𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝚈- 𝚂𝙸𝚇
Ang tahimik ng paligid, tanging mga huni ng ibon lang ang naririnig. Tinungo ko ang lamesa kung saan nakakalat ang mga libro at notes ko para sa nursing school. Kailangan ko nang tapusin ang mga ito. Nag-inat ako at sinimulan na ang pagsusulat.
Habang abala ako, narinig kong bumukas ang pinto. Dumungaw si Aaron, naka-asul na kamiseta at may bahid ng lupa sa pantalon. Ngumiti siya sa akin, at ang mga mata niya ay kumikislap sa sikat ng araw.
"Good morning, Enya," bati niya habang papasok sa loob.
"Good morning," sagot ko, hindi mapigilang ngumiti rin.
"Babalik ka na sa farm ngayon?"
Tumango siya at tumabi sa akin, tiningnan ang mga ginagawa ko. "Yeah, kailangan nang asikasuhin ang mga strawberry. Malapit na ang harvest."
Nakita ko ang excitement sa mga mata niya. Si Aaron talaga, kapag tungkol sa farm, parang bata kung magsalita. "Good luck, ha," sabi ko, tinapik ko ang braso niya. "Huwag masyadong mapagod."
"Ikaw rin," sagot niya, hinawakan ang kamay ko sandali.
"Huwag mong pwersahin sarili mo." dagdag niya.
Tumango ako, hinigpitan ang hawak sa ballpen. "I'll try."
Umalis na si Aaron at bumalik ako sa pagsusulat. Ngunit sa bawat saglit, nararamdaman ko ang pangungulila. Siguro dahil ay nasanay na 'ko na si Finn ang palagi kong kasama-hindi si Aaron.
Makalipas ang ilang oras, narinig ko ang pagbukas muli ng pinto. Bumalik si Aaron, dala ang isang basket ng strawberries. Napuno ng bango ng prutas ang paligid. Napangiti ako, alam kong ang mga strawberry na ito ang pinagmamalaki niya.
"Inihanda ko 'to para sa'yo," sabi niya, inabot ang basket.
"Fresh from the farm." he added.
Kinuha ko ang isang strawberry at kinagat ito. Matamis, kasing tamis ng mga ngiti niya. "Thank you," sabi ko, sabay ngiti.
Umupo siya sa tabi ko, pinapanood ako habang nag-aaral. Nararamdaman ko ang kanyang presensya, nakakatulong ito para mas mag-focus ako. Sa bawat sulat ko, sa bawat sagot sa mga tanong, ramdam ko ang suporta niya.
"Okay ka lang ba?" tanong niya nang makita niyang napapahinto ako.
"Yeah, just tired," sagot ko, nag-inat ako ng kaunti. "Pero kaya 'to."
Lumapit siya at niyakap ako mula sa likod. "Kaya mo 'yan. I'm here for you."
Niyakap ko rin siya pabalik. "Thank you, Aaron."
YOU ARE READING
Taste Series #1: Taste of Love
Romansa[R+18] Natunaw ang puso ni Summer nang umibig siya sa kanyang Stepbrother, at ang kanilang lihim na pagmamahalan ay nasa bingit ng ipinagbabawal na pag-ibigan. Habang nag-uunawaan ang kanilang mga damdamin, dumaan sa mga hindi inaasahang pagliko ang...