Chapter 38

1.6K 25 0
                                    

Masayang nag luluto ang dalaga ng ihahanda para sa kaarawan ni Marcus habang ang binata ay masarap pa ang tulog.

"RN ayokong mag order na lang ng pagkain kung kaya ko namang lutuin." Pangungumbinsi nya sa kaibigan na kanina pang ipinipilit na mag order na lang daw dahil baka mapagod sya at mapano pa ang baby.

Kanina pang nandito ang lahat at hinihintay nya na lang na matapos na ang ginagawa bago gisingin si Marcus para sabay-sabay na silang kumain. Kanina ay tinatanong nya ang binata kung anong gusto nito para sa kaarawan nito ngunit ang sabi lang ng binata ay gusto lang nito ng simple kaya naman salo-salo na lang itong ginawa nila para sa kaarawan ng binata.

Hindi nag patulong ang dalaga sa pag luluto kahit pa gusto syang tulungan ng iba. Gusto nyang ipatikim sa binata ang luto nya at ito lang naman ang magagawa nya gayong ayaw naman nito ng party.

"Chyra Addison huwag mo na kasing ituloy iyang kapaguran na ginagawa mo." Hindi pa rin tumitigil ang kaibigan sa pamimilit sa kanya. Nilingon ito ng dalaga at bumuntong hininga bago muling sumagot.

"Kapag mahal mo ang isang tao hindi ka makakaramdam ng pagod lalo na kung para sa kanya ang ginagawa mong effort. Don't worry about me because i'm fine Roman Niccolo. Why don't you mind your own business hmm?" Pangungumbinsi nyang muli sa kaibigan.

Sumama ang timpla ng muka nito na tila ba naintindihan agad kung ano ang tinutukoy nya at hindi nito nagustuhan iyon. Hindi manhid ang dalaga para hindi maramdaman na may nangyayari dito at kay Elisiah.

Kanina pa nyang napapansin ang pag siring ng kaibigan sa binata na animo'y naiinis ito at halata naman kay RN na wala itong balak na suyuin ang dalaga. Ang tipo ni RN ay mahirap mahalin dahil kapag hindi nito gusto ang isang babae ay hindi talaga nito gusto,period yon.

Nararamdaman ng dalaga na may gusto si Elisiah kay RN pero deadma ang kaibigan nyang lalaki at tila naiinis pa sa dalaga.

May naalala ang dalaga ng kabataan nila. Naalala nya na matagal na nga palang gusto ni Elisiah si RN pero ang kaibigan ay tila mailap sa dalaga at ang sabi nito ay may nagugustuhan itong iba at iyon ang palaisipan sa kanila.

Napalingon silang dalawa ni RN sa entrada ng pinto ng may tumikhim at nakita nyang si Elisiah iyon. Agad na sumama ang timpla ng binata at ramdam nya ang pagiging malamig nito. Nakaka-isang hakbang pa lang si Elisiah papasok ay agad na lumabas ng kusina ang binata. Napatanga pa ang dalaga sa inakto ng binata.

Kahit kailan talaga ay walang pinag bago sa isang iyon. Buti nga ay ni minsan hindi sya nito sinungitan sa halip ay sweet pa nga sa kanya ang binata kaya nga madalas silang mapag kamalan na may relasyon.

"Hey,Ali. May problema ba kayo ni RN?" Nag tatakang tanong ng dalaga sa kaibigan nya.

Nagulat na lamang sya ng bigla sya nitong niyakap at humagulgol ito sa kanyang balikat. Binitawan ng dalaga ang hawak na sandok at maingat na hinimas ang likod ng kaibigan.

Hinayaan nyang umiyak ito sa kanyang balikat habang sya ay hinihimas-himas ang makinis nitong likod.

Ang karamihan sa mga lalaki ay nagkaka gusto sa kaibigan nila dahil sa taglay na ganda nito. Para itong buhay na barbie kung tutuusin at masasabi nyang walang hihindi dito maliban na lang kay RN.

Ilang minuto silang nanatili sa ganong posisyon bago ito bumitaw sa yakap nya at parang batang pinunasan ang mga luha gamit ang mamahaling tissue paper nito.

"Do you have a problem? You can tell me Ali para naman hindi ka umiiyak ng ganyan." Naka-ngiting tanong ni Chyra na tila inaalo pa rin ang dalaga. Sandaling sinilip ni Chyra ang niluluto at ng hindi pa luto ay hinayaan nya na muna iyon. Iyon na naman ang huli nyang niluluto eh kaya wala naman ng problema.

Dominant Series 1:Marcus Adler CollinsWhere stories live. Discover now