Chapter 28

1.5K 28 0
                                    

Nasa hotel room nya ngayon si Chyra sa isang sikat na hotel sa Italy. Nalaman nya lang na sa Italy ang punta nila ng tanungin nya ang isang flight attendance habang tulog ang katabi nya. Mag isa lang sya sa hotel room at nagugutom na sya.

Lumabas sya para sana ayain si JD kaya lang ay si Andrew ang nakita nya kaya naman ito na lang ang inaya nya. Mabait naman na sinamahal sya nito sa isang sikat na restaurant. Ang alam nya ay na feature na rin itong Osteria Francescana.

Osteria Francescana is a restaurant owned and run by Chef Massimo Bottura in Modena,Italy. As of 2018,Osteria Francescana has been named as the best restaurant in the world's 50 Best Restaurant.

Ayaw nya sanang dito kumain dahil mahal ang mga pagkain dito ngunit mapilit ang kanyang kasama.

"Andrew,doon na lang kasi tayo sa murang kainan dito sa Italy." Pilit na sabi nya sa binata. Huminto muna ito sa pag bukas ng pinto at nilingon sya.

"Dito na lang tayo. Gutom na rin ako at hindi ko na kaya pa na mag punta pa sa ibang restaurant kung nandito na rin naman tayo." Matapos nitong sabihin iyon ay nag pout ito. Parang bata.

Napa-buntong hininga muna sya bago tumango. Ngumiti naman ito ng malaki tsaka binuksan ang pintuan ng restaurant. May guard naman pero mukang hindi napansin ang pag pasok nila kaya naman ito na lang ang nag bukas.

Agad na humanap sila ng mauukupa na lamesa at agad naman silang naka-hanap. Itinaas ni Andrew ang kanang kamay hudyat na oorder ito ng makakain nila. Naka-ngiti na lumapit sa kanila ang isang babae at tsaka magalang na nag salita. Magalang ang tono nito pero hindi nya maintindihan ang sinasabi nito.

"Ciao,buona giornata signora e signore. Posso sapere il tuo ordine per favore?" (Hello,good day ma'am and sir. May i know your order,please?) Naka-ngiti ito habang sinasabi iyon sa kanila.

Agaran na inabot nito ang menu sa kanila. Tila para bang nanuyo ang lalamunan nya sa mahal ng mga pagkain dito sa restaurant. Baka mamulubi sya dahil sa mga mahal ng presyo nito. Ang €80 kung iko-convert sa peso ay 4,423.87. Isang putahe lang iyon ng pagkain at starter lang!

Madami syang gustong order-in pero tila nag dadalawang isip sya dahil sa mahal ng mga ito. Nag lalaway sya sa mga litrato na nasa menu pero parang ayaw bumuka ng bibig nya dahil bukod sa namamahalan sya ay hindi nya alam ang sasabihin nya dahil hindi naman sya marunong ng Italian.

Pasimple syang tumingin sa katapat nya at nakita nya na busy din ito sa pag order ng sariling kakainin. Pa'no nya ba sasabihing sa iba na lang sila kumain? Alam nya na!

Tinignan nya kung nasa gilid pa ba ang waiter at buti na lang ay wala kaya naman kinuha nya ang isang baso ng tubig at itinago sa ibaba para hindi mapansin ang gagawin nya. Isinawsaw nya ang isang daliri sa baso at tsaka ipinitik ang kaunting tubig sa katapat. Ilang beses nyang inulit iyon bago nakuha ang atensyon nito. Tumingin ito sa kanya na parang nandidiri.

"Ano ba yon? Laway mo?" Nandidiri na sabi nito at agaran na pinunasan ang muka nito ng panyo na nasa hita nito. Hindi naman sya ganon kasalahula no!

"Bakit naman kita pipitikin ng laway ko?" Taas ang kilay na sabi nya sa binatang kaharap.

"So pinipitik mo nga ako? Kung hindi iyon laway,eh ano yon?" Takang tanong nito sa kanya. Inangat ng dalaga ang baso at ipinakita na ang tubig sa loob non ang ginamit nya.

"Eto oh?" Pakita nya sa binata. Nalukot ang muka nito dahil sa ginawa nya.

"Ang salahula mo. Iinuman mo yan tapos isinawsaw mo ang kamay mo dyan. Hindi ka pang sama sa mga ganitong kainan." Nang aasar na sabi nito sa kanya. Napanguso sya bago ito sinagot.

Dominant Series 1:Marcus Adler CollinsWhere stories live. Discover now