Nasa gymnasium kami ngayon at water break namin ngayon. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas mula nung nagpaplano pa lang sila pero dahil sa pagiging cooperative ng bawat isa sa amin at pagiging maayos na leader ni Grey, kalahati na ng kanta ang may steps.
Nakakagulat mang isipin pero gano'n talaga siguro kapag may cooperation ang bawat isa at maayos ang nagli-lead. Napapatingin ako sa mga kaklase ko ngayon at gusto ko mang makipag-usap sa kahit sino sa kanila, hindi ko talaga magawa. Hindi ko pa kaya. Mananatili muna akong tahimik at manhid katulad sa pagkakakilala nila sa akin.
Hanggang ngayon, wala pa rin ang mahangin kong best friend. Pumunta kasi siya sa water station dito sa gymnasium para mag-refill ng mineral water sa tubigan naming dalawa. Mukhang mahaba yata ang pila kaya matatagalan pa siguro siya.
Napatingin naman ako kay Grey na nakikipag-usap sa class president namin na kulang na lang ay maging kamatis siya sa pwesto niya. Naku, miss president, batuhin kita diyan eh. Choss. Hindi ako pwedeng magka-issue lalo pa na me---hindi medyo---lalo pa na mainit pa rin ako sa paningin ng "The Trio" at ng mga kaklase ko. Hanggang ngayon ba naman kasi hindi sila naniniwala na best friend ko lang si Aqua at hindi ko siya nilalandi. My gosh.
Balik kay Grey, saktong pagtingin ko sa kanya, tumingin din siya sa akin. Tumingala naman ako para matanggal ang tingin ko sa kanya. Sa kasamaang palad, nasilaw naman ako sa ilaw. Masyado kasing maliwanag tapos para siyang star nung tinignan ko. Napayuko tuloy ako kaagad. Hay, naku, Eight. Minsan talaga hindi ka nag-iisip. Tsk.
"Eight~"
Napatingin ako sa tumawag sa akin sa malambing na tono. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Ang lapit kasi ni Aqua. Bad trip talaga 'to minsan eh. Kaya ako pinag-iinitan ng mga kaklase ko dahil sa pagiging ganiyan niya tapos napagkakamalan tuloy kaming may relasyon higit pa sa friendship namin. Kainis.
"Layo ka nga nang kaunti. Kainis ka."sabi ko sa kanya habang nakasalubong ang dalawa kong kilay.
Lumayo siya nang kaunti saka naman ako pinitik sa noo. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya. Ano bang problema nito?
"Aqua, anong trip mo?"tanong ko habang inaayos ang bangs ko para takpan ang pamumula ng noo ko dahil sa ginawa niya.
"Wala lang heheh,"sabi niya at napangiti pa ang loko. Inabot niya sa akin ang tubigan ko at kinuha ko naman ito kaagad. Baka kasi asarin pa ako nito.
"Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya nang maalala ko na tinawag niya ako sa malambing na tono. Kilalang-kilala ko 'to eh. Tatawagin niya ako sa gano'ng tono kasi may kailangan siya. Ang galing.
"Buti naman nahalata mo! Good job!"masayang puri niya at napa-irap ako sa kanya. Imbes na sagutin kung ano ang kailangan niya, pinuri pa ako kasi nahalata ko. Tsk.
"Ano nga? Magpapalibre ka na naman?"
BINABASA MO ANG
Interlink
Teen FictionTwo people who have opposite traits met because of "someone" that holds a link to them. Out of the blue, something went awry. Along with their journey they met people who are trustworthy and willing to help them. Are they capable to overcome the sto...