𝙏𝙃𝙀 𝙃𝙊𝙍𝙍𝙊𝙍 𝘾𝘼𝙑𝙀
𝘸𝘳𝘪𝘵𝘵𝘦𝘯 𝘣𝘺: pahinaaa_si Yella at Sigrid ay mags-sleepover daw sa bahay namin, agad akong pumayag at dinalo sila papunta sa bahay.
"Paige ang weird talaga nung Groundwater Well n'yo sa likod ng bahay" sabi ni Yella.
"Oo nga, Paige. Kanina kase habang nagluluto ka sa kusina, naglibot-libot muna kami ni Yella sa likod bahay n'yo tapos nakita namin yung Groundwater Well syempre nilapitan namin dahil nasa Modern Subdivision kayo pero may Groundwater Well kayo sa likod, lumapit kami at sumilip kung may tubig ba pero wala," sabi ni Sigrid.
"Sinukan din naming maghulog ng barya para marinig ang tubig sa baba pero nagulat kami dahil tunog ng baryang nahulog sa simento ang nilikha nun" dagdag pa ni Yella.
Dati pa man ay hindi ko pa nakitang kumuha ng tubig mula sa Groundwater Well si Mama at Papa, minsan ko na rin silang natanong tungkol dito pero ang sagot lang nila ay "Dapat lagi itong inaalagaan, Paige. Iniwan itong yaman sa'tin ng lolo at lola mo" which is hindi ko naintindihan. Sinabi ko nalang na napabayaan na ang Groundwater Well simula nung mamatay si Mama last year sa hindi malamang dahilan.
"Ang creepy naman pero ba't hindi mukhang malungkot si tito Kayden?" tanong ni Sigrid. Kahit ako rin ay nagtataka kay Papa, simula kase nung namatay si Mama ni bahid ng lungkot sa mata n'ya ay wala akong nakita.
"Hindi ko alam pero ano ba kayo! Andito kayo para magenjoy kaya tama na yan, akyat nalang tayo sa kwarto at manood ng Netflix" sagot ko nalang para matigil na ang usapan namin. Hindi pa kase ako nakakaget over sa pagkamatay ni Mama.
---------------
Buong magdamag kaming nagnood at kumain sa kwarto ng biglang magpaalam si Sigrid na iihi raw s'ya, itinuro ko naman sakanya ang daan papuntang cr para hindi s'ya maligaw.
Maya-maya pa'y bumalik na si Sigrid pero bakas ang takot at kaba sa mukha n'ya, para s'yang nakakita ng multo dahil namumutla na rin ang mukha n'ya. Tinanong namin s'ya kung anong nangyari at sumagot s'yang may nakita raw syang anino sa likod ng bahay na bumaba patungong Well, baka raw ay magnanakaw ito na akalang may makikuhang pera/barya sa baba. Agad akong nataranta at tumakbo papunta sa kwarto ni Papa pero wala si Papa roon. Hinanap namin s'ya pero hindi namin s'ya nakita kaya napagdesisyonan na naming kami nalang ang titingin.
"Paige.. sure ka bang pupuntahan natin yun?" tanong ni Sigrid. Agad agad akong tumango at sumagot ng "Oo, paano kung may masamang nangyari kay Papa? Sigrid, nagaalala lang ako"
Hindi na sila nagtanong at sumunod nalang sakin papuntang well, paglapit namin dito ay sinalubong kami ng masangsang na amoy na mukhang nang gagaling sa loob ng well. Agad agad naming inilawan ang well at nagulat dahil hindi tubig ang narito kundi isang patag na lakaran na tilay isang kweba.
"P-paige.. akala ko b-ba well to..?" nanginginig na tanong sakin ni Yella, baka ang takot sa mukha nila ni Sigrid.
"H-hindi ko rin alam" sagot ko.
Kahit na natatakot ay pinalit parin naming bumaba at sundan ang bakas ng sapatos ni Papa. At nagulat kami ng makita namin s'yang naroon sa dulo at tinitignan ang mga lamang loob ng tao na nakalagay sa jar, agad na bumaliktad ang sikmura naming tatlo at hindi alam ang gagawin.P
"P-pa.." natatakot man ay pinilit kong magsalita, bakas sa'king mukha ang pagtataka.
"Anak mabuti naman at nakapunta ka na rin dito." masayang bati sakin ni Papa.
"P-pa.. bakit may ganyan dito?" tanong ko.
"T-tito.. k-kanino yan?" tanong ni Sigrid.
"T-tito.. s-sa tao ho ba iyan?" tanong ni Yella.
"Hindi ka ba nasisiyahan sa nakikita mo ngayon Paige? Hindi ka ba nasisiyahang makita ang Mama mo?" at ngumisi s'ya ng nakakakilabot habang nakatingin sa mga mata ko.
----------
Work by Imagination
Typographical & Grammatical ErrorsPS. Q. May something din bang tinatago ang magulang n'yo? dapat na ba kayong kabahan?
A. well, no. fantasy lang po ito at gawa gawa lamang ng makulay kong pagiisip. have a nice day everyone!
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
ContoOneshot collection. Hope y'all like it! Random Story ft. Random Thoughts