𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙾𝚄𝚁𝚃𝙴𝙴𝙽
Nagdaan ang ilang araw ay nanatiling nagtatago pa rin kami ni Finn. Huwebes ngayon, tapos next week pa naman ang klase. I packed my things, kalakip na roon sa maleta ang mga Nursing books ko at mga school supplies. Konting damit lang ang aking dala, may naiwan pa naman akong mga damit roon sa condo ni Finn.
Bitbit ko pababa ang aking kulay berde na maleta. Nadatnan ko sa baba ng hagdan si Finn. He's wearing a simple white t-shirt and a white pajama. Wow ah, ako bihis na bihis at siya parang gustong matulog dahil sa porma niya.
Ngumiti siya sa akin at kinuha mula sa akin ang maleta. Sabay kaming nagmartsa palabas ng bahay. Naka park ang kotse niya sa harap ng aming bahay.
I noticed nasa labas pala si Mommy at Daddy. Si Daddy ay nakangiting pinagmamasdan kami, habang si Mommy ay napapaluha. Tama lang Mommy na mapapaluha ka, wala ng maganda sa bahay natin.
"Mamimiss ko kayo mga anak," emosyonal na wika ni Mommy.
"I'll take care of her, don't worry," sabi ni Finn sa aming mga magulang, at sa pagkuha ng mga bagahe ko, tila ba ang kanyang mga salita ay nagiging pundasyon ng tiwala na aming dala.
Sa backseat ng kanyang sasakyan, inilagay ni Finn ang aking mga bagahe at ang kanyang mga bagahe.
Binigyan ako ni Mommy Azarella ng isang mahigpit na yakap, ang kanyang mga mata'y naglalaman ng pagmamahal at pangangalaga. "Mag-iingat ka, anak. Tandaan mo, nandito lang kami palagi para sa'yo."
"Thank you, Mommy." sabay yakap ko sa kanya.
Si Daddy Sergio naman ay lumapit kay Finn, ang kanyang mga mata'y naglalarawan ng isang ama na nagtitiwala sa kanyang anak. "Ingatan mo siya, Finn. Alam kong magiging mabuting gabay ka sa kanya."
"Dad, I'll make sure she's safe and happy," sagot ni Finn, ang kanyang pagkakatigil ay naglalarawan ng respeto at determinasyon.
Sa pagpasok sa loob ng kanyang sasakyan, I fasten my seatbelt. Ganoon din ang ginagawa ni Finn. Sinara ko ang pinto. Ang kanyang mga mata'y bumaling sa akin, at sa kabila ng tumubo na takot, ay nakakaramdam ako ng isang kilig na nagiging daan sa pag lago ng aming pagsasama. "Ready ka na, Summer?"
"Oo, ready na ako." sagot ko.
Habang nagb-byahe kami, hindi ko maiwasan na tumingin sa labas. Not for sugar coating, madami pala talagang magagandang lugar sa lugar namin. Hindi lang ako pala gala kaya hindi ko man lang na discover agad at 'di man lang ako nakapag picture.
At sa paglipas ng oras, ang aming byahe ay napaka haba, sapagkat nagka trapik. Dati-rati hindi naman ganito, sobrang malaki ang espasyo ng kalsada, kaya makakalusot-lusot ang mga maliit at malalaking sasakyan, at tapos ngayon kahit malaki ang espasyo ng kalsada sobrang trapik pa din.
Ilang minuto ang lumipas ay huminto ang sasakyan ni Finn sa harap ng condominium building. Sabay kaming lumabas. Dumiretso agad siya na binuksan ang backseat. Kinuha niya ang mga bagahe namin. Hawak kamay kaming nagmartsa papasok sa building. Okay lang naman, wala naman nakakakilala sa amin dito.
YOU ARE READING
Taste Series #1: Taste of Love
Romance[R+18] Natunaw ang puso ni Summer nang umibig siya sa kanyang Stepbrother, at ang kanilang lihim na pagmamahalan ay nasa bingit ng ipinagbabawal na pag-ibigan. Habang nag-uunawaan ang kanilang mga damdamin, dumaan sa mga hindi inaasahang pagliko ang...