Chapter 3

8 0 0
                                    


"Class dismiss!"masiglang sabi ng last subject teacher namin at umalis na siya sa room.


Nagtayuan na lahat ng mga kaklase ko at kumilos na ang cleaners para maglinis. Binalik ko na sa loob ng bag ko ang mga gamit na nilabas ko kanina. Tumayo na rin ako at lumabas na ng classroom.


Napahawak ako sa strap ng bag ko at bumuntong-hininga ako nang malalim. Whaaahh! Sa wakas! Makakauwi na ako! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa makalabas na ako ng school.


May nakita akong nagtitinda ng fishball at pumunta ako sa pwesto nito. Natakam na naman ako hays.



"Kuya, 15 pesos po sa fishball."sabi ko at kinuha naman ni kuya ang bayad ko. Inabutan niya naman ako ng plastic cup at tong.


Kumuha na ako ng tatlumpung piraso ng fishball habang mainit pa ito. Piso dalawa kasi kaya ganiyan. Nilagay ko ang tong sa lagayan nito at kumuha ako ng stick. Matamis na maanghang naman ang sawsawan.


Paalis na sana ako sa pwesto ni kuya nang biglang may umakbay sa akin. Arggghhh! Gusto ko nang tumangkad!




"Libre mo ko, Eight~ ang cute cute mo talaga~"malambing ngunit may halong pambobola na bulong sa akin nung umakbay. Kinurot-kurot pa nang marahan ang pisngi ko at nag-cringe ako. Sa boses pa lang, alam ko na kung sino ito.



"Tigilan mo 'ko, Aqua."seryosong tugon ko sa kanya at tinignan ko siya nang masama. Hindi niya pa rin inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.



"Sige na~please~"pagmamakaawa niya at nagpa-cute pa ang loko.



"Che! Dapat nga ikaw ang nanlilibre diyan eh! Kaloka!"pagsusungit ko sa kanya at inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.



Naglakad na ako palayo at masaya kong tinignan ang pagkain ko. Whaaaahhh! Isa sa mga comfort food ko ang fishball. Kapag naiinis, nalulungkot, bad trip, basta kapag may negative na emotion ang umaaligid sa akin, bibili lang ako ng mga comfort food ko okay na ulit ako.


Gan'on kabilis magpalit ang mood ko basta't nandiyan ang comfort foods ko.


Sisimulan ko na sana ang pagkain ko ng fishball nang may isang stick na humarang sa kukunin ko sanang fishball at kinuha ito. Napatingin naman ako sa gumawa n'on at nilalamon na ng nilalang na ito ang pagkain ko.




"Hoy! Aqua! Bayaran mo 'yan!"singhal ko sa kaniya habang kumakain siya. Kukuha pa sana siya ulit ngunit mabilisan kong iniwas ang pagkain ko sa kanya.



"Bayaran? Ito oh. 50 cents para sa isang fishball na kinain ko."sabi niya at kumuha talaga siya ng dalawang bente-singko centavos sa bulsa niya. Inabot niya pa sa akin at napairap na lang ako sa kanya.

InterlinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon