• 7 •

602 17 0
                                    

CHAPTER 7
Prince Uno Anderson POV

Nagmamaneho pa rin ako papunta sa bahay nila Nicole. At siya natutulog na. Malapit naman na kami sa bahay nila.

Nakapunta na ako sa lugar nila. Kasi sometimes doon kami nag mi-meeting sa malapit na resort sa kanila. Kaya alam ko na ang daanan at di ko na siya tinatanong kung saan ba ako dadaan.

Habang nag mamaneho ako at nakikita kong walang kotse sa likod at harapan ng kotse ko? Nag nanakaw ako ng tingin kay Nicole. She is so beautiful kahit na na tutulog siya. At ng pababa ng pababa ang pagtingin ko? Nakita ko yung lips niya. That lips? is so perfect! Mas perfect pa nga yang lips niya keysa sa lips ng mga magulang ko. Honestly speaking here. Tapos pababa pa rin ng pababa. Then suddenly nakita ko yung cleavage.

"Geezzz! Sorry Nicole!" sabi ko sa aking sarili.

Itinigil ko muna tong kotse ko sa gilid ng kalsada para takpan yung katawan niya ng coat. May coat kasi ako dito sa kotse. Alam na, kailangan eh pag papasok ako ng office.

••••••••••
Nicole Morales POV

"Nicole?! Nicole?! Nicole?! gising na!" sabi ni sir Prince sabay yugyog sa akin para magising ako.

"Nandito na tayo Nicole." sabi pa ni Sir.

Nakatulog kasi ako sa biyahe eh. Sorry naman.

Pagkamulat ko ng aking mata. Nakita ko ang dagat na malapit sa ammin hay! Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag nakikita ko ang dagat. Lumabas na si sir at tanging ako nalang ang hinihintay niyang lumabas. Kaya lumabas na rin ako kasi namimiss ko na rin ang hangin dito.

Pagkalabas ko wala naman si sir. At tinignan ko sa likod ng kotse nandoon pala siya at kinukuha ang mga grocery.

"Sir bakit? Saan mo yan dadalhin?" tanong ko sabay turo sa mga grocery na binili namin kanina.

"Ibibigay sa pamilya mo!" sabi niya na ikinagulat ko.

"Sir naman! Nag abala ka pa na bilhan kami. Sana wag nalang. Ang rami pa niyan oh!" sabi ko ulit.

"Nicole please! Gusto ko lang tumulong ok? kahit ngayon lang." sabi niya.

"Ewan ko sa iyo sir." sabi ko at nag lakad na iniwan ko siya.

"Hey! Nicole! Wag mo akong iwan!" sabi niya sa akin noong hinahatak ko na ang daan papunta sa bahay namin.

"Saan bahay niyo dito Nicole?" tanong ni Sir sa akin.

"Dito po sir." sabi ko at itinuro ko sa kanya ang daan kung saan ang bahay namin.

Nauna akong naglakad tapos sinusundan ako ni Sir. Tapos yung mga tao dito? Tinitignan kami. Hindi ko alam kung bakit.

At sa wakas nasa bahay na kami! Na miss ko rin to kahit kahapon lang ako nawala sa bahay namin.

Hinintay ko si Sir Prince para sabay kaming pumasok sa bahay at ipapakilala ko siya. Ang bagal kasing lumakad eh.

Tapos noong makarating na siya kung nasaan ako.

"Nicole diyan ka nakatira?" tanong ni sir Prince.

"Opo sir yang kahoy na bahay na yan? Yang bahay kubo na bahay? Diyan ako nakatira." proud na sabi ko.

Tapos tinignan ko siya. Parang na shocked siya? Parang nandiri ganun.

"Sir! sabi ko po sa iyo. Wag na sana kayong pumunta dito at ako nalang po ang pumunta. Parang ayaw niyo pong pumasok eh."

"Anong hindi Nicole? Tara pasok na tayo!" sabi niya at nauna ng lumakad. Napipilitan lang siya. Hay jusko!

Pumasok na kami sa bahay. At yung nanay ko ang unang sumalubong sa ammin.

"Ahy! Ahy! Nicole Nicole! Anong ibig sabihin nito? Mag aasawa ka na ba? Punyeta! Nawala ka lang kahapon tapos may asawa ka ng dala? Wag mong sabihin na buntis ka punyeta." sigaw ng nanay ko. Ganyan yan kapag mag sermon. Hintayin niyo "punyeta" nanaman sasabihin niyan. Adik yan sa punyeta na salita eh.

"Ma naman hindi ko siya asawa. Boss ko siya." sabi ko.

"Ahy punyeta! Sorry sir hindi ko po alam eh. Ba't di mo kasi sinabi?"

"Paano ko po sasabihin kung baril ng baril yang bunganga niyo!" galit na sabi ko.

"Sige lang mag ingay kayo! Alam niyo na ngang may bisita tapos ganyan pa kayo!" sigaw ng kuya ko habang may ginagawa siya.

"Eh ito kasing kapatid mo. Dinala pa niya tong amo niya dito! Di lang nahiya na ipakita tong bahay natin."

"Ahm mawalang galang po. Hindi po si Nicole ang nag udyok sa akin para sumama, kundi mismo sarili ko po ang nag udyok para sumama kay Nicole. At ako po si Prince Uno Anderson po. At ito po grocery binili ko po para sa inyo." sabi ni Sir Prince sabay bigay sa grocery na binili namin kanina. Shit nakakahiya naman.

"Ahy salamat punyeta!"

"Ma naman! Itigil mo nga yang punyeta mo!"

"Ay punyeta may bisita nga pala sorry." sabi ni Mama at umalis na siya.

Tapos si kuya kinausap muna si Sir Prince habang ako naman ay nagliligpit ng gamit ko.

••••••••••
Prince Uno Anderson POV

Lumabas kami ng kuya ni Nicole para mag usap. At para magtanong na rin ng mga tanong tungkol kay Nicole.

"Ahm. Kuya pwede po bang paki describe si Nicole? Para naman may alam ako tungkol kay Nicole bilang boss niya?" tanong ko.

"Ah si Nicole? mabait yan na kapatid ko. Valedictorian yan since elementary hanggang high school. Hindi siya nag college dahil hindi namin makayanan yung gagastusin sa gusto niyang kurso kaya mas pinili na niya ang mag trabaho. Kahit na simpleng trabaho lang gusto niyang pasukin para lang maka tulong siya sa pamilya at maka ipon ng pera para may pang aral siya kung darating yung araw na nakapag ipon na siya para maitapos niya yung kursong gusto niyang tapusin." paliwanag ng kuya niya.

"Ahm. Pero nag ka boyfriend na po ba si Nicole?" tanong ko.

"Hindi pa. Sana nga may maging boyfriend na nga siya. Ako naka ilang ex na ako pero yang kapatid ko wala pa ni isa. Pero kapag crush marami yan. Mas pinipili niya kasi ang pag aaral niya keysa sa pag ibig."

"Eh itong bahay po. Wala po ba kayong balak na palitan what I mean is. I pa renovate man lang o ipaayos?" sunod kong tanong.

"Kapag kami ni papa at mama wala kaming balak na ipaayos basta may silungan lang kami at may matulugan ng maayos ok na sa ammin yun, pero kapag yang si Nicole? Binabalak niya na ipaayos tong bahay namin. Kaya siya lumuwas ng Manila para mag ipon. Kasi hindi naman kaya ng ama namin na palitan ang bahay namin kasi kulang naman ang kita niya sa pangingisda. Minsan nga sinasabi sa ammin ni Nicole na lahat ng bahay dito gagawing niyang bahay na simento kapag naging mayaman na daw siya. Kaya nga proud na proud ako sa kapatid ko na yan." sabi ng kuya niya.

Ganun ang pangarap ni Nicole. Hindi lang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang pamilya at para sa kanyang kapwa tao.

Isa rin palang siyang Valedictorian pero hindi na siya nag college dahil sa financial problem. Ang sayang talaga ni Nicole. Pero ngayon? Babaguhin ko siya. Tutuparin ko ang mga pangarap niya.

Mahal ko na talaga siya eh. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kahit na gaano siya kahirap mamahalin ko siya. Dahil ako? hindi ganda sa mukha ang tinitignan ko. Kundi ganda sa loob looban o ganda ng kanyang ugali.

Ganun ang tipo ng babae ang gusto ko. Simple pero mabait at magaling.

I'm His Maid Slash GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon