• 18 •

470 11 0
                                    

CHAPTER 18
Nicole Morales POV

Makalipas ang isang buwan.....

Matagal tagal na nga rin ang isang buwan na hindi ko nakita si Uno. Kasi si Dos lang talaga ang nakikita ko kasi palagi siyang bumibisita dito sa hotel na tinutuluyan namin. Kasi yung secret admirer ko talaga na si Hana palaging may iniiwan sa harap ng pintuan. Ang rami na niyang naibigay sa akin. Kaso hindi ko pa siya nakikilala. Gusto ko siyang makilala. Kapag meron si Dos andun din yung secret admirer ko. Hay Dos. Bakit di pa niya I direktong ibigay sa akin at hindi na ibinibigay na may surprise pa.

Tapos yung party ok na siya ready'ng ready na. Ang kulang nalang is yung mga bisita. Ang motif ng Anniversary Party ng Anderson Company is Black and White kasi yun ang motif color ng mga business na pinapatakbo ng Anderson Company. Katulad ng 'Moon Light Café'.

Masquarade ang Party then may Paris na design. Like night in Paris. Yung may Eiffel Tower pa na gawa gawa lang na pwedeng akyatin hanggang sa taas.

"OMG I'm so excited for this night event. Hayst! yung pinag hirapan natin ay may bunga na." sabi ng isa kong kasama.

"Oo nga yung gown ko nga gusto ko nang gamitin." sabi pa ng isa kong kasama.

At ako? Wala pa akong gown na gagamitin. Kaya minabuti ko munang uwuwi sa Mansion para tignan yung maleta ko kung may maganda ba akong damit na gagamitin mamaya. Kahit na hindi ako mag gown basta may gagamitin akong maganda. Wala naman akong pera para umupa ng gown kaya simplehan nalang natin yung damit ko.

••••••••••

Mansion.....

Hasyt! Namiss ko tong mansion na to. Kay tagal na din akong hindi umuwi dito at nakaka miss nga naman.

Nakita ko nakapark yung kotse ni Sir Uno sa parking lot. Kaya alam kung nandito siya. Walang work kasi naghahanda na sila para sa party mamaya.

Pagkapasok ko ang sumalubong ay si Manang Doring.

"Ohhhh!! Nicole!! Na miss kita!!!" sabi ni Manang Doring lumapit pa ito sa akin para yakapin at ibeso beso.

"Ako rin po manang na miss ko po kayo!" sabi ko habang yinayakap ko siya.

"Manang si Dos po?"

"Ahhh. Lumabas siya. Hindi ko alam kung nasaan siya. Pero si Uno nanjan sa kwarto niya. May kasamang bading."

"Bading manang? Kasama niya?"

"Oo, alam mo na party ngayon diba? Siya rin kasi ang mag me-make up sa akin." paliwanag niya.

"Sasama ka manang?"

"Oo naman Nicole, madaming nakakakilala sa akin at alm ko na hahanapin na hahanapin nila ako. Kaya nga excitec na nga din ako. Magiging dalaga nanaman ako mamaya!! Hihihi!!"

"Feeling ka manang!! Hahah!"

"Heto namang Nicole. Minsan lang to sa isang taon no!"

"Sige manang. Punta lang po ako sa taas." pag papaalam ko.

Papunta na ako sa taas at nadaanan kung naka bukas yung pinto ni Sir Uno.
Nakita ko siya na sinusukatan siya ng isang bading. Tumingin ako kay sir Uno tapos noong tumingin siya yumuko ako. At umalis. Binuksan ko ang kwarto ko at malinis pa rin ito at baka linilinisan ni Vanessa o Manang Doring dito noon wala ako. Pero bigla akong napatigil ng may nakita akong naka tayo sa kwarto ko.

May isang Ball Gown na kulay itim na may white and silver linings. Naka suot ang gown sa isang mannequin. At sa may kama ko nandoon ang aking black heels at may isang maskara na kulay itim na may glitters na kulay silver. At may feathers ito na puti. At sa tabi nito ay isang sulat. Kinuha ko ito para basahin

~~~~~

Nicole,

Use this gown please. I bought this for you. Please use it for me. See you later! I love you.

- Hana

~~~~~

Hay jusko Dos. Halatang halata naman siya. Hana pa talaga ang naiisip na pangalan ha.

Bumaba ako sa kitchen dahil tanghali na nga kaya mag lu-lunch ako dito. Hihintayin ko na rin ang oras hanggang sa mag re-ready na ako. Dito nalang ako sa mansion mag ready.

Pagkababa ko. Nakita ko si Uno. At yung bading na fashion designer. Tapos si Manang Doring sa gitna.

Wala ng space kundi sa tabi lang ni Uno kasi nasa tabi ng beki yung make up kit niya. Marami pa naman vacant na upuan alangan naman na magpapakalayo ako na umupo?

Napansin ko lang na wala si Vanessa. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Yung bitch na yun hindi ko na alam kung saan nag susok-sok.

Umupo ako ngunit hindi ako pinansin ni Uno at tuloy pa rin siya sa kanyang pagkain.

"Heto po ba ang sinasabi niyong Nicole?" tanong ng Make-up artist.

"Oo siya nga!" sabi ni Manang Doring.

"Hala girl! Excited na kitang make up'n ang ganda mo naman!" sabi niya sa akin.

"Hala! Salamat po sa iyong pagpupuri."

Nakisalo na ako at kumakain na kami.

Hindi natin maiiwasan ang pag bangga ng mga siko namin ni Sir Uno kaya medyo naiilang ako. Pero siya he act normal.

"Nicole, Uno. May away kayo?" biglang tanong ni Manang Doring.

Wala ni isa sa ammin ang kumibo. Kundi tuloy pa rin kami sa pagkain.

"Mukhang alam ko na ang sagot." sabi nanaman ni Manang Doring.

"Alam niyo? kung ano man ang iyong pinag aawayan dapat lutasan niyo hindi yung babaunin niyo hanggang sa libing niyo. Masama ang naglilihim ng away mas lalo na kapag wala kayong kasama at kayo nalang ang natitira baka mag awayan kayo ng husto at magpatayan. Ano ang silbi ng salitang 'FORGIVE' kung hindi naman natin ina-apply sa ating sarili. Kaya kayo kung ano man ang away niyo. Pag usapan niyo. Hindi naman masama ang mag labasan kayo ng galit basta wag lang ang pisikalan." sabi ng make-up artist.

Nakatingin lang kami kay Sir Uno sa Make-up Artist.

At ilang sandali. Lumabas sa kitchen si Vanessa. Naka panlabas siya at may bitbit na heels na itim. Baka gagamitin niya mamaya.

"Hi Uno!" sabi nito.

"Hi Vanessa! saan ka nanggaling? Hindi ka man lang nag paalam?" tanong ni Uno.

"May binili lang ako na heels oh. Gagamitin ko mamaya." sabi nito.

So sasama pala siya.

"Oh! May bisita pala tayo" sabi nito wala akong magagawa nasa tabi ko ang boyfriend niya.

"Hoy! Vanessa! Umayos ka!" sabi ni Manang Doring. At nakita ko sa mukha ni Manang Doring na parang ayaw niya si Vanessa.

Binilisan ko na ang kumain para maka alis na nga rin ako at mag pahinga para mamaya mag papa make-up na ako. Ready na akong mamayang gabi.

Ready na akong ipakita ang gandang aking tinatago. Ang gandang hindi pa nakikita ng karamihan.

Nicole Morales I will be the shining star tonight.

I'm His Maid Slash GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon