Chapter 1

17 0 0
                                    

[Eight]

"Ma! Papasok na po ako!"

"Mag-ingat ka, Eight!"



Dali-dali naman akong lumabas ng bahay dahil malapit na akong ma-late! Kasalanan 'to ng alarm clock ko na hindi tumunog. May feeling ako na may ginawa ang ate ko na hindi maganda kaya hindi na naman tumunog.



Siya lang naman ang pagsususpetiyahan ko kasi ang hilig niya talagang gawin ay ang asarin ako. Minsan na nga lang siyang makauwi sa bahay, mang-aasar pa. Tsk.



Tinignan ko ang wrist watch ko at limang minuto na lang ang natitira kong oras bago ma-late. Ayaw kong malista sa log book dahil papasulatin kami ng ilang beses sa papel ng "Nangangako akong 'di na ako male-late" at ayokong gawin 'yan!



Tumakbo na ako at wala na akong pakialam kung ano pa ang maging itsura ko pagdating ko sa classroom. Mas kailangan kong siguruhin na hindi ako male-late at wala pang teacher sa classroom dahil masasayang ang pagod ko.



Pero oks na rin, mababawasan na rin ang bilbil ko.



Choss.



Natatanaw ko na ang gate ng school at nakabukas pa rin. May mga estudyante pa ring pumapasok. Kapag nakasara na, it means late ka na. Whaaahhhh! Kaya ko 'tooooo!



Dire-diretso na akong tumakbo papasok ng school at napatigil saglit. Tinignan ko ang wrist watch ko at may isang minuto na lang ako para pumunta sa classroom.



Kahit na hinihingal pa ako, nag-power walking na ako papunta sa classroom. Sana wala pa si ma'am. Sana wala pa si ma'am. Sana after 5 minutes pa siya pumasok.



Nang malapit na ako sa classroom, nakita kong nakabukas pa rin ang pinto. Ibig sabihin, wala pa si ma'am! Magdidiwang ako mamayang break time heheh.



Pupunasan ko muna saglit ang noo ko dahil ayokong magmukhang hindi fresh. Nakakapawis kayang tumakbo tapos mag-power walking pero atlis mababawasan naman ang bilbil ko heheheh. Choss ulit.



Inayos ko ang unipormeng suot ko at ang pagkakasukbit ng bag ko. Okay it's time to change. It's also time to go inside the classroom.



Hindi nga ako nagkakamali sa iniisip ko kanina. Wala pa rin si ma'am sa classroom nung pumasok ako. Pumunta naman ako kaagad sa upuan ko. Nilapag ko na ang bag ko at umayos na ako ng pagkakaupo.



Dito pala ako sa dulo nakaupo. Malapit sa bintana pero hindi malapit sa basurahan. Mas natutuwa ako rito dahil I can observe everyone. Nalalaman ko kaagad kung sino-sino sa kanila ang pwede kong makausap at hindi pwede kong makausap pero waley pa rin.

InterlinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon