The Viral Girl 2
6:30pm inapload ni Jai ang video ni Daisy sa Facebook na sinipa ng malakas si Cheska habang pinagbabantaan ito. Na mayroong caption, "Pasikatin natin itong gagang ito."
"Binugbog ni Daisy at ng kaibigan niyang si Cory si Cheska. Pinagtulungan ng dalawa ang walang kalaban-laban na si Cheska at ninakawan pa ito ng bagong cellphone niya na iphone 11 Pro-max."
#Mgamagnanakaw
#katarunganparakayCheska
#ibalikangIphone11
tinagged pa niya si Tulfo. Jessica Soho. Bantay Bata. At maging si President Duterte.
"Ewan ko lang kung saan aabot ang yabang niyo." ngising sabi pa ni Jai bago niya pindutin ang salitang upload.
Maya-maya ang isang likes ay naging 100 na, tapos naging 1000 hanggang umabot na ang views nito sa one million at almost 500 thousand shares. Mabilis na nagviral ang video ni Daisy.
…
Dahil sa nasira at hindi na maibebenta ni Daisy ang mga pugo na dapat ibebenta niya ngayong gabi, naghanap ng paraa ang dalaga para makakuha ng pera. Kailangan na kailangan niya ng pera para sa panggamot ng Tatay niya. Kaya naisip niya na ibenta nalang muna ang cellphone nito sa kakilala ng kaniyang Kuya Aries.
Pumasok si Daisy sa makipot na daan hindi kalayuan sa may palengke at nagtanong sa isang ale na naglalaba sa gilid ng kanal kung nakita ba nito si Jasper. Si Jasper na isang snatcher at siyang bagsakan ng mga gamit na inisnatch ng mga kakilala niya na siya namang naghahanap ng mabebentahan.
"Ayun oh!" turo pa noong ale na naglalaba kay Jasper na bumibili ng Yosi sa harap ng bahay nito.
Nilapitan ni Daisy si Jasper at tinitigan ito ng maigi.
"Hindi ba kapatid ka ni Aries?"
"Opo."
"Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na snatcher ka na rin?" humithit pa ito ng isa at saka siya bumuga sa gilid niya bago niya muling kinausap si Daisy.
"H-Hindi."
"Oh, ano ngang kailangan mo?"
Saka inilabas ni Daisy ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang bag saka niya ito inabot kay Jasper.
"Magpapaload ka?" hindi nakasagot si Daisy.
"Talagang dumayo ka pa dito para lang magpaload o baka naman…" sabi nito sabay tingin ng malagkit sa katawan higit sa lahat sa malusog na dibdib nito.
Kaagad namang tinakpak ni Daisy ang kaniyang katawan ng kaniyang bag at sinabi na nito ang kaniyang nais.
"Ibinibenta ko itong cellphone ko, kailangan ko lang kasi ng pera pangbili ng gamot ni Tatay."
"May sex video ka ba dito?" ngiting sabi ni Jasper pero yumuko lang si Daisy at umiwas na magtama ang mga mata ng dalawa.
"Uy, biro lang. Napakaseryoso mo naman. Sige, bibilhin ko ito, 300."
"Ah?" nanlaki ang mga mata ni Daisy. 300 lang ang offer niya sa cellphone niya? Masyado namang mababa.
"Ang sabi ko, 300."
"Masyado naman pong…"
"Okay, last price 500. Take it or leave it?" hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon sa lalaking kausap niya.
…
"Ate, ang dami naman po nating pagkain." excited na sabi ni Maria ang bunsong kapatid ni Daisy. Pagkatapos niya kasing tanggapin ang limang daan piso kay Jasper ay kaagad itong bumili ng gamot para sa kaniyang Ama na mayroong Highblood. At syempre, bumili na rin siya ng kanilang makakain. Maya-maya ay bigla nang dumating si Aries at mula sa kanilang kusina ay hinila niya sa labas si Daisy.
"Kuya, ano ba?" doon palang siya binitawan ng nakakatandang kapatid niya.
"Ano itong nabalitaan ko na nakita ka raw na kausap si Jasper?" galit na tanong ni Aries sa kaniya.
Napakagat labi si Daisy ng minutong iyon. Alam niyang malilintikan siya sa Kuya Aries niya kapag nalaman nito pero wala na siyang magagawa dahil nahuli na siya nito.
"Ano?"
"Sorry po."
"Tang-ina naman, Daisy. Sinabihan na kita na lumayo ka sa mga taong iyon. Hindi mo kilala ang mga gagong iyon." inis pang sabi ni Aries sa kaniya. Hanggang sa lumabas na ang kanilang Ama at nakita na nagtatalo silang dalawa sa labas.
"Ano ba iyan, nag-aaway na naman ba kayong dalwa?"
Kaagad namang pinunasan ni Daisy ang luha sa mukha niya at pumasok na ito sa loob. Habang napailing nalang si Aries sa inis nito bago siya muling pumasok sa loob ng kanilang tahanan.
…
11:25pm hindi makatulog si Daisy. Sobrang mainit ang simoy ng hangin ng gabing iyon at nangangalay na ang kamay niya kakapaypay nito sa bunso nilang kapatid na mahimbing ng natutulog ng minutong iyon.
Nang makarinig siya ng malakas na katok sa pintuan ng kanilang bahay.
"Aries, tignan mo nga kung sino iyon." utos pa ng kanilang Tatay sa nakakatandang anak nito pero tulog na tulog na si Aries ng oras na iyon kaya si Daisy nalang ang pumunta roon at siyang nagbukas ng pintuan. Pagbukas niya ang umiiyak na si Cory ang bumungad sa kaniya.
Kaagad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Cory habang umiiyak ito. Hindi man maintindihan ni Daisy kung bakit sumugod bigla dito si Cory ng ganoong oras at umiiyak pa ay sinarado niya ang pintuan ng kanilang bahay at umupo sila sa silya sa labas ng kanilang bahay.
"Anong problem?" nag-aalalang tanong ni Daisy sa kaniyang kaibigan.
"H-hindi mo alam?" patuloy parin sa pagtulo ang luha ni Cory ng minutong iyon at naguguluhan parin si Daisy.
"Magtatanong ba ako kung alam ko na."
"Kanina pa kita sinusubukang tawagan pero out of reach ka." muling naalala ni Daisy ang kaniyang cellphone na na kayJasper at marahil nasa kamay na ng ibang tao ngayon.
"Lowbatt, nakalimutan kong icharge." pagsisinungaling pa ni Daisy sa kaniyang kaibigan.
Saka inilabas ni Cory ang kaniyang cellphone at ipinakita kay Daisy ang isang bagong Viral Video na walang ibang bida kundi siya.

BINABASA MO ANG
The Viral Girl (Completed)
FanfictieThe Story is inspired by the Film John Denver Trending. All Rights Reserved 2020