Chapter 18

2.5K 29 0
                                    

Ngayon ay maayos na ang lagay ng binata at hindi na ito lasing kaya naman ngayon ay kakausapin nya na ito ng masinsinan para malaman nya na ang lahat ng gusto nyang malaman.

Hindi na sya makapag-hintay na malaman kung sino ang nag lagay ng sulat,kung bakit naging iba ang turing nito sa kanya matapos ng mangyari sa kanila,at kung ano ang ibig sabihin ng 'for your safety' na sinasabi nito.

Hindi sya si Madame Auring kaya kailangan nya ng kasagutan sa bawat katanungan nya kaya naman ngayon na ang tamang panahon para malaman nya iyon. Humugot muna ng hininga ang dalaga bago inumpisahang mag tanong sa binata.

"Sino ang nag lagay ng sulat ng umaga na magising ako?" Curious na tanong nya sa binata. Gusto nyang malaman kung sino iyon dahil nasaktan sya sa nabasa nya na kasinungalingan lang naman pala!

"The day you talk about that letter i got curious too kasi wala naman talaga akong alam. Habang nasa ospital tayo ay tinawagan ko ang kaibigan kong si Reigns para i-review ang CCTV Footage ng hotel room natin. We found out na si Krishaine ang nag iwan ng sulat na iyon,kung titignan mo ang sulat ay parang ako nga talaga ang nag sulat,parang sa'kin talaga pero nung ni review pa namin ay na pag alaman namin na pinagaya nya lang ang penmanship ko. Hindi kuha ng buo ang penmanship ko lalo naman ang signature ko." Mahabang paliwanag ng binata sa kanya.

So,si Krishaine na naman pala ang may pakana? Desperada talaga ito? Hindi nya akalain na nasaktan sya ng kasinungalingan nito at ayaw nya ng bilangin kung ilang beses na dahil umiinit lang ang ulo nya. Isinantabi nya muna ang namumuong inis at tsaka muling tinanong ang binata.

"Bakit naging iba ang pakikitungo mo sakin after ng nangyari? Bakit mas naging masungit at malamig ka?" Taas ang kilay na tanong nya sa binata. "Tsaka ano yung mga ungol na naririnig ko nun sa office mo huh?" Mataray na talaga na tanong nya sa binata. Hinimas muna ng binata ang braso at bewang nya na para bang pinapawi ang init ng ulo nya. Naka-upo kasi sya sa hita ng binata kaya naman di ito na hihirapan na mahawakan sya dahil ito ang gusto nito.

"I did that because i have a reason and that reason is i want you to be safe. Marami akong kaaway at ayaw kong gamitin ka nila sa'kin dahil ikaw ang kahinaan ko. Malakas akong tao pero kapag ikaw na ang usapan ay tila para akong sigarilyong na uupos. Ginawa ko ang bagay na yon dahil ayaw kong mapahamak ka,ayaw kong makakita ni isang gasgas man lang sa katawan mo dahil hindi ko alam kung gaano karaming dugo ang dadaloy sa kamay ko kapag na pahamak ka. Itinigil ko na ang pag kahilig sa pag patay ng tao pero kung para naman sayo ay kahihiligan kong muli. Tungkol naman sa mga ungol na naririnig mo sa opisina ko iyon ay nang gagaling sa cellphone ni Krishaine. Sinasadya nyang lakasan ang volume ng pinapanood nya para akalain ng kung sino na may nangyayari sa'min sa loob when the truth is nothing." Malambing itong yumakap sa kanya matapos mag paliwanag.

"Kung ganon,bakit hindi mo sya pinigilan?" Na iinis na tanong nya sa binata. Hinimas nitong muli ang braso nya bago nag salita.

"It's because i want you to go away. Gusto kong lumayo ka sakin para sa kapakanan mo pero di ko pala kaya na malayo ka sakin. Ayos na yung kasama mo ko para mabantayan kita." Naka-ngiting sabi nito sa kanya.


So,si Krishaine na naman? Ilang beses pa bang masasangkot ang pangalan nito sa bawat gulo? Talaga bang sinusubukan nito ang pasensya nya? Dahil kung oo ay talaga namang na uubos na ang natitirang pasensya nya. Namumuro na ito sa kanya kaya isa pa dahil talaga namang bibingo na ito sa kanya.

May humimas na mainit na bagay sa puso nya. Ngayon ay naiintindihan nya na ang sakripisyo nito sa kanya at luminaw na ang mga kasalanan sa kanya ng dalaga at talagang palaging na sasali ang pangalan nito at tila ba ang pangit pakinggan ng pangalan nito! Naiinis sya! May isa pa syang tanong sa binata.

Dominant Series 1:Marcus Adler CollinsWhere stories live. Discover now