Chapter Five
" I have to go my sweet Kathryn", nakangiting paalam niya sa girlfriend. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang kanyang motor at pinaharurot iyon papunta sa Head Quarters. Naalala Kasi niya na tinawagan siya ni Diego kanina. Mataas pa ang katungkulan nito kaysa sa kanya. He is a Police Lieutenant General ,while Diego Loyzaga is a Police General.Agad na niyang ipinark ang motor nang makarating sa Police Headquarters . Saka dumiritso sa lungga ni Diego.
Pagpasok niya sa lungga nito ay agad siyang tumayo ng tuwid at sumaludo.
" Police Lieutenant General Daniel Padilla reporting for duty sir." sabi niya.
Sumaludo naman si Diego sa kanya at nang ibinaba na nito ang kamay ay saka naman niya ibinaba ang sa kanya.
"Daniel, I don't waste time. Ano pa ba ang kailangan mong malaman tungkol sa Reynaldo Yfranco na yan at kailangan pa talagang pumasok ka sa Campus na siya ang founder para mag-imbestiga? Are you insane!? Paano kung may madamay na estudyante? Sa halip na pinagtutuunan mo ng atensyon ay ito.", singhal sa kanya ng Police General sabay pabagsak na inilapag ang litrato ng kaso ukol sa serial killer.
"Hindi tayo ahente ng PDEA. Kaya bakit mo pa rin hinahawakan ang kaso na yan!?", bulyaw nito sa kanya.
" Dahil may sangkot rin naman ang Yfranco na yan sa kasong murder. May utang siyang buhay sa kin. At maski ang patawan sila ng reclusion perpetua ay di iyon sapat na kabayaran. Buhay ang kinuha nila, kaya buhay rin ang kapalit.", galit na pagkakasabi niya. Dahil kahit limang taon na iyong nakakalipas ay di pa rin niya makalimutan ang madugong pangyayare na iyon sa nakaraan niya.
"Pero sirado na ang kaso na yun 5 years ago!', ani Diego.
" Sarado na, Pero di ko pa rin nakukuha ang hustisya na nararapat sakin!" sagot naman niya agad .
Di na niya hinintay ang isasagot nito sa kanya at muling sumaludo para magpaalam na umalis."Permission to leave sir." aniya sa matulis na boses.
Ibinababa naman ni Diego ang kanyang kamay mula sa nuo tanda na pinapayagan na siyang umalis.
Kaya't walang ano-ano'y binuksan niya na ang pinto para makalabas na."Daniel"
Ngunit napahinto siya ng muli siyang tinawag ni Diego. Na agad din namang nilingon niya.
" Want to go out with me, bestfriend?" sabi ni Diego na siyang ikinalawak ng ngiti niya.
Pareho silang masayang nag-iingay ni Diego gaya lang ng nakasanayan nila bago pa sila pumasok sa serbisyo.
Kung wala sila sa trabaho ay para lang silang mga batang magkaibigan na naglalaro sa lansangan. Pero kung nasa serbisyo naman sila ay pormalan kung mag-usap."So, kailan ko ba makikilala yang sinasabi mong babae hah!" , basag niya sa biglaang katahimikan na namagitan sa kanila ngayon.
"Pwede namang ngayon." malakas na loob na sagot ni Diego.
At mukhang seryoso nga ito kasi kinuha nito ang cellphone sa bulsa. Saka may pinindot hanggang sa nagring ang cellphone.
"Ito sumagot na siya", ani Diego at tinitigan lamang niya ito.
" Hey Sweetie"
"Ito naman napakasuplada. Pwede mo ba kung puntahan ngayon?"
"Ha? Why not ? Please my sweet element. My bestfriend element named Neon want to meet you."
Napangiti na lang siya matapos marinig ang pinagsasabi ni Diego. Lasing na ito pero di pa rin nito sinabi ang totoo niyang pangalan sa kausap sa cellphone. Tunay niya ngang kaibigan si Diego. Mapagkakatiwalaan niya nga ito.
YOU ARE READING
Seducing the Professor
Storie d'amoreWhen you're willing to be a lust reservation just to get his love and attention.