Laley POV
Parehas kaming walang imik habang kumakain hanggang sa matapos. Hindi ko alam ung pakiramdam ko ngayon. Nasaktan ko ang kaibigan ko. Sorry Skyreen. Pero ano pa bang magagawa ko? Wala na. Dahil si Papa ang nagdesisyon ng lahat ng ito. Kahit ako hindi ko tanggap na malalayo na naman ako sa kaibigan ko. Ako lang kasi ang anak nila Mama at Papa kaya bilang isang anak lang, parang tinuring ko ng bilang kapatid si skyreen.
Nung sinabi ko agad kay skyreen para bang nababasa ko ung mga mata nya. Na ang sabi ay bakit? Bakit Laley?
Ng matapos na kami kumain nagpaalam na si Skyreen umuwi para makapagpahinga. Maya maya ay tinawagan ko sya para tatanongin kung nakauwi naba pero nabigo ako. Hindi sya sumasagot. Nakadalawang tawag na ako pero wala. Walang sumasagot. Tinext ko na lamang sya para kahit papaano na recieve nya yung text ko at makuha ang number ko. Nakuha ko ung number ni Skyreen sa classmates nya na naging cm din namin nung kami ay nasa high school pa.
To: My Bestfriend Skyreen
Hello Sky! Naka-uwi kana ba? Keep safe. Laley to. *・゜゚(^O^)From: Skyreen
Hello Laley! Oo nakauwi na ako. Thank you.Ayown! Kahit papaano naka uwi na sya ng ligtas. Hindi ko sya sinamahan kasi ayaw nya. Kaya naman nya daw mag-isa. Kaya wala nakong nagawa.
To: My Bestfriend Skyreen
Sky! Don't forget the party later huh?From: Skyreen
Okay.Whaa! Okay lang sasabihin nya? Wala ng iba? Tsk. Sa bagay baka hindi pa sya naka move sa mga sinabi ko kanina.
Badtrip. ↼_↼Teka! Yung camera di ko pa pala naibibigay! Grrr!
Binili ko ung Camera sa America para talaga kay Skyreen. Kasi mahilig sya magpicture ng LANGIT! Oo. Ng LANGIT. Maya't maya kuha, sige. Kaya halos ung gallery nya, puno ng kuha ng LANGIT. Kaya naisip ko na bigyan ko sya neto.Skyreen POV
Nakakatamad pumunta ng Party. Tsk. Haist bakit pa kasi aalis pa sila? Tsk. Bahala na.
Nagbihis na agad ako at bumili ng regalo kila tito at tita tsaka pumunta na kila Laley. Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil sa mga sinabi nya kanina sa akin. Pagpasok ko ay agad na naman akong sinalubong ni tita lanie at pinaupo muna sa sala para makapag-ready. Maya maya ay binati ko ka agad sila ng kanilang anibersaryo at ibinigay kona yung regalo ko.
Simple lang naman ang kanilang handaan. At iilan lang kami ang imbitado. Nagvibrate yung cellphone at nakita kong may text.
From: My bestfriend Laley
Sky! Punta ka sa kwarto ko may ipapakita ako.Agad naman akong nag excuse kay tita at umakyat agad ako sa kwarto ni Laley.
Pagka-akyat ako nasalubong ko muna si tito at binati ko naman ito. Tsaka binigay ko ibinigay ang aking regalo. Nagtext ako kay Laley na andito na ako kaya ayun binuksan nya na ang pinto.'Come in sky. Sabi nya at pumasok na ako.
Binigyan nya ako ng favorite Camera ko na galing pa daw sa AMERICA. Whaaa! Ang ganda huhu!
'Actually bago pa yan Sky. Dapat ibibigay ko yan sayo kanina kaso nakalimutan ko hehe. Sabi nya sabay kamot sa ulo.
Halah! Thank you! Sabay yakap sa kanya. Thank you Laley thank you talaga. Sabi ko habang masayang masaya.
'welcome skyreen, pansin ko kasi mahilig ka talaga magpicture ng langit e, kaya balak kitang bigyan ng camera. Sabi nya HUHU.
Thank u talaga Laley! Sabi ko. Tsaka sabay na kami bumaba. At habang naghahanda na para kumain, sabi ko sa kanila waittt! HHAHAHA i'll take a picture! So ayun. Naghihintay sila sa akin HAHAHA diko napansin na ang dami kona palang kuha HAHAHA!
Maya maya ay nakita ko ung langit, mukhang magdidilim na, teka pipicturan ko nga. 1,2,3! FLASH! isa pa nga 1,2,3 FLASH! Ayun! Ang ganda! Hihhihi!
Tapos bumalik na ako sa loob para kumain. Hanggang sa mabusog ako.
To be continued.
![](https://img.wattpad.com/cover/221597036-288-k661933.jpg)
YOU ARE READING
The Sky Makes Me Smile (PUBLISHED)
Short StoryThis story are Author's opinion. Just try read this.