BANATAN GAMIT ANG SALITANG KAPE

91 3 0
                                    

𝘽𝘼𝙉𝘼𝙏𝘼𝙉 𝙂𝘼𝙈𝙄𝙏 𝘼𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙋𝙀
𝘸𝘳𝘪𝘵𝘵𝘦𝘯 𝘣𝘺: 𝘗𝘢𝘪𝘨𝘦 𝘋𝘢𝘦𝘯𝘦𝘳𝘺𝘴

Dahil walang teacher ngayon, naisipan ng president namin na maglaro. Ang laro ay "Palakasan bumanat, pag natalo sila cleaners" at kung mamalasin ka nga naman, kapartner ko pa si Steve, yung crush ko.

"Mauunang bumanat si Steve, oh Percy wag kang marupokpok ah! itaaas ang bandera ng kababaihan! itapon ang karupokan!" sigaw ng president naming si Kiesha.

"Percy, kailangan mo ng magkape"

"Ha? hakdog. Bakit?"

"Kailangan mo ng kapeng matapang para ako'y iyong ipaglaban" agad na naghiyawan ang mga baliw kong classmate dahil sa kapeng matapang ni Steve.

Aba aba, syempre hindi ako papatalo at may baon din akong kape.

"Steve."

"Oh bakit?"

"Alam mo kung anong kape ang gusto ko?"

"hindi" at agad na nagsitawa ang mga mabababaw kong classmate sa pamimilosopo ni Steve.

'Mga yawa.' bulong ko.

"Punyeta ka! sabihin mo kase ano" urat kong sabi sakanya. Hays, baka masira pa banat ko ne'to at ako pa ang mabanatan mamaya.

"HAHAHAHA oh ano nga?"

"Ang gusto kong kape... ay yung makapeleng ka" agad na naghiyawan at pinagaasar ng buong section si Steve dahil bigla syang namula.

'Oh ano ka ngayon koopal! HAHAHA' bulong ko ng may kasama pang ngisi.

"Alam n'yo. Ang kokorni n'yo! Dun kayo! kayo maglinis mamaya mga love birds na mais" sigaw ni Mam. Nagulat kami sa biglang pagsulpot ni mam na nakapameywang pa at nakatingin samin ni Steve.

"Pesteng yawa ka Kiesha. pakana mo to eh"

----------------------------
Thank you for reading!
@pahinaaa_

PS. Ayan ang tips pano banatan si crush para instant bebe.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now