The Viral Girl 6
Lumapit at humingi na nang tulong ang Ama ni Daisy sa kanilang kapitang hinggil sa kinasasangkutan nitong issue. Maging si Kapitan Yugo ay naniniwala na walang kasalanan si Daisy. Bukod sa kilala niya ang batang ito na masipag, matalino at higit sa lahat ay mapagmahal sa pamilya, alam niyang hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakahiya ng kaniyang pamilya.
"Lalapit tayo sa Pao o Public Attorney's Office, doon libre lang ang lahat. Wala kang babayaran at talagang tutulungan ka pa nila. Iaakyat ko rin ang issue na ito sa ating butihing mayor para matulungan ka." pero ang hindi alam nila ay kumilos na ang kabilang partido at nauna na itong lumapit sa kanilang Mayor na kung saan kaibigan pa mismo ng Ina ni Cheska.
Kaya nang pumunta sila doon at kinausap ang Mayor ay hindi sila nito hinarap. Sinabi na nagkaroon raw ng biglaang meeting ito ngunit nagbigay ulit ng isa pang email si Kapitan ng isang meeting pero loaded raw ang buong buwan niya ng meeting.
Dismayadong bumalik sina Kapitan at ang pamilya ni Daisy.
"Mukhang pati si Mayor nahuthutan na ng mga mayayaman na iyon, ah?" biglang sabi ni Cory.
"Hija, huwag kaaagad manghusga ng tao. Hindi pa natin alam ang tunay na dahilan, okay? At isa pa, malay mo naman totoo na busy talaga ang Mayor natin." giit pa ni Kapitan.
"Talaga po ba? E, huli ko po siyang nakita two years ago! Noong election pa. Since then, ni anino niya hindi ko na po nakita sa lugar natin." inis na sabi ni Cory, pinakalma na naman siya ni Daisy.
Nasa isang Milktea shop sina Cory at Daisy. Sa tuwing nakakaramdam kasi ng inis si Cory, alam nito na Milktea at Burger lang ang nagpapasaya rito kaya pumunta sila doon. Nilibre nito si Cory dahil alam niya ang sakripissyo nito at nagpapasalamat siya sa tulong at suportang ibinibigay nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya sa laban niyang ito.
Habang nag-aantay ng kanilang inorder na burger at milktea ay 'di napigilang maglabas ng sama ng loob si Cory sa kaibigan hinggil sa kanilang lakad kanina.
"Ang galing no? Siguro kung may pera lang din tayo, kayang-kaya na natin silang tapatan. Kaya na rin nating baliktarin ang tama. Ibang klase talaga ang nagagawa ng pera. Nababago nito ang disposisyon, pananaw at pagkatao ng isang tao." ibig nitong sabihin ang pagkampi ni Mayor Arnold Feliciano sa mga Olivarez.
Napagalaman kasi nito na dati palang magkaibigan ang kanilang butihing Mayor at ang may bahay at Ina ni Cheska.
"Pabayaan mo na sila, karma na ang sisingil sa kanila, Cory." sabi pa ni Daisy.
"Karma? Ewan ko lang ah. Kung naniniwala sila doon. Ang hindi ko lang magets e, bakit itong si Jai ay pilit na dinidiin ka sa kasalanang hindi mo naman ginawa at nakita naman nila na walang laman ang bag mo hindi ba? Nagtataka na talaga ako sa babaeng iyon e. Hindi kaya… " pinigilan siya ni Daisy kasi napansin niya na iyong dalawa sa tabi nila na nag-aantay rin ng order nila ay tila para bang kanina pa nakatingin sa kanila at kinukuhaan na ata sila ng Video.
Napansin din ito ni Cory kaya kinompronta niya ang mga ito, hindi na napigilan ni Daisy si Cory ng magwala ito ng minutong iyon.
"Anong ginagawa mo?" sabay tulak niya sa isang babaeng kumukuha ng video sa kanilang dalawa. Hindi nakasagot ang babae at tila nakaagad nito ang dila nito ng minutong iyon.
"Kukuhaan ko kami ng video, tapos iaupload mo? Para ano, sumikat ka? Para ano? Dumami ang followers mo at dumami ang views mo? Tapos. Tapos ano?!" hindi na niya napigilang sigawan ang babae.
"Cory, tama na!" sabi pa ni Daisy.
"Sarili niyo lang ang iniisip niyo. Hindi niyo alam na sa bawat views at share niyo at comment sa lecheng videos na iyon, may isang buhay ang masisira. Isang pamilya ang hinihusgahan. Isang babae ang nasasaktan." giit pa ni Cory, na hindi na napigilan ang sarili at naluha na siya ng minutong iyon. Dali-dali nang umalis ang dalawa at hindi na nila kinuha ang order nila sa tindahan na iyon. Lumapit naman kaagad si Daisy at niyakap ng mahigpit ang kaibigan.
"Okay na. Huwag ka nang umiyak." sabi pa nito sa kaibigan na humahagulgol parin ng minutong iyon.
Habang tumatambay sa isang nakaparadang jeep hindi kalayuan sa may iskinita at hinihigop ang milktea at burgers na inorder nila ay napaisip si Daisy at sinabi nito kay Cory na…
"Cory, paano kung…" hindi na naituloy ni Daisy ang gusto sanang sabihin nito kasi nagets na kaagad ni Cory ang nais nitong ipabatid.
"Daisy, seryoso ka? Akala ko ba naman." dismayadong tanong nito sa kaibigan.
"Nakakapagod na kasi." malungkot na sagot nito rito.
"Nagsisimula palang tayo, Daisy."
"Oo, pero ikaw na mismo ang nagsabi na ang may mga pera kayang baliktarin ang tama."
"Oo, nasabi ko iyon pero kapag hindi natin sinubukang lumaban mawawalan din ng kwenta ang ipinaglalaban natin. Daisy, hindi na ito basta laban mo lang, laban na rin ito ng lahat ng mga tao sa buong mundo na inaalipusta ng mga mayayaman. Laban na rin ito mg hindi lang babae o lalaki na inaapi, okay? Kaya please, huwag kang mapaghinaan ng loob, nandito lang ako at hinding-hindi kita iiwan sa laban mong ito."
BINABASA MO ANG
The Viral Girl (Completed)
FanficThe Story is inspired by the Film John Denver Trending. All Rights Reserved 2020