• 22 •

496 13 0
                                    

CHAPTER 22
Nicole Morales POV

Fast Forward.....
August 06: Nicole Morales Debut

Ang sarap ng gising ko ngayon, dahil alam kong nasa tabing dagat ako. Nandito kami ngayon sa isang hotel malapit sa ammin. Doon sana ako sa bahay namin tumira ngunit di ako pinayagan dahil bawal daw. Ba't kay bawal eh dun naman ako naka tira? Di na ba ako kapamilya ng aking mga magulang?

Lalabas na ako para tignan ang iba. Nandito kasi kaming lahat. Pati ang mga pamily ko na nasa bahay dito rin sila sa hotel nagpagabi. At lahat din ng mga kasama sa mansion ay nandito din. Nagbiyahe na kami kahapon papunt dito dahil baka matagalan pa kami kung ngayon lang na araw kami biya biyahe.

Lumabas ako sa hotel at kitang kita ko silang lahat sa labas malapit sa dagat. Kia kita ko angahabang lamesa na pintayo nila doon at ito ay punong puno ng pagkain. Ang saya nilang tignan dahil mag kakasama kaming lahat ngayon, at kita ko ding masayang nakikipag kwentuhan si Manang Doring sa aking pamilya. At malamang pati ako masaya sa aking nakikita, ako'y lubos na masaya. Meron din ang iba kong mga kaibigan dito dahil lahat sila inimbita ni Dos. Ngunit isa sa mga kaibigan ko ang wala dito, ang pinakamatlik kong kaibigan. Hindi ko alam kung saan siya naruruon.

Papalabas na sana ako ngunit naramdamn kong wala pala akong sapin sa paa. Kaya nilis akong bumalik sa loob para kunin ang aking tsinelas. At noong nakapasok ako sa kwarto ko may nakita akong sulat sa isang table. Agad ko namang tinignan.

Alam kong si Hana nanaman to eh.

~~~~~

Nicole,

Happy Birthday my love. Enjoy your day today. Kalimutan mo muna ang problema ngayon at ang iyong isipin ay ang iyung kaarawan. Labas ka na kakain na tayo oh!

Hana

~~~~~

Pagkatapos kong basahin yun tumakbo akong palabas sa kwarto ko. Para makasama ko na lahat ang mga gusto kong makasama sa labas.

Pagkadating ko sa kanila.

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!" sigaw nilang lahat. Except si Uno na may linuluto. Yininakap ako ni Dos. Tapos sumunod yung mga kapamilya ko at kasama ko sa mansion. Except for Vanessa ewwww. Tapos yung mga kaibigan ko sin ay yinakap ako dahil miss na nila ako.

"Jusko! Punyeta Nicole dalaga ka na!" sabi ni mama. Yan nanaman siya eh!

"Noon pa akong dalaga mama."

Tapos nakita ko si Papa.

"Happy Birthday anak!" sabi niya at nagyakapan kami.

Tapos sumunod si kuya.

Pagkatapos ng pagbati sa akin ng lahat pati si Vanessa binati ako kaso nag beso beso lang kami.

Tapos may tumapik sa likod ko. Humarap ako. Then bigla niyang nilagay ang ulo niya sa balikat ko. Hinawakan niya yung likod ko. And me? Para akong tinae'n ng Ibong Adarna na naging semento.

"Happy Birthday Nicole." sabi ni Uno sa aking tenga.

Ang bilis ng nangyari at bigla nalang siyang nawala. At nakita ko nag luluto nanaman siya. Yung puso ko unti unti tumitibok ng pabilis ng pabilis. Parang sinasabi ng puso ko na. Unti unti nanaman akong ma fa-fall sa kanya.

Bakit kaya ganito? Simpleng hawak lang niya. Simpleng yakap lang niya. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Baka nga mahal ko pa siya o muling bumabalik ang pagmamahal ko sa kanya?

"Hoy kain na!" sabi ni Dos.

Noong pinansin lang ako ni Dos sa ka lang ako natauhan. Iniisip ko yung yakap na yun. Nakaka miss na nga rin ang yakap na nanggagaling kay Uno. Mas lalo na ang halik at kulitan namin noong nasa mansion pa kami.

Talagang tatanggapin ko na ang nangyari ngayon. Kung ano man ang nagawa ko paninindigan ko. Mamahalin ko yung taong linigawan ako. Yung taong nag effort para lang maging dalawa kami.

Aaminin ko hindi ko mahal si Dos. Pero ako mahal na mahal niya. Pinapakita niya nagagawin niya ang lahat para sa akin. Ayaw ko siyang masaktan kaya tuturuan ko ang aking sarili na mahalin siya. Yung tipong sa huli ay mahal ko na siya.

••••••••••

Aces Ferrer POV

"You are now okay Ms. Ferrer." sabi ng doctor sa akin.

"Oh well thank you so much doc." sabi ko. Tumayo na ako at lumabas na ng hospital.

Paglabas ko ng hospital. Nalanghap ko ang sariwang hangin ng Manila.

"Isang taon pa. Bago ang aking plano." sabi ko sa aking sarili.

*Rinnnngggggggggg!

Nag ring yung phone ko. At may tumatawag.

["Hello Ms. Aces. . Mukhang nagsasaya sila ngayon dito sa dagat oh!"]

"Hayaan mo muna sila RJ hayaan mo muna silang magpakasaya." sabi ko.

["Sige Ms. Aces kayo po ang masusunod."] sabi niya at ibinaba na agad ang tawag.

Isang taon nalang! At magiging masaya na rin ako. Hihintayin ko lang talaga ang oras. Sana nga yung araw na hinihintay ko ay ngayon na. Gusto kung kitilin ang buhay ng kambal. Gusto ko silang mamatay na dalawa. Dahil sa panloloko at pambababoy na ginawa nila sa akin.

Gusto ko. Ako yung papatay at bibili ng kanilang kabaong. Tapos yung magkaparehong kabaong. Ang nice kaya kasi kambal sila. Matagal na akong wala sa paningin ng ibang tao. Ngayon lalabas na ako. At alam ko na magugulat sila. Dahil sa haba ng panahon na nawala ako.

Matagal na nga rin yung araw na hinding hindi ko malilimutan. Yung araw kung saan parang ginawa akong hayop. Hayop na pinaglaruan at binaboy lang. Tapos nalaman ko na hindi sila nakulong?

Well, Saan ang hustisiya? Kapag hindi nila magawan ng hustisiya ang nangyari sa akin. Ako na mismo ang gagawa ng hustisiya. Hustisiyang isang buhay ng tao ang mawawala. Pero mas maganda ata na dalawang buhay nalang para mawala na silang dalawa.

Medyo namimiss ko na nga rin ang kapaligiran. Kasi sa tagal kung nanirahan sa Mental Hospital nasanay na ako. At ngayon ok na ako.

My parents wala na sila dito sa Pilipinas kundi nasa ibang bansa na sila. Nakikipag communicate naman sila sa akin palagi gamit ang cellphone. Nanirahan na sila doon para makapag ipon sila ng pag papagamot ko. Because my parents did not accept the help of Anderson Family. Ganyan ang galit nila sa mga Anderson. That's why I want to have a revenge to them.

Kung noon muntik na akong mawala? Ngayon ang gagawin ko naman sa kanila? Hindi yung muntik kundi talagang mawawala sila.

Kung galit kayo sa akin. Then go! I don't care. Because I care for myself. If what is good for me, gagawin ko.

Hayyy! Natatakot kayong mawala sila? Pwes ako hindi. Hindi sila natakot na mawala ako noon. Dapat ngayon wala din akong takot na walain sila. And always remember.

"If you want to be respected. You should respect first the others so they will respect you."

I'm His Maid Slash GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon