Chapter 35

63 29 10
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝚈-𝙵𝙸𝚅𝙴

Napatulala ako habang hawak ang aking labi, habang nakaupo sa gilid ng kama. Ang init ng halik ni Finn ay parang dumadampi pa rin sa aking labi. Para bang ang bawat halik niya ay nag-iiwan ng bakas, hindi lang sa aking labi, kundi sa puso ko rin.


Pagkatapos ng reunion, napagdesisyunan namin ni Aaron na makitulog muna sa bahay ni Mommy at Daddy. Nagpasya na doon na muna kami magpalipas ng gabi. Maagang-maaga pa lang ay nagising na ako, puno ng kaba sa dibdib dahil sa paparating na pagbalik namin sa Chicago. Inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ang photo album ni Mama na matagal nang nasa akin.

Lumabas ako ng kuwarto, dala ang isang maleta at ang photo album. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko sina Mommy at Daddy na kausap si Aaron. Napahinto ako sandali, pinagmamasdan sila. Si Mommy, nakatayo nang diretso, ang kamay ay nakahawak sa braso ni Daddy na nakaupo sa sofa. Si Daddy naman, tila nakikinig nang mabuti kay Aaron na para bang may sinisiyasat sa kanyang sinasabi.

Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa kanila. Lumingon sa akin si Aaron, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Ngunit alam kong sa likod ng ngiting iyon, may tinatago siyang kaba.

"Good morning," bati ko, pilit na binabalewala ang bigat ng aking kalooban.

"Good morning, anak," sagot ni Mommy. Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit. "Are you ready?"



"Yeah," sagot ko, bahagyang ngumiti. "Nakapag-impake na rin ako."

Nakita kong lumapit si Daddy at tinapik ang balikat ni Aaron. "Ingat kayo sa biyahe, ha?"

Tumango si Aaron. "Opo, Tito. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin dito."

"Walang anuman," sagot ni Daddy. "Basta, alagaan mo nang mabuti ang anak ko."


Naalala ko ulit yung nangyari sa amin ni Finn sa comfort room, naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Ngunit hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kanila, o kahit kay Aaron.

Or I should keep it to myself nalang.

Paglabas namin ng bahay, sinabayan ako ni Aaron hanggang sa kotse. Binuksan niya ang pinto para sa akin at tinulungan akong ipasok ang aking mga gamit.

"Are you okay?" tanong niya, na may bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata.

Ngumiti ako nang mahina. "Yeah, I'm fine. Just... thinking."

Pumasok na ako sa loob ng kotse, at sumunod si Aaron. Habang nagmamaneho siya, nakatitig lang ako sa bintana, iniisip ang bawat sandaling kasama si Finn. Ang paraan ng kanyang paghawak sa aking kamay, ang init ng kanyang titig, at ang halik na iyon. Isang halik na nagbigay ng bagong kahulugan sa bawat damdamin na matagal ko nang itinago.

"Enya," tawag ni Aaron, na tila nagising ako mula sa malalim na pag-iisip.

"Hmm?"

Taste Series #1: Taste of Love Where stories live. Discover now