Chapter 41

87 29 8
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙾𝚁𝚃𝚈-𝙾𝙽𝙴



Nagising ako sa banayad na sikat ng araw na tumatagos mula sa mga kurtina. Narinig ko ang mahina at malalim na hininga ng katabi ko. Agad kong naramdaman ang bigat sa aking dibdib nang mapagtanto kong si Finn iyon. Nakasuot na ako ng oversized na T-shirt at pajama na binigay niya kagabi. Ang init ng kanyang katawan ay tila nagbibigay ng kakaibang aliw, ngunit alam kong mali ito.

Walang pinag-iba, katulad ng dati, binibihisan niya 'ko pagkatapos mag-nevermind!

Dahan-dahan akong bumangon, pilit na hindi gumagawa ng ingay. Nakita ko siyang nakapikit pa, tila payapa ang kanyang mukha. Ramdam ko ang awa para kay Aaron, ang lalaking nagmamahal at nag-aaruga sa akin at sa mga anak ko. Ngunit hindi ko maikakaila sa sarili ko—nandun pa rin ang damdaming ito para kay Finn.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto, pinipigilan ang mga luha. Dumiretso ako sa guest room kung saan natutulog ang mga bata. Ang mga mukha nila ay tila mga anghel, payapa at walang alalahanin.

"Savannah, Fritz, Sanchai," bulong ko habang hinahaplos ang mga buhok nila. Napangiti ako, kahit pa ramdam ko ang bigat ng sitwasyon.




At least ngayon, tanggap ko na may kanya-kanyang buhay kami ni Finn. Kung dati hindi ko matanggap, ngayon ay tanggap ko na.



Bumalik ako sa sala, at doon ko nakita si Finn na nagising na rin, nakaupo sa sofa at tila nag-iisip ng malalim. Nakasuot siya ng puting V-neck shirt at gray na pajama pants, simple ngunit maayos tingnan. Tumingin siya sa akin, at sa sandaling iyon, parang huminto ang oras.




"Summer, we need to talk," sabi niya, ang boses niya ay puno ng lungkot at pangungulila.




"Finn, hindi ito tama," sagot ko, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko.




"Masaya na ako kasama si Aaron. Mahal niya ako at ang mga bata."





"But you still love me, don't you?" tanong niya, ang mga mata niya ay tila nagmamakaawa.





Hindi ako makasagot agad. Alam kong may katotohanan sa sinabi niya, ngunit kailangan kong panindigan ang desisyon ko.





"Finn, kailangan mong tanggapin na iba na ang buhay natin ngayon. Iba na ang mundo mo, at mas lalong iba na ang mundo ko. Naiintindihan mo ba 'yon?"






"Please, Summer," pakiusap niya, lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.




"I just want to be with our kids. Kahit bilang kaibigan lang, bigyan mo ako ng pagkakataon."





Tumango ako, pilit na ngumiti. "Finn, palagi kang magiging bahagi ng buhay ng mga bata. Pero hindi na kita kayang mahalin katulad ng dati. Kailangan ko nang bumalik kay Aaron."




Habang naglalakad kami papunta sa kotse, ramdam ko ang tension ngunit may kasamang pag-asa. Si Finn ang nagmaneho, habang nakaupo ako sa harap at ang mga bata naman ay nasa likod, masaya at walang kamalay-malay sa bigat ng sitwasyon.




Nang makarating kami sa bahay ni Aaron, agad akong nakaramdam ng kapayapaan. Nakasuot ako ng isang simpleng puting blouse at light blue jeans, at kahit paano'y ramdam ko ang init ng pagtanggap sa akin ng bahay na ito. Si Aaron naman ay nakasuot ng casual na polo shirt at shorts, tila laging handa sa kahit anong sitwasyon.




Taste Series #1: Taste of Love Where stories live. Discover now