Chapter 2

7 0 0
                                    

Malapit na ang oras para sa lunch break namin. Inoobserbahan ko lang ang mga kaklase ko ngayon dahil wala na akong gagawin. Natapos ko kasi kaagad yung gawain sa ICT.

Pinasagutan lang sa amin yung dapat na sasagutan namin noong nakaraang linggo. About sa multimedia. Easy lang naman kasi nasa basics pa rin naman. Sana kahit sa darating na exam, madali pa rin heheh.

Katulad nga ng in-assume ko kanina, na-late nga yung tatlong mean girls. Nasigawan sila ng teacher namin at pinasagutan sa kanila kaagad yung nakahandang seatwork sa kabilang board kahit hindi pa nadi-discuss yung lesson para sa araw na 'to.

Halata sa mga mukha nila kanina ang pagkahiya. Hindi dahil sa hindi nila alam ang sagot kundi nandito sa room namin ang lalaking iniingatan at nirerespeto nila. Ano nga ulit pangalan nito? Gatorade ba 'yun? Sorry kasi hanggang ngayon talaga 'di ko pa rin matandaan yung pangalan niya.

Nakayuko lang kanina yung tatlo habang sini-sermonan sila tapos pinaupo sila nang hindi pa rin nila nasasagutan yung seatwork. Hindi na ko nagulat kanina nang tignan nila ako nang masama. In-expect ko na kasi ganiyan naman ugali ng mean girls dito. Ikaw pa sisihin kapag sila ang nagkamali. Tsk.

Tinignan ko lang sila tapos nakinig na ako sa discussion. Kung pwede ko lang silang picture'an kanina, ginawa ko na.

Ngayong mga oras na 'to, nagkumpulan ang mga kaklase ko dahil siyempre nagkokopyahan sila. Ewan ko ba sa mga ito. Alam ko namang mga matatalino itong mga kaklase ko kaso mukhang mga tinamad na sa pag-iisip kaya ayan nangopya na lang.

Kung ako ang tatanungin kung nangongopya ba ako, ang sagot ko ay hindi. Una sa lahat, wala akong kaibigan dito. Pangalawa, wala akong mapagkokopyahan. Panghuli, wala naman silang pakialam. Mas mabuti na rin ito kasi atlis walang nangongopya sa akin at hindi ko rin naman sila pinapakopya.

Palagi na akong nasa section 2 simula pa nung grade 7. Hindi ko rin aakalain na hanggang ngayong grade 11, nandito pa rin ako. May mga natatanggal kasi rito every school year. Yung iba naakyat, yung iba naibaba. Kung may mga naging kaklase rin ako sa seksyon na ito last year, 'di ko rin sila kilala kasi nga hindi kami nagkakausap. Wala rin naman kaming pakialam sa isa't isa.

"Okay class, pass your paper."sabi ni ma'am sa harapan habang nakatingin sa amin.

Ipapasa ko na sana ang papel ko paharap ngunit nagdalawang-isip ako. Tumayo na lang ako at pumunta sa harapan para ipasa ang papel. Bumalik kaagad ako sa upuan ko nang tanggapin ni ma'am yung papel ko.

Nakita ko sa expression ni ma'am na nagtaka siya saglit. Siguro nagtataka siya kung bakit hindi ko pinasa na lang paharap. Napatingin sa akin si ma'am at tumango na lang ako. Alam niya na 'yun.

Nang maipasa na lahat ng papel sa kanya, dinismiss niya na ang klase at umalis na sa room. Napatayo ako at binitbit kaagad ang bag ko. Ang boring kasi rito mag-lunch. Puro mga kaartehan lang ang makikita ko.

Lalabas na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko. Napatingin ako kaagad sa kung sino man itong naghamak na ako'y hawakan. Tinignan ko lang ito at binitawan niya na ako.

Napatingin ako sa mga kaklase kong gulat na nakatingin sa amin. Ano bang kagulat-gulat ngayon hah?

"Anong pangalan mo?"tanong niya sa akin at tinignan ko lang siya.

InterlinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon