• EPILOGUE •

10.3K 211 48
                                    

EPILOGUE
| Third Person PoV |

Pagkalipas ng isang buwan......

Abalang abala ang lahat sa pag aayos, ababang abala ang lahat sa paghahanda. Nababalut ng saya, at lahat ay nasasabik sa mangyayari ngayon.

Ang simbahan nabalot ng mga bulaklak na puti, at mga tela na nag bibigay liwanag sa bawat sulok ng simbahan.

At unti unti ng nag sisidatingan ang mga bisita at mga pamilya ng Anderson at Morales. Naka suot ang mga lalake ng black tuxedo at ang mga babae ay naka suot ng white dress. Habang nag hihintay sila ay masayang nag kwe kwentuhan.

Nasaan na nga ba si Uno at Nicole? At ayun inaayusan palang sila. Nasa isa silang hotel malapt sa simbahan.

"Mom! Gusto ko na makita si Nicole!!" reklamo ni Uno habang siya ay inayusan palang ng mga make-up artist ni Ate Beki.

"But you can't ijo. Dapat na makita mo lang siya sa simbahan mamaya. Bawal yun. Gusto may mangyari namaman sa kasal niyo?" galit na sabi ni Tita Precy.

"Ma naman!! Kanina pang umaga kaming hindi nag kita!"

"So anong gusto mo? Mamalasin kasal niyo?" galit nanaman na sabi ni Tita Precy.

"Fine! Labas ka na sa kwarto ko ma inaayosan pa ako eh!!" galit na rin na sabi ni Uno at bumalik na sa pag papa ayos sa mga make up artist.

Halatang nag tatamto siya kasi sabik na sabik na siyang makita si Nicole.

••••••••••

"Ma nasan na si Uno! Gusto ko siya makita!! Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita eh!!" sabi naman ni Nicole. Habang inaayusan din siya ng mga make-up artist ni Ate Beki.

"Ija! Bawal kayong magkita dito. Dapat sa simbahan kayo mag kita. Mamalasin tong kasal niyo pag ganun!" paliwanag ni Tita Cathy.

"Hmmmm. Magkikita din maman kami mamaya ba't di nalang kami mag kita dito?"

"Hindi nga pwede Nicole jusko. Maghintay ka."

"Daming alam! Bilisan niyo naman mag ayos!! Gusto ko ng makita si Uno eh!!!" galit na sabi naman ni Nicole sa mga Make Up Artist niya.

••••••••••

Yung dating gusto na maganap ni Uno at Nicole ay malapit ng maganap. Malapit na silang maging asawa. Yung pangako nila ay ngayon matutupad na.

Nasa simbahan na ang lahat. Ngunit ang Groom at Bride nalang ang wala. Pero kailangan ay dumating muna ang Groom bago yung Bride.

At pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na nga si Uno. Sa simbahan. Madaming bumati sa kanya noong siya ay nakarating na sa simbahan. Ang motif ng kasal nila ay Black and White katulad ng dati. Naadik na nga raw sila sa kulay na iyon kaya yun na din ang naging motif nila.

Maraming imbitado. Maraming dumalo dahil nga kilala ang Anderson sa buong bansa. Pagdating ni Uno ay laking tuwa niya ng makita ang mga tao.

"Yung pangako namin na kasal ay matutupad na." sabi niya sa kanyang isip.

Pumasok na ang lahat sa simbahan at ipwinesto na ang kanilang mga sarili. Tanging ang Bride nalang ang hinihintay nila. At sa ilang sandali ay meron na si Nicole sa simbahan at mag sisimula na ang lahat.

••••••••••
| Prince Uno Anderson PoV |

Meron na siya! Meron na yung babaeng hinihintay ko. Hindi niya ako binigo. Kasi bawat oras ay pwedeng mag bago.

I'm His Maid Slash GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon