"Kayo! Kayo ang may kasalanan kung bakit nangyari sa akin ito!"
"Nagkakamali ka sa iniisip mo! Hindi ka namin magagawang pagtaksilan."
"Magkakaibigan tayo at nangako tayo sa isa't isa 'di ba? Hindi namin magagawa sa'yo 'yun."
"Manahimik kayo! Mga sinungaling kayo! Paano niyo mapapatunayan na hindi talaga kayo ang may kagagawan? Tanging tayo-tayo lang naman ang nakakaalam 'di ba?"
"Kaya nga! Tayo-tayo nga lang ang nakakaalam. Nagtataka rin kami kung paano iyon kumalat! Wala kaming ideya kung sino. Kaya naman maniwala ka sa'min na hindi talaga kami 'yon."
"Hindi namin magagawa iyon sa'yo. Alam mo 'yan."
---
"Mukhang nagkakasiraan na sila. Tama lang talaga ang plano ko."
---
"Isinusumpa ko na may mangyayari sa inyo na hindi niyo inaasahan bilang kapalit sa pinsalang ginawa niyo sa'kin!"
"Please! Nagmamakaawa kami sa'yo. Maniwala ka naman sa amin. Sa tingin mo ba kaya ba talaga naming gawin 'yun?"
"Wala ka bang tiwala sa amin?"
"Tama na ang mga satsat at pagmamakaawa niyo! Kayo lang ang itinuturong dahilan kung bakit nangyari ito! Paghandaan niyo na lang ang kabayaran sa mga ginawa niyo sa akin!"
---•••
Interlink
(MoonxChrysanthemum)
Started: 200512
Ended: ------✨✨
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
✨✨
Moonxch:
Hello!! I'm hoping that you'll enjoy reading this story! Lovelots♡PS: I'll try my best para maging maayos ang takbo ng istorya na ito. Ngayon palang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sumulat ng story. Sorry for the typos and grammatical errors ahead.
BINABASA MO ANG
Interlink
Teen FictionTwo people who have opposite traits met because of "someone" that holds a link to them. Out of the blue, something went awry. Along with their journey they met people who are trustworthy and willing to help them. Are they capable to overcome the sto...