ang lumapit kay Daisy at nagulat ito ng bigla siyang niyakap nito tapos umalis bigla, nagtataka naman silang dalawa na pagkatapos gawin iyon ng schoolmate ay nagtawanan ang mga estudyante sa paligid nila. Anong nakakatawa? Tanong sa sarili ni Daisy hanggang sa makita ni Cory na may nakadikit pala sa likuran nito na papel na may nakasulat na MAGNANAKAW AKO! Kinuha ni Cory ito at pinunit sa harapan ng mga estudyanteng nagtatawanan sa kanila.
"Natutuwa kayo na may ibang taong nasasaktan? Ah? Anong klaseng mga tao kayo!" nanggagalaiting sabi ni Cory sa mga ito. Saglit lang silang natahimik at maya-maya biglang may sumagot at lumapit sa gitna.
"Anong tingin mo sa sarili mo? Makapagsalita ka akala mo rin kung sino ka. Nakalimutan mo na bang binugbog niyo si Cheska." susugurin sana ito ni Cory pero pinigilan siya ni Daisy.
"Alam ko na, mas paniniwalaan niyo ang nakikita ng mga mata niyo," kalmadong sabi ni Daisy rito.
"Siyempre, hindi naman siguro kami tanga para paniwalaan iyong bagay na hindi nakikita ng aming mga mata. Tanga ka ba?" sagot nito sa kaniya.
Muling huminga ng malalim si Daisy at saka niya muli itong sinagot.
"Inuulit ko at uulit-ulitin ko. Wala akong kinalaman sa pagkawala ng Cellphone ni Cheska. Kung ayaw niyong maniwala, problema niyo na iyon." matapang na sagot ni Daisy sa mga ito at sabay hila sa kaniyang kaibigan at saka na sila pumasok sa loob ng classroom.
Maging sa loob ng classroom nila ay hindi parin natatapos ang tsimisan tungkol kay Daisy at sa Viral Video niya.
Hanggang sa pumasok na si Jai ng minutong iyon.
"Oh, at talagang may lakas pa kayo ng loob na pumasok?" parinig pa nito sa dalawa. Tatayo na sana si Cory pero muli siyang pinigilan ni Daisy at siya ang humarap dito.
"Pumasok kami dahil alam namin sa sarili namin na wala kaming kasalanan." sagot niya kay Jai na natawa lang habang nakataas ang kilay habang tinititigan siya ng masama.
"Talaga? Napanood niyo na naman siguro ang Viral Video? At base sa mga sagot at kumento nila, parang hindi naman sila naniniwala na wala kang kasalanan." ngiting sagot pa niya rito.
"Wala akong pakialam sa mga kumento nila. Karapatan nila iyon, may free will tayo na sabihin ang gusto nating sabihin pero ang gusto ko lang ipunto, wala akong kinalaman. Wala akong kasalanan. Mahirap bang intindihin iyon, Jai?" harap-harapan pa niyang sinagot ito at nanlaki ang mata ni Jai nang sindakin siya nito. Sasagot pa sana siya nang marinig nila ang boses ng kanilang Guro. Nagsiayusan sila ng kanilang pwesto.
...
Hanggang lunch break ay ramdam parin ng dalawa ang mga maiinit na mga mata ng mga tao sa loob ng paaralan. Para bang Siguradong-sigurado na sila na si Daisy talaga ang may kasalanan sa lahat.
Ayaw na sanang lumabas ni Daisy kasi iniisip niya na baka batuhin na naman sila ng mga estudyante ng kung ano-ano, pero pinilit siya ni Cory. Sinabi nito na baka kung ano na naman ang mawala kapag naiwan sila dito. Kaya doon nalang sila sa may park kumain dalawa. Mainit man ang panahon, pinagtyagaan nalang ng dalawa makaiwas lang sa mga masasamang tingin ng tao sa kanila.
"Uy, good job ka kanina ah?" ngiting sabi pa ni Cory kay Daisy habang kumakain sila ng kanilang tanghalian. Nagdala pala si Cory ng dinuguan na handa ng kaniyang Ina dinamihan nalang niya para pagsaluhan nilang magkaibigan.
"Kahit din naman ako, nagulat sa sarili ko. Tama ka, kapag pilit akong mananahimik, walang mangyayari. Paulit-ulit lang ang mangyayari."
"Tama! Hindi ka matitiklop sa mga salita nila, besides sa lahat ng tao dito ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo. Alam mo ang tama, at ipaglaban mo ang tama." giit pa ni Cory.
"Salamat ah, at hindi mo ako iniwan." malungkot na sabi ni Daisy kay Cory.
"Huwag kang iiyak! Huwag mong ipakita na naaapektuhan ka o napaghihinaan ka ng loob dahil mas lalo ka nilang titirahin. Mas may chance sila na pabagsakin ka, okay?" muli naman nang sumigla ang pakiramdam ni Daisy sa narinig sa kaibigan.
"Alam mo, bagay sa iyo maging abodago." biglang sabi ni Daisy kay Cory pero hindi na siya sumagot pa, pero hindi alam nito na iyon ang pangarap niyang propesyun kapag nakatapak na siya ng kolehiyo.
"Kumain ka na, ang dami mong alam!"
BINABASA MO ANG
The Viral Girl (Completed)
FanficThe Story is inspired by the Film John Denver Trending. All Rights Reserved 2020