Chapter 4

5 0 0
                                    

Napabangon ako bigla dahil sa panaginip ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at mag-aalas kwatro pa lang ng madaling araw. Inunahan ko pa ang pagtunog ng alarm kaya naman pinindot ko na kaagad ang dismiss button para 'di na tumunog.

Ang sama kasi ng panaginip ko. Nanaginip ako na may kasama ako tapos tumatakbo daw kami. May pinagtataguan daw kaming kung sino. Hindi kami nahanap kaya nakatakas kami. Hindi naman masama kung iisipin 'di ba? Pero sinabi kong "ang sama" dahil kasama ko lang naman yung lalaking pino-protektahan ng mga babae sa school. Si--- ano nga ulit pangalan n'on? Basta siya.

Wala naman kaming ugnayan kaya nakakapagtaka na kasama ko siya. Imposible rin naman na iniisip niya ako kasi hindi naman kami magkaano-ano. Malabo rin na miss namin ang isa't isa kung iisipin niyo na baka miss niya ako at miss ko siya. Suntok sa buwan 'yan.

May kumatok sa pinto kaya naman napakunot-noo ako at napahikab. Tumayo ako at tinanong ko kung sino ang kumakatok. Si Mama pala heheh.

Binuksan ko kaagad ang pinto at nakatingin sa akin si Mama. Medyo mabigat pa ang talukap ng mga mata ko kasi kagigising ko lang mula sa "masama" na panaginip. Sana 'wag namang isipin ni Mama na bored akong kausapin siya.



"Eight, ayos ka lang ba?"bungad na tanong sa akin Mama at napatango ako.

"Ayos lang naman ako, Ma. Nanaginip lang ako tapos nagising ako bigla."sagot ko at nag-aalala siyang tumingin sa akin.

"A-anong napanaginipan mo?"tanong niya at may bahid ng pag-aalala ang boses niya.

"May kasama ako tapos may kung sino na humahabol sa amin. Nakapagtago naman kami kaya nakatakas kami. 'Yun lang, lalaki pala yung kasama ko sa panaginip ko kaya medyo nagulat at nagtaka ako pero never mind." honest kong sagot kay mama at medyo nakita ko ang kabalisahan sa mukha niya. Hmm...'di naman siya ganiyan ah.

"Ma, okay ka lang ba? Medyo nabalisa ka yata nang marinig mo ang sagot ko."sabi ko at napailing siya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Wala 'yun, Eight. Sadyang nagulat lang ako sa panaginip mo. Bumaba ka na pala. Maghahanda na rin ako ng breakfast natin."sabi niya at ngumiti pa siya. Pinisil niya naman ang mga kamay ko bago siya bumaba.


Medyo nakaramdam ako ng kakaiba pero baka siguro nagulat lang talaga siya. Kahit ako rin naman. Nakakaloka ang panaginip na 'yun pero imposible naman sigurong mangyari 'yun.



Sana nga.



Sinarado ko muna ang pinto ng kwarto ko bago bumaba. Dumiretso kaagad ako sa kusina at naaamoy ko ang nilulutong pagkain ni mama. Corned beef na may patatas. Tumingin ako sa lamesa at mayroon ng fried rice na nakahanda.

Pumunta muna ako sa sink at binuksan ang gripo. Nagmumog ako at saka ko sinarado ang gripo. Hindi na ako naghilamos kasi alam ko namang walang laway na kumalat sa mukha ko. Duh.

Pumunta na ako sa dining area at umupo na ako sa upuan. Tinignan ko muna si Mama habang nagluluto. Gusto ko sanang tumulong kaso hindi niya ako papayagan. Sasabihin niya lang sa akin na kakagising ko pa lang kaya siya na lang muna ang kikilos.


"Eight, magiging kaklase mo pala si Aqua?"tanong ni Mama at medyo napabuka ng unti ang bibig ko dahil sa gulat. Nagising din ang diwa ko.

"Paano mo po nalaman?"tanong ko at medyo napakunot ang noo ko. Simula pagkagising ko nakakunot ang noo ko pati ba naman ngayon?

"Sinabi sa akin ng mama ni Aqua. Nakausap ko kasi kahapon."masayang sagot niya at nilagay na niya ang ulam sa isang plato. Pagkatapos, dinala niya na ito papunta dito sa lamesa at inilapag nang maayos. Bakas sa mukha niya na masaya siya.


InterlinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon