Skyreen POV
Bukas na ang araw ng pag-alis ni Laley. Hindi ko mapigilan ang malungkot. Kahit papaano ay nakapag-enjoy kami kasama sila Tito Larry at Tita Lanie. Pumunta kami sa mga RESTAURANTS na sikat at pumunta din kami sa mga iba't ibang lugar. Nang makarating na kami sa bahay nila ay nagpasalamat kami ni Laley kay tito at tita kasi pumayag sila na makapag-bonding kami at kasama pa sila. Pinatuloy muna ako nila tito at tita sa bahay nila para makapagpahinga pero tumanggi na 'ko. Sinabi kona na salamat nalang po sa inyo kasi pumayag po kayo. Nagpaalam na ako sa kanila para umuwi. Nang makarating na 'ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng alaga kong aso. Agad na hinanap ng mga mata ko sila mama at papa para sabihing naka-uwi na 'ko. Hindi sila sumama sa amin nila laley kasi masyado silang busy sa aming bussiness. Nang makita kona sila ay agad akong nagmano at sinabing magpapahinga na ako. Habang nasa kwarto ako ay tinignan ko lahat ng mga pictures namin kanina. Hindi ko maiwasan ang mapangiti kasi sobrang saya talaga kanina.
FLASHBACK.
Pagkatapos ng party sa bahay nila Laley ay umuwi ako agad. Kanina habang kumakain kami sa kanila, ay pinag-uusapan nila na kung pwede makapag-bonding muna kami ni Laley sa darating na Sabado. "LAST BONDING". Sabi ni Tito ay kailangan kasama daw sila para mas masaya. Agad naman kaming sumang-ayon. Napag-usapan namin ni Laley sa text na pumunta nalang ako sa kanila para sabay-sabay nalang kami umalis kaysa gamitin ko pa yung kotse ko.
Pumunta ako kila laley para sabay-sabay kaming umalis. Nang makarating na ako sa kanila ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang saya ko ngayon. Sobra. Kaso nawala ung saya ko nung maalala ko na bukas na pala ang alis nila. Habang nasa byahe kami sinabi ko kay Laley na ihahatid kona sila sa airport. Pumayag naman si laley pati sila tito at tita.
End of FLASHBACK.
KINABUKASAN. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Nagising nalang ako sa tumatawag sa cellphone ko.
'Goodmorning skyreen! Where are you na?
Hello goodmorning din Laley. Kagigising ko lang hehe
' Ahh okay. Maghahanda na rin ako. Punta ka dito ha?
Oo sige. Maghahanda narin ako. Sabi ko.
'Okay bye! See you later!
Tooooot.........
Nagbihis agad ako at kumain. Nagpaalam na 'ko kila mama at papa na aalis na 'ko. Pumunta na 'ko sa kanila. Hindi muna ako bumaba sa kotse. Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Laley.
Hello Ley, I'm here na.
'Ay hello sky, sigi palabas na kami jaan. Sabi nya.
Sige maghihintay ako. Bye.
Toooooot........
After 10 minutes lumabas na sila sa gate nila. Agad naman akong nagmano kila tito at tita. Tinulungan kona din sila maglagay ng gamit sa kotse ko. Pagkatapos maglagay ng mga gamit ay sumakay na kami sa kotse at saka umalis. Habang nasa byahe kami, nakakabingi sa sobrang tahimik. Maya-maya ay nagsalita din si Tito.
'Skyreen iha nalulungkot akong sabihin sa 'yo na doon na kami titira sa America.
Ayy okay lang po, kahit ako ay nalulungkot din po pero kailangan kong tanggapin. Sabi ko.
''Wag kang mag-alala iha, isang taon lang kami titira doon. May aasikasuhin lang kami ni Lanie doon kaya napagdesisyunan namin na doon na muna mag-aral si Laley. Sabi ni tito na ikinagulat namin parehas ni laley.
Ay ganun poba? Akala ko po doon napo talaga kayo titira. Sabi kona parang nagalak bigla.
'Oo iha, kaya don't be sad. Sabi naman ni Tita sa akin.
Tinignan ko sila sa mirror ko sa harapan at saka ningitian. Maya -maya ay nakarating na kami sa airport. Tinulungan ko ulit sila na magbuhat ng mga gamit nila. Lumapit ako kay Laley at yumakap sa kanya.
Ma mimiss kita ng sobra Laley. Sabi ko habang umiiyak.
'Ako rin Sky, ma mimiss din kita ng SOBRA. Sabi nya na umiiyak na din.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at humarap kila tito at tita atsaka tumango.Enjoy kayo Ley ha? Sabi ko habang nagpupunas ng luha.
'Oo, pero mas ma eenjoy ko kung kasama kita. Sabi nya habang umiiyak na naman.
Sige na, mukhang aalis na yung eroplano, baka maiwan pa kayo. Sabi ko tsaka sabay kaming natawa.
'sige, aalis na kami. Ingat ka ha? Take care yourself sky. Sabi nya atska yumakap sa akin.
Sige na. Ingat. Sabi ko at ako na ang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa.
Nagpaalam na din sila tito at tita. Maya-maya ay lumayo na sila sa akin hanggang sa hindi ko na sila masilayan.Haist. Ang sakit. Sabi ko sa sarili ko habang naiiyak na naman. Pumunta na ako sa kotse ko para pumunta ng park na lagi namin tinatambayan ni Laley. Umupo ako sa gilid at saka umiyak na naman. Habang umiiyak naalala ko na nman yung moments naming dalawa ni laley dito. Pagkatapos kasi ng klase namin, dumederetso kami dito para tumambay at magpahangin. Mahigit isang oras akong tumambay hanggang sa mapag desisyon ko ng umuwi na sa bahay.

YOU ARE READING
The Sky Makes Me Smile (PUBLISHED)
Historia CortaThis story are Author's opinion. Just try read this.