The Viral Girl 5

200 13 2
                                    

The Viral Girl 5

Hindi pa man nakakarating si Daisy sa kanilang tahanan ay nakita na ito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Aries. Nabalitaan na rin kasi nito na nagba-viral na ngayon ang video ng kaniyang kapatid sa internet. Nanlaki ang mga mata nito ng biglang lumapit ito sa kaniya at dali-dali siyang hinila papunta sa dumpsite. 

"Kuya, ano ba?" nagpumiglas si Daisy at hinawakan nito ang kaniyang braso medyo namula ito sa higpit at hila ng kaniyang nakakatandang kapatid. 

"Daisy, anong nangyari?" nanggagalaiting tanong ni Aries sa kaniya. Hindi kaagad nakakibo si Daisy, nang minutong iyon, hinala niya na alam na nito ang nangyari sa kaniya at doon sa Viral na video. 

"Huwag kang maniwala sa video na iyon. Wala akong ginagawang masama." giit pa nito. 

"Alam ko. Kilala kita, hindi mo ako katulad. Pero, hindi ganoon mag-isip ang ibang tao. Hinuhusgahan ka nila." nagsisipa pa sa hangin si Aries at galit na galit na ito na para bang gusto na nitong manakit. Hinawakan ni Daisy sa braso ang kapatid at medyo kumalma ito. 

"Kuya please, huwag gagawa ng bagay na makakadagdag pa sa issue, okay? Kaya ko ang sarili ko. As long as wala silang ginagawang masama sa akin, kaya ko ang sarili ko and besides, wala naman talaga akong kasalanan. Wala akong aaminin. Alam ng Diyos ang katotohanan, Kuya."

"Puta! Daisy, tulog ang Diyos! Kung totoo mang may Diyos, ayun ang mga taong may pera. Iyong mga taong maimpluwensiya. Iyong mga taong kayang baliktarin ang katotohanan."

"Kuya, manalig ka. Please, para sa akin." saka niyakap ng mahigpit ni Aries ang kapatid. 

Pag-uwi nila ng bahay ay doon na inamin ni Daisy sa kaniyang Ama ang nangyayari sa kaniya ngayon. 

"Oh, bakit tahimik kayong dalawa." nagkatinginan sina Aries at Daisy. Sinabi kasi ni Daisy na siya nalang ang magpapaliwanag sa kanilang Ama dahil maiintindihan siya nito, pero nais din sana ni Aries na siya ang magsabi. 

Hanggang sa… 

"Uy, Ate! Nasa TV ka oh!" turo pa ng nakakabatang kapatid nilang si Maria habang kumakain ng minutong iyon. Napalingon at pinalaksan naman ng kanilang Ama kay Aries ang volume ng kanilang lumang TV. At muntikan nang atakihin sa puso ang kanilang Ama sa narinig at nakita nito sa balita. 

"Sorry, Pa." lumuhod pa si Daisy habang humihingi ng tawad sa kaniyang Ama. 

"Totoo ba ang nasa balita, Anak?" 

"Hindi po! Hindi po totoo iyon. Wala po akong ninakaw." 

"Pero, nanakit ka ng kaklase mo. Kitang-kita sa video, anak." naluluha na ang Ama nila ng minutong iyon. 

"Pa, maniwala ka po. Wala po akong kasalanan." 

"Tumayo ka." saka pinunasan nito ang umiiyak na mata ng anak. Habang nakamasid lang at tila naluluha na rin si Aries ng minutong iyon ganoon din si Maria na hindi naiintindihan ang mga nangyayari. 

"Naniniwala ako. Naniniwala ako, anak." mahigpit na yakap ang nagbigay ng pag-asa kay Daisy upang ipagpatuloy ang laban. 

Hindi isang maling akusasyon o Viral Video ang sisira sa kaniyang pangarap. Lalong-lalo na, na hindi isang Cellphone lang ang wawasak sa kaniyang pamilya. 

… 

Kinabukasan 

Kasama si Tatay Jose, ang Ama ni Daisy at ang Ina naman ni Cory na si Sylvia pumunta sila sa eskwelahan upang alamin ang tunay na nangyari. Nagpunta rin si Mrs. Olivarez at ang pulis ganoon din ng kaniyang Abogado at si Jai kasama ang Ina nito sa harap ng kanilang Principal. 

"Nandito na pala ang pamilya basura," rinig pang sabi ng Ina ni Jai habang nakita na papasok sina Daisy at Cory kasama ang mga magulang nito. Nakipagtitigan naman ng masama si Cory kay Jai habang tinaasan lang siya ng kilay nito. 

"Please, take your seat." sabi pa ni Mrs. Delos Reyes sa kanilang mga bisita. 

"Hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa. We will file charges sa ginawa ni Daisy Pasmando at Cory Dela Cruz agaisnt my client Cheska Olivarez of Serious Physical Injury, Theft and Oral Defamation." sabi ng Abogado nila Mrs. Olivarez nang biglang sumagot si Cory. 

"Wait lang po, Attorney! Oral Defamation? Seryoso po kayo? Hindi ba kami nga dapat ang magkaso sa kanila ng ganyan…" sabay tingin nito kay Jai na siyang nagpost ng Video. 

"... Kasi kami itong naagrabyado. Kalat na kalat na sa buong mundo ang video ng kaibigan ko At isa pa po, according to Article 359 of the Revised Penal Code, Slander or oral defamation is defined as speaking of base or defamatory words with an intention to prejudice another person in his or her reputation. Slander by deed on the other hand, is an act committed which tends to discredit or dishonor another individual." Nanlaki ang mga mata ng attorney sa kaniyang narinig mula sa dalaga. 

"Saan banda kami nanira sa kaniya o sa kanila? At isa pa po, alam ko pong matagal kayong nag-aral at nakapasa ng board pero sana, sana sa tama kayo kumampi, Attorney." napalunok ng laway ang attorney sa sinabi ng dalaga sa kaniya saka hinawakan ni Daisy ang kamay ng kaibigan na nanlalamig ng minutong iyon. 

"Okay, kaya nga tayo nandito para maayos ang problema, okay?" sabi ni Mrs. Delos Reyes. 

"Maayos lang po ito kung buburahin ni Jai ang Video." sabi ni Daisy. 

"Oh, really? Akala ko pa naman napakatalino mo na, nakalimutan mo bang marami nang nagreupload ng video and besides, matatapos lang itong issue na ito once na ibinalik niyo na ang cellphone ni Cheska!" 

Susugurin na sana si Cory si Jai kaso pinigilan siya ni Daisy. 

"Cory, kumalma ka!" sabi pa ni Daisy rito. 

"Ano bang hindi niyo naiintindihan sa mga sinasabi namin ah? Wala akong ninakaw! Oo, mahirap lang kami. Oo, sa bundok kami ng basura nakatira. Isang kahig isang tuka lang kami, pero it does not mean na kaya na naming gumawa ng masama. Hindi lahat ng mahirap, masasama." paliwanag ni Daisy sa lahat. 

"Talaga? Sino maniniwala sa iyo?" pagtataray pa ni Jai sa kaniya habang tinaasan siya ng kilay. 

"Enough! Magkita-kita nalang po tayo sa korte, since ayaw niyong makipagcooperate ng maayos." sabi ni Mrs. Olivarez saka ito biglang tumayo nang muling magsalita si Daisy. 

"Ang cooperation ba na gusto niyong marinig ay ang pag-amin ko sa pagnakaw ko sa cellphone ng anak niyo?" saka humarap si Mrs. Olivarez sa kaniya. 

"Pwes! Hindi mangyayari iyon, dahil sinisigurado ko na lalabas ang katotohanan at ang katotohanan ay wala akong kasalanan." 

The Viral Girl (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon