• 25 •

453 9 0
                                    

CHAPTER 25
Prince Uno Anderson POV

Makalipas ang dalawang araw......

Umamin na ako. Umamin siya. Pero walang nangyari kundi umiyak dahil sa sakit na aking nararamdaman. Mas mabuti na umamin na ako ngayon. Keysa naman na habang buhay ko na ililihim ang nararamdaman ko. Kaso wala eh. Mahal na talaga niya yung kapatid ko. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat ng iyon.

Baka kung umamin ako noon baka masaya na kami ngayon. Kaso bawal nga sa akin ang magka relasyon pero mahihintay ko naman sana yung right time na pwede na akong mag ka relasyon para liligawan ko sana si Nicole. Kaso may naka agaw na.

Sana hindi ko nalang siya nakilala agad. Sana hindi nalang siya nakita ng kambal ko. Sana yung right time na hinihintay ko doon din sana siya nagpakita pero parang maaga masyado na nag pakita siya sa akin.

"Uno! Ready na ang mga gamit mo." sabi ni Manang Doring.

"Sige manang pababa na po ako." sabi ko.

Huling sulyap sa aking kwarto. Malamang mami-miss ko itong kwarto ko. May mga alaala rin kaming nagawa ni Nicole dito. At pagkatapos kong tignan ng ilang segundo ang aking kwarto lumabas na ako.

Ngayon sa guest room naman ako kung saan ang kwarto ni Nicole. Wala siya dito kundi nasa office na siya. Para mag trabaho. Hindi niya kasi alam na nandito pala ako sa mansion. Nagtatago ako eh. Ayaw ko siyang makita. Dahil mas lalo lang akong masasaktan.

Huling sulyap sa kwarto niya. At lumabas din ako agad. Bumaba ako sa living room. At sa kitchen at sa dining room lahat binigyan ko ng huling sulyap.

Nasa labas na sila at ako nalang ang hinihintay nila. Lumabas ako. At ayun na nga. Meron si Manang Doring, Vanessa, at si Dos tanging si Nicole lang ang wala. Sinabi ko rin naman sa kanya kaso parang hindi niya gustuhin na pupunta siya para ihatid ako.

Huling sulyap sa Mansion. Kumuha ako ng litrato ng aming mansion. At malamang nag picture din ako.

"Ohhh! Uno. Wag kang maging makulit doon!"

"Opo naman po manang! Kayo po bantayan niyo po tong mansion. Alam niyo naman po si Dos." sabi ko at tumingin pa ako sa kanya.

"Hoy! Mabait ako! Tang ina ka."

"Basta yung sinabi ko sa iyo Dos. Wag na wag mong sasaktan si Nicole. Magawa mo lang na saktan siya. Aagawin ko talaga siya sa iyo."

"No problem bro. Na sa akin na papakawalan ko pa ba?" sabi niya.

"Oh! Siya punta na ako. Wag na kayong sumama pasa airport baka hindi niyo ako pakawalan kapag nandoon kayo. Sige na mauna na ako! Walang iiyak!" sabi ko.

At sumakay na ako sa kotse. Malamang may driver. Pumasok ako sa kotse. At sinulyapan ko yung mansion.

"Paalam" sabi ko na rinig lang ng aking sarili.

Aalis ako para mawala na yung sakit at para makalimot na rin kung sakaling kaya ng puso at isipan kong kalimutan. Pero ang labo na makakalimutan ko yun. Dahil lahat ng ng mga alaala ay tumatak sa isipin at puso ko. Ang pagmamahal ko kay Nicole ay totoo.

••••••••••
Nicole Morales POV

Malapit na ako sa bahay namin. Dahil tinawagan ako ng mga magulang ko na kailangan ko daw umuwi. Pero hindi nila alam sa mansion na papunta ako sa bahay. Ang pagka alam nila ay nasa office ako.

Alam kung aalis ngayon si Uno. At kailangan ko talaga siyang palayain o palusutin. Tama nga yung sinabi niya na mas ikakaligaya namin yun at para wala ng masaktan.

Baka kasi kung pupunta pa ako ay hindi na siya tutuluyang aalis pa.

Hindi ko namalayan na nahatid na pala ako ng driver ko. Yes. Dahil hindi ako kasama ni Dos ipinagkasundo niya ako sa driver.

Palakad na ako sa bahay namin. At laking gulat ko na ang raming tao. Sabay sabay silang tumingin sa akin at nakita ko yung ngiti nila.

At kung hindi ako nagkakamali. Sila yung mga kapitbahay namin.

Noong makarating ako. Nakita ko ang isang bahay. Yung mga bahay na yun ay yung guhit ko lang noon na gusto kung tuparin. Laking gulat ko kung bakit nila nagawa ito.

"Mama Papa ano ito?" tanong ko sa kanila.

"Nicole. I cut mo muna yung ribbon para makapasok na tayo sa bago nating bahay." masayang saad ni papa.

"S-s-s-sige po" utal kong sabi. Yung bahay namin na kubo lang, ngayon ay naging isang semento na may dalawang palapag. Ito yung pangarap ko na bahay na ngayon ay natupad na.

Hindi lang yung bahay namin kundi pati bahay ng mga kapit bahay namin. May 15 pamilya dito na kasama namin. At kinse na bahay ang napatayo na dikit dikit. Parang apartment ganun?

Noong na cut ko na ang ribbon. Sayang saya ang pamilya na pumasok sa kani kanilang bagong bahay. Ang saya naman kasi ng ganito. Dahil ang isang kubo na bahay noon ay naging semento na ngayon.

Pagkapasok namin kumpleto na rin sa loob ang mga gamit. At may nakita akong regalo sa sala.

"Nicole upo tayo." sabi ni mama.

Umupo naman ako.

"Alam namin nagulat ka sa iyong nakita. Alam mo ba kung sino ang nag pagawa ito?" sabi ni kuya.

"Sino po?" simple kong tanong.

"Si Uno." sabi ni mama na ikinagulat ko.

"Si Uno ang nagpagawa nito kasi alam niya na pangarap mo to. Kaya ito ang regalo niya sa iyo. Tapos may pinapabigay siya itong regalo na to." sabi ni mama tapos binigay sa akin yung regalong nasa sala.

"Alam namin na lumipad na siya. Patungo ng Amerika. At alam namin ang away niyo dahil nakikita namin kayo noon." sabi ni Papa.

"Punta ka na sa kwarto para buksan yan regalo mo. Kailangan ikaw lang makakita niyan sabi niya." sabi ni Kuya.

Dahil sa excitement ko bilis akong tumakbo sa taas at pumunta sa kwarto. Bilis kong binalatan ang regalo.

Nakita ko isa itong diary.

Binuklat ko ang diary. At binasa ito. Hindi ko akalain na si Uno ay may Diary hahahaha. Napatawa ako doon ah. Sa ganitong katanda niya alam pa rin niyang mag diary. Kakaloka siya!

I'm His Maid Slash GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon