Chapter 4

409 24 9
                                    

Author's Note: Tuloy-tuloy na ulit ang update, nagawan ko na kasi sya ng chart for flow of events hanggang epilogue kaya naging mabilis na sa'kin para sumulat. BTW, we're going wild this time. Sa Book one kasi first-time ko sumulat ng BS non kaya kalmado pa hahahahaha so ayun, binabalaan ko lang kayo. Always take note that hindi porket nabasa nyo gagayahin nyo na. I love you all, you deserve to read a series worth your time that's why I'm trying my best :") . Also, thank you Btea for teaching me about the 1000+ words per chapter kaya gagawin ko na ito. I'm still learning how to write properly so bear with me, sa future ay mas aayos na ang mga gawa ko. I apologize kung magulo yung book one, first-time ko kasi yun.
                             ***

                MABILIS na nag-tatatakbo palabas Yesenia. Galit na galit ang kuya nito, ikaw ba naman turuan ang anak mo ng kabalastugan at iyon pa ang naging first word ng bata. Kinarga ko si Zy at tinignan ang ari nito. Ano kaya ito? Babae o lalaki?


"Ay itik!" napa-sigaw ako nang may humigit sa braso ko.

"Ate samahan mo ko, dali!" hinihingal na sabi ni Yesenia at mabilis akong hinila. Muntik ko nang mailaglag si Zy kaya't inayos ko ang hawak dito gamit ang kaliwang kamay.

Wala na akong nagawa kundi ang mag-pahila kay Yesenia. Since she's still learning how to drive, I was already expecting that we're going to use my car. Naupo ako sa driver's seat at sya naman sa shotgun seat. Inabot ko dito si Zy na mabilis naman nitong kinuha.

"Where are we going?" I asked.

Ngumisi ito. "Salon, mag-papaganda tayo. Mag-hahanap na ako ng boylet."


Kumunot ang noo ko. "What about Hyron?"

She ignored me, nag-kibit balikat na lang ako. Ayaw nya pag-usapan edi h'wag. Binuhay ko ang makina at nag-drive patungo sa paborito naming Salon sa Circuit Makati. I cleared my schedule today because of my niece's birthday but it seems like I got nothing to do kaya sasama na ako dito.


"Pusa mo ba ito?" She asked all of a sudden.

"Yes."

"Ah kaya pala, mana sayo."

Bumaling ako dito. "What?"

Ngumisi sya. "Maitim gaya ng budhi mo."

Mabilis ko itong kinurot sa tagiliran kaya't napa-aray naman sya.

"Can you check if the kitten is a boy or a girl." I asked her to check Zy's whatever.

I glanced at her while driving. Tinihaya nito si Zy at inexamine ang ano nito.

"Lalaki 'to." She said.

"Are you sure?"

I saw her slightly touching Zy's kemerut. Nangunot ang noo ko.

"Yeah, ang laki ng itlog oh." Humagikhik ito.

"Whatever." I rolled my eyes.

There's a nearby petshop where our favorite salon is located that's why I left Zy there to be checked. I parked my red Chevrolet Corvette then got my clutch before I went out of the car.

Nang maka-pasok kami sa salon ay mabilis kaming binati ng mga staffs, they already knew us because we are regulars here. I looked at my reflection on the mirror, I guess I'll go for a new look. Masyadong soft ang features ko kaya sa tingin ko ay hindi ako sineseryoso ng mga employado ko.

Naupo na kami ni Yesenia at nilapitan ng paborito naming stylists.

"Hi Madam, ano pong gagawin natin sa hair mo today?" Julia asked.

"Cut my hair until this length." Tinuro ko ang ilalim ng panga ko.

"Sigurado ka po ba ma'am? Sayang naman." Hinaplos nito ang buhok kong hanggang bewang. I nodded my head.

"Then, I want to dye my hair into rich auburn."


Mabilis naman nitong ginawa ang gusto ko. Ilang oras din kaming nakaupo dahil sa treatment and dye na nilagay sa buhok namin. I don't know what Yesenia wanted to do to her hair but I think she got it dyed too. I ordered us frappe and clubhouse sandwich, inabot na kasi kami ng lunch-time.

Natapos na rin kami, tinitigan ko ang sarili sa salamin. Mas lalong pumusyaw ang balat ko and I really liked my fiercer look. Tinignan ko si Yesenia na may mga highlights ang buhok, she looks good with it.

"Let's go shopping, ate." Yesenia said after we got out of the salon.

"Fine." It has been a while since I got time to hang-out with her, lagi kong inuuna ang work kaya babawi ako ngayon.

We went to Shangrila at namili ng kung ano-ano. I looked at Yesenia who is holding a champagne Chanel dress, I took a deep breath. I can do better designs than all of these, inikot ko ang paningin ko at tinignan ang mga damit. Umiling ako, I'm now an owner of a real estate company not a fashion designer.


"Ate, you should pick a dress. We're going to a bar later." Yesenia said. Napa-lingon ako dito.

"Tayo lang?"

"No, Gio told me to come earlier." She said.

I nodded my head, it's time to unwind. Pakiramdam ko rin ay napaka-boring na ng buhay ko.

"Ayun!" turo ni Yesenia sa bar.

I took a turn at nag-park na sa tapat ng bar. Inabot na rin kami ng gabi sa pag-shoshopping at pag-kain sa restaurant ni Yesenia. I looked around, punong-puno ang parking lot. Mukhang sikat nga itong bar.


Pumasok na kami at kumaway sa mga kaibigan ni Yesenia. Nakipag-beso kami sa mga ito at naupo sa sofa. Tahimik lang akong nag-iinom habang sila ay nag-tatawanan. I smirked, I changed a lot huh. Naalala ko tuloy kung gaano ako kakulit kay Zyver. Napa-iling ako at pinikit nang mariin ang mga mata. I miss him so much, tinunga ko ang isang bote without looking kung ano iyon.


Naikot na ang paningin ko nang naramdaman kong may humila sakin. I looked at the person who pulled me, it was Yesenia. "Ate, let's dance!" hinila ako nito sa dance floor.


Nang makita ko itong mag-twerk ay napa-tawa ako. Ang lakas ng hiyawan ng mga tao dahil dito. Napa-sayaw na lang din tuloy ako. This is fun!


Hindi ko na alam kung anong dance moves ang ginagawa ko basta ang alam ko ay masaya ako. Muntik na akong mapa-irit nang may humila sakin, hinila pababa ang dress ko at niyakap ako sa bewang.


"Ano ba?! Pervert!" Tinampal ko ang kamay nito.

Lumayo ang lalaki sakin, tiningala ko ito. Hindi ko na maaninag ang mukha nito, masyadong maikot ang paningin ko.

"Pervert?" He asked in a deep baritone.

"YES! WHO TOLD YOU THAT YOU CAN EASILY TOUCH ME?!" I shouted.

"Look bellissima, I don't have plans to molest a drunken girl besides I only did that because I already saw your red underwear. I'm not against with your choice of clothes but be wary of perverts, look at them gawking at you." Tinuro nito ang paligid, there I saw men looking at me like a piece of meat. Nang lingunin ko ang lalaki ay wala na ito. Bumaba ang tingin ko sa bewang ko at nakitang may jacket na naka-tali dito. The jacket is large that's why it covered my thighs.

Pa-gewang-gewang akong nag-lakad pabalik sa sofa at naupo. My head is already spinning. Fuck, hindi na ako uulit. Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Yesenia, we need to go home. Where the hell is she and who is that guy?

MBTB BOOK 2: Taming The Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon